30: Baliw–1
30: Baliw
“LINTEK!” MALAKAS kong bulyaw sa mga tauhan sa harapan ko ngayon. Isang buong araw ang lumipas pero hindi mahanap si Yuri. Even the detective has not given me news yet.
“Sir,” kung i–report kaya natin sa pulis. Nag–aalangang suhésyon ni Dan kaya binalingan ko ito ng
masama.
“At anong magagawa ng pulis sa taong ayaw magpakita ha! Mag–isip ka nga,” singhal ko dito na ikinayuko na lang nito. Sumasakit na nga ang ulo ko sa kakaisip, magbibigay pa ito nang walang
kuwentang suhesyon.
Hindi ko akalaing lalayasan pa rin ako ni Yuri. At iyon ang hindi matangap ng utak kong hindi ko na
ata kayang kontrolin.
“Nagdagdag na ako nang detective na maghahanap sa Misis mo. Pati sa airport nag–abiso na rin ako. Hindi pa naman siya lumabas ng bansa kaya mahahanap natin si Ma’am Yuri,” relax na pag–aassure sa akin ni Javier.
Pero ako, hindi ko magawang magrelax. Hindi ako nakatulog kagabi sa kaka–isip kung saan ko pupuntahan si Yuri. Kahit sa apartment nito wala. Ang kaibigan naman nitong si Moira ay pinasusundan ko na rin.
“Alam kong may kinalaman si Clarence Saavedra dito, sigurado ako doon!” nagtatangis ang bagang nasa saad ko.
“Pero buong maghapon kahapon hindi umalis si Mister Saavedra, ayon sa tauhan natin. At mukhang hinahanap rin daw si Yuri?”
“So what are you trying to say? Na basta na lang makaka–alis si Yuri sa mansion ng Saavedra nang walang nakakakita. Hindi ako naniniwalang wala siyang alam. Sa yaman nila walang CCTV ang bahay, kalukuhan!” pikang usal ko na naikumpas ko pa ang kamay ko sa ere. lyon kasi ang idinahilan ni Clarence nang sabihin kong gusto kong makita ang CCTV footage sa paligid ng mansion. “Make sure na pagpapa–imbistiga ka sa lintik na lalaking iyon. Isama mo na rin si Martin
Alajeros.”
“Pati-” kusa ibinitin ni Javier ang sasabihin nang tinginan ko ito ng masamang tingin. “Okay…
magdadag ako nang tao.”
“Isama mo na ang mga ‘to, wala akong pakinabang sa kanila dito. Tatlo na kayong nakasunod sa asawa ko natakasan pa kayo,” singhal ko pa rin sa mga ito. Wala akong paki–alam kung sila ang maging shock absorber ko ngayon.
00
15
O
“Sir, pasensya na pero, paano kung nagtago lang sa mansion ng Saavedra si Ma’am?” biglang sabat- ni Ivan ang isa sa bodyguard ni Yuri. Natigilan naman ako sa sinabi nito.
“Sa tingin ko rin Sir, nakabantay kami sa mga exit, kaya imposibling hindi namin makita si Ma’m.” nag–aalangan pa ring saad ni Dan.
“Kung ganun, kailangan alamin n’yo,” napapahilamos kong utos sa mga ito. “At siguruhin n’nyong mahahanap n’yo ang asawa ko sa lalong madaling panahon,” tiim bagang saad ko dito. Saka walang paalam na tinalikuran ko na ang mga ito. Sumakay na ako sa nag–aantay kong sasakyan. Hindi naman nagtagal ay nakasunod na rin si Javier na siyang magdi–drive. Sumasakit ang ulo ko kaya naisandal ko ang ulo ko sa headrest saka hinilot ko ‘yon.
“Buwisit ka talaga Yuri Ann!” gigil kong sambit.
“Saan tayo Sir?”
“Sa Montefalco residence,” mabilis kong sagot. Hindi naman ito nagkomento. Isang oras ring ang ginugol namin sa biyahe para makarating sa Norton Village.
Dahil kilala naman ako nang security ay kaagad na rin akong pinapasok, pero nagpasyang magpa–iwan na lang si Javier. At ganun na lang ang pagtataka ko nang mapansin ko na nagkakasayahan at nagsasayaw pa ang mag–asawa sa di kalakihang patio sa garden ng bakuran
ng mga ito.
Tinawagan ko sila kagabi para sabihing hindi umuwi si Yuri. Pero ang sabi lang ni Mrs. Montefalco ay baka raw kung saang kaibigan na naman daw ito nagpunta. Ganun raw talaga si Yuri. Pero alam ko namang walang ibang kaibigan ang asawa ko. Kaya hindi ko alam kung sino ang mga kaibigang
sinasabi nito.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)