29: She’ll Pay–1
29: She’ll Pay
“ANO! Nasaan siya? Nasaan si Yuri!” nag–iinit ang ulong usig ko kay Clarence na mukhang inosente talaga, inisa–isa ko na lang lahat ng guest room. At sa pangungulit ko pumayag rin si Clarence na pumasok ako sa silid nito.
Pero hindi ako makapaniwalang makikita ko doon isa sa malaking painting ni Yuri. Painting iyon ng isang malawak na parang na may maraming puting bulaklak na hindi ko malaman kung ano.
“Huwag ka ngang sumigaw, ‘wag mong kalimutang nasa pamamahay ka namin. Bakit di mo kaya
tawagan si Yuri?” utos nitong umiling pa. Kulang na lang idagdag pa nito ang salitang ‘tanga‘ base
sa ekspresyon nito.
Kaya nagmadali na akong tawagan si Yuri. Naka–ilang ring lang naman ng phone ay sumagot rin
ito. Pero para lang manlumo ako sa tinig na narinig ko.
“Sir, naiwan ata ni Ma’am ang phone niya, nakita ko dito sa backseat,” ani Dan na siyang sumagot
sa kabilang linya. Kaya sunod–sunod akong nagmura.
“Lintek, bakit mo hinayaang maiwan niya ‘yan!“malakas na singhal ko dito.
Sorry Sir, ngayon ko lang napansin ang phone pagtawag n’yo,” bakas ang kaba sa tinig ni Dan. Nagpa–install ako ng tracking app sa phone ni Yuri para maiwasang mangyari ulit na maghanap
ako sa kanya. Pero iniwan nito ang phone nito.
Sinadya ba nitong gawin iyon?
“Nawawala ang asawa ko, hanapin n’yo siya. Tawagan mo si Javier!” Utos ko dito saka ko tinapos
na ang tawag.
Hindi nakaligtas sa mata ko ang mapanuyang ngisi ni Clarence kaya iritadong binalingan ko ito. “Sabihin mo, saan mo itinago ang asawa ko?” pakiramdam ko nanliliit ang mata kong nakatitig kay Clarence. Wala akong paki–alam kung pamamahay niya ‘to.
Pero hindi ako papayag na layasan ako ni Yuri dahil sa lalaking kaharap ko ngayon.
“Ano bang ikinagagalit mo Dela Merced? Maghihiwalay na kayo ni Yuri. Hindi ba dapat mas pabor pa nga sayong iwan ka na niya para maging malaya ka,” seryosong saad ni Clarence. Blanko na ang ekspresyon nito kaya hindi ko masabi kong wala nga itong alam.
O baka nag–o–over think lang ako. “No! It can’t be! Hindi puweding lumayas si Yuri.” iyon ang paulit–ulit na naglalaro sa utak ko.
#00
15
O
“My wife has no where to go, kaya tumigil ka sa pakiki–alam mo.” kuyom ang kamaong tinalikuran
ko ito.
“Yan ba ang dahilan kaya ayaw mo siyang umalis?” usig sa akin ni Clarence na ikinahinto ko sa
paghakbang pababa ng naghagdan. “Ayaw mo ba siyang mawala dahil alam mong wala siyang
pupuntahan o dahil alam mong kailangan mo rin si Yuri bilang asawa mo?” saglit na hindi ako
nakahuma sa sinabi ni Clarence.
Kailangan ko ang asawa ko? Mapaklang ngisi ang pinawalan ko bago ko ito binalingan.
“Concern lang ako sa kanya bilang asawa niya dahil hanggang kasal kami obligasyon ko si Yuri.
lyon lang ang dahilan ko at wala nang iba.,” matigas kong saad dito.
“Kung ganun, ipasa mo na ang annulment papers, sisiguruhin ko sa’yong magiging mabilis ang
lahat para hindi mo na kailangang hanapin si Yuri dahil lang obligasyon mo siya. Palayain mo na siya at hayaang maging masaya sa taong kaya siyang mahalin at alagaan.”
Hindi ko alam kung bakit pero parang malakas na suntok sa sikmura ko ang sinabi ni Clarence.
Subalit ipinagsawalang bahala ko na lang ‘yon.
“Kapag hindi ko naabutan si Yuri sa bahay, humanda siya kapag nakita ko siya. Pati ikaw!” banta ko dito na ipinagkibit balikat lang ni Clarence.
Nakahilira pa rin ang mga sasakyang naroon sa parking area. Subalit nagpasya na akong umalis para malaman kung nasa bahay na si Yuri.
“WHAT DO you mean na umalis na si Zade?” Litong napatitig si Atasha sa usher na nilapitan niya. Hindi na kasi niya mahanap si Zade sa loob..
“Nakita ko ho siya kanina Ma’am.” Magalang na saad ng usher na ikinapadyak pa niya sa inis.
“What wrong anak?” kaagad na napasimangot si Atasha nang marinig ang boses na ng ina. Masama ang loob niyang pinagalitan siya nito kanina sa harap ng maraming tao.
“Ano na namang mukha mong ‘yan Atasha? Umuwi ka na,” seryosong saad ng kanyang ama.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)