Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 366

189 Paghihiganti-1

Clawn

189: Paghihiganti-1

189: Paghihiganti

“ANO BA bakit ba panay ang dikit mo sa akin ha?” inis na asik ni Natasha kay Daisy. Hindi niya alam kung suwerte ba o kamalasan ang dala sa kanya ni Daisy dahil nasa iisang selda pa rin sila. Kasi naman para namang tanga si Daisy na ayaw nang humiwalay sa kanya.

“Papatayin niya ako dito Natasha. Kaya hindi ako puweding manatili dito?” mahinang usal ni Daisy na tila takot na takot. Kaya nangunot ang noo ni Natasha na napatitig dito.

“Sino ba? Para kang tanga alam mo ba ‘yon? Kung si Charlene–”

“Hindi si Charlene, iyong kapatid ko sa ama, si Alyzza. Nakakulong rin siya dito,” kababakasan nang takot ang mukha nito.

Noon naalala ni Natasha ang tungkol sa pagkamatay nang ama ni Daisy at ang step mother nito dahil sa isang pagpatay. At ang suspect ay ang kapatid nitong si Alyzza na duguan ang damit at kamay, habang hawak ang patalim na ginamit sa krimen. At sampung taon na ang nakakaraan mula nang mahatulan ang kapatid nito. Napag-alaman kasing nagdrugs ito kaya nakagawa nang ganung bagay.

At walang sinuman ang tumulong dito. Dahil maging ang mga kaanak sa side nang ama nito ay si Alyzza na ang kinikilalang kriminal.

Kaya ipinagtataka ni Natasha kung bakit tila takot na takot si Daisy ngayon.

“Kung siya nga ang kriminal, bakit ka natatakot?” usig ni Natasha na ikinagulat ni Daisy. Pero kaagad ring nakabawi.

“Dahil ako ang sinisisi niya sa pagkamatay nang magulang namin, at hindi ko siya tinulungan na ipawalang sala siya. Dahil kita naman ang lahat nang ebidensya. Pero hanggang sa huli itinatangi niyang siya ang may gawa.”

“Ah… akala ko natatakot ka kasi ikaw talaga ang may gawa,” nakangising saad ni Natasha kaya muntik na itong batuhin ng unan ni Daisy.

“Siguro nga kinamumuhian ko sila pero hindi naman ako ganun kasamang tao,” tangi nito pero makikitang napalunok si Daisy sa sinabi.

“Diba maraming kaaway ang ama mo? Kaya paano ang kapatid mo ang kriminal?”

“Anong malay ko, bakit ba ang dami mong sinasabi? Natatakot lang ako kasi nagbanta siyang gaganti sa akin. Iniisip kasi niyang ako ang may kagagagawan nang lahat.” Depensa ni Daisy saka inis na nahiga sa higaan nito.

189 Paghihiganti-1

“Masyado kang defensive, kaya mukha kang guilty,” pambubuksa ni Natasha dito. Saka napabuntong hininga. “Isang bilyon sana ang mayroon kami kung hindi lang ako naging ganun kasama kay Yuri, bakit kasi hindi sinabi agad,” monologue ni Natasha.

Claim

Bakas sa mukha ang panghihinayang at pagsisisi habang nakatitig sa ilalim ng double deck sa itaas nito. “Sinong mag-aakalang buhay pa si Charlene?”

“Tusong babae,” sagot ni Daisy.

“O baka sadyang masuwerte lang ang tulad niya.” aniya dito.

“So tayo minamalas ganun? Makatarungan bang siya lang ang mayroon ng mga bagay na gusto ko? Nagsumikap rin naman ako. Pero ang takbo nang buhay ko ay parang paglangoy sa dagat. Walang tigil ako sa pagkampay pero hindi pa rin ako makaahon nang mabilis.

“Samantalang si Charlene, kusang umusad na parang napakasimple lang nang lahat ng bagay para sa kanya,” bakas ang sama nang loob sa tinig ni Daisy.

“Ano ba kayong dalawa?” sita nang mayabang nilang kasama sa selda. Palibhasa mukha itong amazona. Kaya walang nagawa sina Natasha kundi ang manahimik na lang.

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)