Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 367

189 Paghihiganti-2

189: Paghihiganti-2

C

Pero lumabas na lango siya sa alak at drvga nang gabing ‘yon. At hanggang sa kasalukuy alam niya sa sariling wala siyang kasalanan. Pero si Daisy at ang ibang mga kamag-anak nila walang naniwala dahil sa mga ebidensya.

“Sinabi ko na sa’yong huwag mong hahayaang magtagpo pa ang landas natin babae ka.” Nagdidilim ang tingin ni Alyzza sa babaing naka-upo sa bench. Saka ito naglakad palapit : kinaroroonan ni Daisy.

Samantala.

Tahimik lang na nakatingin si Daisy sa mga kapwa bilango. Na naglalaro ng volleyball, sa malawak na bakuran na napapaligiran nang mataas na pader at may mga barbwire sa pinakataas.

Sa taas nang pader sinong tanga ang magtatangkang akyatin ‘yon. Kaya sa tingin ni Daisy. Pag-aaksaya lang sa pera ang paglalagay nang barbwire.

Subalit ang pagmamasid ni Daisy sa paligid ay napalitan nang kaba nang makilala ang babaing gusto niyang iwasan.

“Kumusta na ate,” anang maamong mukha ni Alyzza na ikinatigalgal ni Daisy. Pero nang makita niya ang tipid na ngiti ng kapatid ay tila kumalma ang kabang nararamdaman ni Daisy.

“Masyado na atang maliit ang mundo ano?” Dagdag pa ni Alyzza. “Ilang taon na dito na ang mundo ko, akalain mong magkakasama pa tayo dito. Nabalitaan ko ang mga nangyari. Hind na ako nagulat dahil alam ko namang kaya mong gawin ang mga ginawa mo.

“Pero ako–hanggang ngayon naguguluhan pa rin. At mas lalo lang akong naguluhan ngayon nakita na kita. Paanong ako ang naging isang kriminal, gayong ikaw itong kayang gawin ang lahat makuha lang ang gusto sa buhay.” sumilay ang pagak na tawa sa labi ni Alyzza. “Pero ayos lang, baka nga ganito lang talaga ang kapalaran ko,” may himig pait ang tinig nito.

“Ang pangit nang kapalaran para sa atin?” bakas ang disgusto sa mata ni Daisy. Saka ibinaling ang tingin sa malayo. Kaya hindi nito namalayan na umupo si Alyzza sa tabi nito.

At pagkagulat ang rumihistro sa mata ni Daisy nang maramdaman niya ang pagtagos sa tagiliran niya nang kung anong matulis na bagay. Kaya sa nanlalaki nitong mga mata, binalingan nito si Alyzza.

Napanganga siya nang maramdaman niya ang pagdiin nang patalim sa balat niya at ang pag-agos nang init sa balat niya. “Pasensya ka na, tutal naman kriminal na ako eh, kaya wala

nang masama kung dagdagan

ра

Pero ikaw mamamatay ka lang dapat sa mga kamay ko.” Kababakasan nang excitement a mga mata ni Alyzza.

Habang si Daisy, hindi makagalaw at makasigaw sa sakit na hindi niya kayang ipaliwanag

At habang nakatitig siya dito tila bumalik sa isipan niya ang masamang bangungot nang gabing ‘yon.

FLASHBACK…

“WALANG HIYA sila, paano ako? Anak rin naman niya ako diba Eric?” ang gigil na lintaya ni Daisy. Matapos malaman na sa dalawang anak nang kanyang ama sa ikalawang asawa ni mapupunta ang pamamahala sa pagmamanage nang mall, na pag-aari nang kanyang ama

“Ako ang panganay kaya ako dapat!” pikang monologue ni Daisy saka tumayo.

“Saan tayo pupunta?” Nalilitong tanong ni Eric

“Saan pa ba, di sa bahay nang magaling kong ama at nang kerida niya. Halika na!” pasigaw na utos niya kay Eric na kaagad na ring sumunod para ipagdrive siya, wala siyang paki-alam kung kalaliman na nang gabi.

