25 Points
“Paano ba ‘yan Misis, mukliang ayaw ka nang pansinin ng Legal Team ni Senador Saavedra. Puwede kitang bigyan nang public lawyer” Dama niyang panunuya nang police na kaharap niya.
“No! May abogado ako.” Depensa niya saka tinawagan ang isa sa mga kaibigan niyang abogado. Pumayag naman ito at nangakong darating.
Pero lumipas na ang halos dalawang oras, hindi dumating ang kaibigan niya. Sa halip ay si Eric ang dumating na labis niyang ikinagulat.
“Eric,” di makapaniwalang sambit niya. Baka pinalaya kaagad ito matapos isiwalat ni Natasha ang mga ebidensyang hawak nito. “Tulungan mo ako, kailangan ko nang lawyer. Saka paano ka nakalabas?” malamlam ang matang tumitig sa kanya si Eric.
“Walang private lawyer mula sa mga kilalang firm ang tatangap sa kaso mo. Dahil itinawag na ni Senador
Gaston ang tungkol sa’yo.”
“Sandali, buhay si Charlene kaya bakit ako ikukulong for murder ha?” tila noon lang nagsink in sa utak ni Daisy ang bagay na ‘yon. “Di ba? Wala akong pinapatay.”
“Ang mga taong nag–imbestiga sa pagkamatay ni Charlene, at ang dating VP nang Montefalco Royal,” nanigas si Daisy nang marinig ang tinig na ‘iyon. At ganun na lang ang panlalaki nang kanyang mata na makita si Gaston. Kasunod ang tatlong bodyguard nito. ” huwag mong kalilimutang ikaw ang dahilan kaya namatay sila. Pati na ang aksidente ng dump truck na ikinamatay nang ama ni Moira. Utos mo lahat ‘yon,
hindi ba?”
“Gaston, Darling—”
“Tigilan mo ang pagtawag sa akin nang ganyan. Legally, void ang kasal natin dahil buhay ang totoong asawa ko na tinangka mong patayin.” Walang emosyong makikita sa mata ni Gaston.
Habang si Daisy ay nanginginig ang mga kamay at ang katawan sa takot na umaataki sa pagkatao niya. Dahil alam niya tapos na ang lahat ng pinaghirapan niya.
Kaya wala na siyang magagawa kundi ang gawin ang huling bagay na hindi niyang pinangarap. Mabilis siyang napaluhod sa harapan ni Gaston. Na ikinasinghap nang kung sino. “Gaston, parang awa mo na, huwag mo akong ipakulong. Ayaw kong makulong,” samo nang nagmamakaawang si Daisy sa garalgal na
tinig.
“Nagawa ko lang ang lahat nang ‘yon dahil mahal na mahal kita. Ako kasi dapat ang minahal mo eh. Umeksena lang si Charlene. Diba tayo naman ang unang nagkakilala, kaya—” tuluyan nang napahagulgol si
Daisy.
“How pathetic..” anang nanunuyang tinig ni Natasha. Pero hindi na ‘yon pinansin pa ni Daisy.
“Maawa kasa akin, matanda na ako at–”
It
182 Mga Bat
425 points
“Sapat ira ang natitirang panahon mo para pagbayaran ang lahat ng kasamaang nagaw mo. At higit sa lahat. Hindi ka puweding mamatay o magtangkang magpakamatay.” walang emosyong sambit ni Gaston at tila palaso ang titig nitong nagpangiwi kay Daisy.
“Dapat mong pagbayaran ang lahat, Daisy mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaking kasalanang ginawa mo sa akin at sa pamilya ko. Lalo na kay Charlene. Gusto kong pagbayaran mo ‘yon hanggang sa kamatayan mo.” Madiin at mabigat ang bawat bigkas ni Gaston nang salita habang ang mga mata nito ay matalim ang tingin kay Daisy.
“Maawa ka sa akin, ginawa ko naman ang lahat diba, naging mabuti akong ina kay Clarence.”
“Dapat lang, dahil ikaw ang naglayo sa kanya sa sarili niyang ina. At kung hindi dahil sa pagiging makasarili mo. Hindi sana naging malungkot at mahirap ang buhay ni Yuri dahil sa pamilya nang kaibigan mo na ‘yan. Kaya tama lang na pareho kayong mabulok sa kulungan.” Asik ni Gaston na tinapunan rin nang matiim nitong titig si Natasha na napaurong naman.
“At siya nga pala. Nagtawag ka ba nang lawyer? Ipapaalala ko lang sa’yo na wala kang karapatang gamitin ang resources nang pamilya ko. I’m pulling out all the fund money at ang bahay at kotse. Tutal, hindi naman para sa’yo ang mga ‘yon, hindi ba?”
“Gaston no, paano na ako kapag ginawa mo ‘yan?” Luhaang samo ni Daisy at bakas ang takot at pag–aalala
sa mata.
“Bakit ko naging problema kung paano ka na? Alam mo kong ano lang ang papel mo sa buhay ko. And my contract with you ends here.” iyon lang at walang salitang tumalikod na si Gaston. Na lalong umiyak si
Daisy.
“Eric, anong gagawin ko? Huwag mo akong iwan, tulungan mo ako please.”
“Oo, huwag kang mag–alala, Ate. Dahil bilang pamilya pa rin ang turing ko sa’yo. Kaya lang baka mahirapan akong ikuha ka nang abogado. Kaya mas makakabuting aminin mo na lang ang mga kasalanan mo. Under
order sa investigation pa rin ako dahil sa pagsunod ko sa’yo. At pati na ang ginawa ko kay Charlene para manatili siya sa mental nang mahabang panahon. At pagbabayaran ko lahat nang ‘yon pagkababa nang husgado.”
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)