III
O
29: She’ll Pay–2
“Galit ka pa rin ba anak, huwag ka nang magalit. Kinailangan ko lang gawin iyon. Mula ngayon
dapat maging mabait ka na kay Yuri, anak ha.” Nakangising saad ng kanyang ina na ikinasalubong
ng kanyang kilay.
“What do you mean, joke ba ‘yan, Mom? Alam mong ayaw ko kay Yuri!”
“Makinig ka anak,” seryosong saad nito na hinawakan pa ang kamay ni Atasha.
“Sa bahay na natin pag–usapan yan,” seryosong saway ni Gener sa mag–ina nito na ipinagtaka ni
Atasha.
“Ano bang mayroon, bakit parang hindi ata ako nainform?” pangungulit ni Atasha pero hinila na ito ng ina nito pasakay nang kotse nila.
SAAVEDRA MANSION
“BAKIT WALA na ang kaibigan ni Clarence, I told her na kakausapin ko pa siya diba?” usig ni Gaston
sa asawa nito.
“Hindi ko rin alam, nagmadali ring umalis ang anak mo kanina. Parang nag–aalala nga eh. Wala namang sinabi kong bakit? Kausapin mo na lang pagbalik niya,” malumanay na saad ni Daisy dito.
“lyong DNA test, magagawa ba?”
“Ah…oo,” nag–iwas ang tinging saad ni Daisy. “Sige na, magpahinga ka na muna, sabi mo masama ang pakiramdam mo diba,” taboy nito sa asawa. Dahil talagang kanina pa nanakit ang ulo ni Gaston hindi na rin ito tumutol pa. Besides si Daisy ang inaasahan niyang gumawa ng maraming bagay para sa kanyan kahit noon pa man.
Sa kabilang banda.
Palakad–lakad si Daisy sa opisina niya habang nag–aantay sa kanyang katiwala. Hindi naman nagtagal ay dumating ang isang matangkad na lalaking may seryosong tingin.
“Madam,” magalang na bati nito.
“Eric, sabihin mo? Paanong kamukha ng batang iyon si Charlene?” nahihintakutang saad ni Daisy. Nang makita niya si Yuri kanina para siyang natakot sa multong matagal na niyang tinatakasan. “Namatay ang batang babae na kakambal ni sir Clarence nang ipinanganak iyon,” pag–aassure nito
kay Daisy.
“Kung ganun, sino si Yuri? Anong kaugnayan niya kay Charlene? Kailangan mong alamin ang lahat, Eric. Magwawala si Gaston kapag nalaman niyang may isa pa siyang anak at hindi ko sinabi ang
15
O
tungkol doon,” panic na paki–usap niya dito.
“Ako nang bahala Madam,” seryosong sagot nitong nagpaalam na.
PASS TEN na nang makarating ako sa bahay ko. Ang madilim na katahimikan ang sumalubong sa akin. Kaagad akong umakyat sa ikalawang palapag upang puntahan ang silid ni Yuri.
Subalit malamig at nakakabinging katahimikan ang sumalubong sa akin ng buksan ko ang pinto ng
silid nito. Bumaha ang liwanag sa malamig na silid ng switch on ko ang ilaw.
Napakalinis nang kuwarto at walang bakas na dumating na si Yuri. Naglakad ako palapit sa kama nang mapansin ko ang bagay sa ibabaw ng tokador. Naroon ang nakatuping papel, ang atm card nito ang ang jewelry box na regalo ng aking ina kay Yuri.
Tatlong taon nang na kay Yuri ang mga gamit na iyon pero hindi ko nakitang isinuot niya kahit
minsan.
“Sana maunawaan mo na lang si Yuri hijo, bukod sa pagiging waldas sa pera eh maluho rin ang batang ‘yan dahil lumaking nasusunod ang lahat ng gusto. Ikaw na sanang bahalang magturo sa kanya nang tama.” Mula kung saan ay dinig ko ang tinig ni Natasha. Sinabi nito iyon matapos ang
kasal namin ni Yuri.
Ito rin ang nagsabing may pagkarebelde si Yuri at mahilig umalis ng walang paalam, kaya
nag–aalala ito.
They even told me na mahilig sa mamahaling gamit si Yuri.
Pero ang mga iyon, hindi ko nakikita kay Yuri. Noon hindi na ako naniniwalang rebelde nga itong anak, until recently. Dahil na witness ko ang ugali nitong iyon.
Bihira kaming magkita ni Yuri sa tatlong taong pagsasama namin bilang mag–asawa. Pero alam kong masama nga ang ugali nito dahil baliwala dito ang magulang nito. At iyon ang ikina–iinis ko kay Yuri. Wala itong pagpapahalaga sa pamilya.
Tulad na lang ngayon basta na lang itong nawawala nang walang paalam kahit hindi ko pinayagan.
“Kapag nakita kita, humanda ka sa akin Yuri. I’ll make you pay for this. Ginagawa mo akong tanga!” madiing usal ko habang napapahigpit ang hawak ng kamay ko sa jewelry box nito.
Alam kong madali kong mahahanap si Yuri, wala naman siyang koneksyon at lalong hindi siya makakalabas ng bansa. “Mahahanap rin kita Yuri Ann! At pagsisihan mo kapag natagpuan kitang babae ka!” Matiim kong saad sa kabila nang kakaibang pakiramdam na umaataki sa pagkatao ko.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)