215: Surprise–3
“Siempre naman po, pero bakit naman surprise wedding pa hindi man lang ako na–inform.”
“Eh di hindi na surprise ‘yon,” sabat ni Moira. “But then, congrastulation girl, sa wakas ikakasal ka na rin. Hindi ka na lang bridesmaid ko,” anitong hinawakan ang kamay ko. “Kahit isip bata ang asawa mo naisip niya talaga ‘to. Sana lang maabot man lang ni Clarence ang sweetness ni Zade.”
“Pati ang Daddy n’yo. Minsan naiinis na ako sa pagiging bato niya.” Naiiling na reklamo ni Mama na
ikinatawa namin ni Moira.
“Mukhang pareho tayo nang problema Mama, pero so far naman medyo okay na si Clarence, siguro demanding lang talaga ako sa asawa ko.” Naiiling na saad ni Moira.
“Teka, anong oras ba ang wedding namin?”
“Mamayang 1pm pa naman, inagahan lang para perfect ang bride.” Excited na saad ni Moira. Ilang sandali pa ay tumunog ang door buzzer na kaagad ring binuksan nang babaing kasama namin.
“Delivery po, hindi raw kasi nakapagbreakfast ang bride,” anang lalaki. Saka Isa isang inilapag ang pagkain, may fresh fruit juice na para daw sa akin at vegetable salad.
“Ako lang bang kakain?”
“Oo, nagbreakfast na kami kanina sa restaurant. Ayaw naming masikip ang gown later no,” si Moira. “Magbreakfast ka habang nagfootspa.”
“Kailangan pa ba ‘yon?”
“Kasama mo sa package Ma’am.” anang babae na nagreready na nang pang footspa ko. Kaya pala maaga ang preparation. Hindi na ako nagreklamo pa. Sinunod ko na lang ang utos nang mga naroon. At habang nagpapa–foot spa ako nagpapamake up na rin sina Moira at Mama Charlane.
Mabilis ang naging takbo nang oras, excited at kinakabahan ako pero nang maisout ko na ang wedding gown ko na talaga namang napakaganda, muntik pa akong maiyak. Pero dahil sayang ang make–up ko kaya tumingala na lang ako.
At 12:30 nasa kotse na kami patungo sa Cathedral kung saan gaganapin ang kasal namin ni Zade. At eksaktong ala una, nakatayo na ako sa may pinto, sa tabi ko si Dad na poging pogi sa suit nito.
Parang isang masayang panaginip na naglakad kami sa aisle na puno nang iba’t ibang bulaklak ang dinadanan ko, na nagmistulang garden wedding dahil sa dami nang bulaklak sa paligid.
Maraming taong nakatingin sa akin pero lahat may matamis na ngiti sa labi. Pero ang higit na umaagaw sa atensyon ko ay ang lalaking nag–aatay sa akin sa may altar. His on his luxury teal blue
00
24
colour three piece tailored suit. Exclusively handsome at bakas ang seryosong tingin sa akin. Wala doon ang inosenting tingin nang isang 18 years old kong asawa.
He’s definitely the Zade I know. Ang lalaking mahal ko.
Kaya pala abalang abala ito nang mga nakaraang linggo at talagang binangit a ang tungkol sa wedding kagabi. Pero hindi na ‘yon ang mahalaga ngayon.
“Sabihin mo nga, Zade Larzon kailan pa bumalik ang alaala mo ha,” mahinang usig ko dito habang
nagsasalita ang pari.
“Two months ago,” mahinang bulong nito sabay mahinang tumawa.
“Two month? Bakit hindi ko man lang napansin, ang galing mo ha.”
“Oo naman, nagustuhan mo ba ang surprise ko? Later iyong reward mo ang ibibigay ko,” mahinang bulong nito, kaya inirapan ko ‘to pero hinawakan nito ang palad ko sabay pisil doon.
At hanggang matapos ang seremonyas ay nanatiling magkahawak ang mga kamay namin. Hawak ang isang masayang panibagong pag–asa.
“Pero dahil nagsinungaling ka naman sa akin, may punishment ka, akala mo ha,” banta ko dito.
“Ayos lang kahit anong parusa pa ‘yan,” anitong sabay kindat. Saka kinuha na si Zayu mula kay Papa Zen na mukhang kanina pa excited. Flower girl si Zayu at ring bearer naman namin si Baby Zen na nakatulog na sa bisig ni Clarence.
“Family picture,” annunsyo nang photographer. Kaya kaagad kaming nagkanya kanyang puwesto ayon sa utos nang organizer. At isang masayang larawan ng nabuo sa isang flash nang camera.
Hindi ko inasahang magkakaroon rin ako nang isang buo at masayang pamilya pagkatapos nang maraming paghihirap at pasakit sa buhay ko.
“Tutuloy pa ba tayo sa reception, wifey?” bulong sa akin ni Zade kaya napalingon ako dito.
“Oo naman,” sagot ko.
“Huwag na, diretso na tayo sa honeymoon, para makagawa na kaagad nang next baby natin,” anito pa sabay hila sa akin pasakay nang bridal car.
“Nagtanong ka pa talaga ha,” natatawang saway ko dito.
***
“Di halatang excited ang bagong kasal,” ani Clarence na sinundan nang tingin ang palayong kotse nang bagong kasal.
“Hindi talaga, masyadong perfect ang surprise wedding ni Zade sa asawa niya kaya malamang
excited sila no,” nakasimangot na saad ni Moira sa asawa.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)