Pero ipinagtaka ni Daisy at Eric na nakabukas pa ang pinto nang main house nang pumasol

sila doon.

“Walang pera dito, putang ina!” gigil na tinig nang kong sino kaya mabilis na nakabig ni Eric s Daisy upang magtago.

“Mga gago kayo, bakit n’yo–,” galit na asik nang isang tinig.

“Pasensya na. Ang iingay eh. Tara na wala tayong mapapala dito,” nagmamadaling yakag nang isa sa mga lalaki. At hindi nagtagal mabilis na sumalisi palabas ang tatlong lalaking naka-itim at may mga suot na bonet.

“Sino sila?” Kabadong tanong ko kay Eric na inalis na ang takip sa bibig ko.

“Mukhang magnanakaw,” anitong nauna nang lumabas sa likod na malaking poste na pinagkukublihan namin.

“Oh my God!” panic na sambit niya nang makita ang duguang katulong na nakabulagta sa may hagdan nang tuluyan silang makapasok.

Mabilis na kumilos si Eric para i-check ang pulso nang katulong pero umiling ito.

<189: Paghihiganti-2

Clain

“Si dad!” bigla ay inataki siya ng takot para sa kanyang ama. Oo hindi siya malapit dito pero hindi pa rin maiwasang mag-alala sa ama. Paakyat sila nang hagdan nang marinig nila ang pagbukas nang gate na bakal.

Ilang sandali pa ay ang boses ni Alyzza ang naririnig nila.

“Mo–mommy, Daddy…” sigaw nitong halatang lasing. Aktong aalis si Eric para pigilan marahil ang pagpasok ni Alyzza, nang may kung anong pumasok sa utak niya.

Nahagip nang mga mata niya ang patalim na may dugo sa tagiliran nang hagdan. “Mommy I’m home…” anunsyo nang mukhang lasing na lasing na si Alyzza. Ito ang panganay sa anal ng kanyang ama sa babae nito.

Hinila nila si Eric para magkubli at antayin si Alyzza.

“Ang Dad mo nandito sila sigurado, baka kung—” hindi na niya napigilan si Eric na nagmadal nang umakyat. Kaya napasunod na lang siya dito.

At muntik na siyang mapasigaw nang makita ang duguang kama kung nasaan ang asawa nito. Habang nakabulagta naman sa may pinto nang banyo ang ama niya.

Biglang inataki nang takot si Daisy. Lalo na nang sabihin ni Eric na wala nang buhay ang mg ito. Plano niyang komprontahin ang ama tungkol sa pagpapabibigay nito ang authority sa mga anak nito sa ibang babae para maging tagapamahala nang mall.

Pero paano pa niya gagawin ‘yon, kung wala na ito. He was never a good father to her. Pero naging maayos naman ang pagpo-provide nito para sa kanya, financially.

“Tatawag ako nang tulong,” presenta ni Eric. Pero sa kung anong dahilan pinigilan niya ito. “Bakit ate Daisy?”

“Si Alyzza, nandito siya.” Tiim bagang saad niya sabay pahid sa luhang hindi niya namalayang tumulo na pala. Nagmadali siyang bumaba para makita ang tulog na tulog na si Alyzza sa sofa.

“Nagawa talaga niyang matulog nang ganyan,” matalim ang ngising namutawi sa labi ni Daisy. Saka kinuha ang kanyang panyo. Para hawakan ang patalim na maraming dugo. At ipinahawak ‘yon sa kamay nang tulog niyang kapatid.

“Hindi niya puweding pakinabangan ang kompanya ni Dad. Kaya mas mabuting siya na lang ang maging salarin dito.”

“Ate-”

“Tumigil ka nga, kumuha ka ng dugo nila Dad, at ilagay natin sa damit ni Alyzza.”

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)