(182. Mga BitTor
182: Mga Bruha
EARLIER
“KAILANGAN kong gumawa nang paraan na mahanap ang mga recorder na ‘yon, bago ako umalis. Oo tama dapat kong gawin ‘yon,” kausap ni Daisy sa sarili habang pabalik–balik na naglalakad sa harap nang mahabang sofa.
“Saan ba niya puweding ita—” natigil ang pagmo–monologue ni Daisy nang tumunog ang doorbell.
“Tao po, magandang araw ho,” anang tinig lalaki kaya napilitan siyang lumabas para lang makita ang ilang unipormadong lalaking police ang nag–aanatay sa labas. “Kayo ho ba si Daisy Saavedra,” seryong tanong nang lalaki.
“Oo, bakit?” Lakas loob na kompirma niya.
“Men, arrest her.” Utos nito at mabilis na nakapasok ang mga tauhan nitong ikinataranta ni Daisy.
2
“Teka, trespassing
sigaw niya pero bago pa siya makaatras nasa harapan na niya ang tatlong
malalaking lalaking unipormado.
“Mrs. Daisy Llanka arestado
ka sa salang pagpatay,” ang deklarasyon ang police ay tila bombang
sumabog sa utak ni Daisy. “May karapatan kang manahimik. Anumang sabihin mo ay maaaring gamitin
laban sa iyo sa hukuman. May karapatan kang kumuha ng abogado. Kung wala kang pambayad sa abogado, bibigyan ka ng isa na magbibigay ng libreng tulong legal. Naiintindihan mo ba ang mga karapatan na binasa ko sa iyo?” Dinig niya ang mga sinabi nang police pero parang hindi na niya maunawaan ang
nangyayari.
Dapat kasi umalis na siya kahapon. Bakit ba siya nagdalawang isip pa. Kaya heto siya ngayon, malakas ang kabog nang kanyang puso. Binabalot nang takot at labis pag–aalala
Nagising ang diwa ni Daisy nang hawakan siya nang dalawang police sa magkabilang braso.
“Teka, bitiwan n’yo nga ako. Wala akong pinatay!” sigaw niya saka nagsimulang magpufmiglas. Subalit higit na malakas ang mga police kaya walang nagawa si Daisy.
Paglabas pa lang nila ng gate naroon na rin ang ilang reporter na panay ang kuha nang larawan.
“Itigil n’yo ‘yan! Hindi n’yo ba ako kilala?” sigaw ni Daisy sa mga reporters.
“Misis, huwag na kayong pumalag kung ayaw n’yong posasan pa namin kayo.” matigas ang boses na sawax ng police.
“Wala akong pinapatay… mga hayop kayo! Titigil n’yo sabi ‘yan.” madiing tangi ni Daisy pero wala itong nagawa kundi ang pumasok sa mobile car na nag–aantay sa kanila.
Pagdating sa police station ay may mga reporter pang nakaabang kaya kulang na lang itulak siya ng mga
alt
182: Mga Bust 3.
police Sinubukan niyang takpan ang sarili para hindi makita sa camera.
“Ma’am, totoo bang pinapatay n’yo ang unang asawa ni Ex Senador Saavedra?” tanong nang isang babaing reporter.
“Kasinungalingan ‘yan,” sigaw niya sa babae na kung hindi siya nakabig nang police malamang baka
nasampal niya ang babaing reporter.
Natahimik lang ang mundo ni Daisy nang tuluyan na silang makapasok sa loob ng station.
Subalit ganun na lang ang panlalaki nang mata niya nang makita na parehong selda ang pagkukulungan sa kanya, kung saan naroon si Natasha na tila sadyang hinihintay ang kanyang pagdating.
Bakas ang katuwaan sa mata nito.
“Hayop ka!” Kaagad na duro niya dito.
“Ako?” anitong nakakalukong tumawa. “Siguro, pero mas hayop ka at demonyo ka pa. Akala mo naisahan mo na ako ano? Hindi ako papayag na ako lang ang mabulok sa kulungan, Daisy. Kasalanan mo ‘yan dahil tanga ka.” namutawi ang halakhak ni Natasha na ikinairita ni Daisy. Kaya mabilis niyang itinulak ang police para sugurin si Natasha.
“Sira ulo kang hayop ka, papatayin kita!” sigaw niya sabay hila nang mahabang buhok nito kaya malakas na napasigaw si Natasha, pero hindi ito pumayag na hindi gumanti. Kaya napasigaw rin sila.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)