181: Resulta–2
“Ito na main–” anitong natigilan at napatitig sa mukha ko.
“Bakit?”
“Umiyak ka ba?” kunot noong tanong nito. Bago inabot sa akin ang tasa.
“Ano ba ako bata para umiyak?” nagawa kong tumawa nang mahina. “Nalagyan nang sabon ang mata ko kanina kaya namula siguro,” palusot ko.
“Ah… mag–ingat ka sa susunod.” bilin nitong kinuha na rin ang tasa nito at naupo sa tabi ko. “Maaga pa gusto mo magmovie tayo?”
“Music na lang wife, kung ayos lang.” request ko
“Sige,” sang–ayon nitong kusa nang kinuha ang remote sa drawer. Para buksan ang flatscreen tv. “Pansin ko, bukod sa extra sweetness mo nagiging mahilig ka na rin sa music ngayon,” nakangiting puna nito.
“Ganun siguro kapag nagkakaedad na,” pabirong sagot ko dito.
“Lagi mo na lang sinasabi ‘yan. Hindi ka pa kaya matanda at– teka—” anitong natigilan saka nilakasan ang volume nang balita. “Bahay ni Tita Daisy ‘yan.” Mula sa background ay maririnig ang boses nang reporter.
“Kaninang hapon ibinaba ang warrant of arrest para kay Daisy Llanko Saavedra ang asawa ni ex–Senador Gaston Saavedra. Para sa salang pagpatay kay Charlene Saavedra. Kasunod nito naglabasan rin ang mga ebidensya nang pagpatay niya sa dating VP nang Montefalco Royal na kaibigan at kasosyo sa negosyo ni
Charlene Montefalco Saavedra.”
“Zade, ginawa ni Natasha…“wala sa sariling sambit ko kaya napatitig ako sa mukha nang asawa ko, na
kunot ang noong nakatitig sa tv screen.
“Magaling ang naisip mo, Yuri.” anitong nakangiti.
SAKABILANG BANDA
UMIGTING ang panga ni Clarence nang mapanood ang balita. Nakauwi na sila dahii malusog ang anak nilang babae ni Moira. Moira give the kid the name Charlene Mae Saavedra. Pinagsamang panglan nang kanyang ina at nang ina niton si Thesa Mae.
Hindi pa niya nababangit dito na buhay ang kanyang ina. At plano niyang ipakilala ito sa kanyang ina kapag magaling na ito. Nag–alala kasi siyang baka magalit ang Mommy niya, dahil napagkakamalam pa rin siya nito ang Dad niya.
“Ayos ka lang ba?” ani Moira nang lapitan siya nito. “Sa wakas magiging maayos na rin ang lahat. Buti na lang may naitatagong katinuan ang bruhang Natasha na ‘yon. Kung anuman ang nagpabago sa isip niya. Sana magandang pagbabago ang dala sa masama niyang ugali.” lintaya nitong naiiling pa. “Kaya lang.” anito pagkalipas nang ilang sandali.
“Ang tita mo.”
“Ayos lang…” sagot niya pero hindi maitago ang bigat sa kanyang dibdib. Oo nagalit siya sa kanyang Tita Daisy. Dahil sa dito kaya lumaki kaming magkahiwalay ni Yuri. Però tapos na iyon. At nagsikap itong maging ina sa kanya.
“Ano man ang kabutihang nagawa niya, ginawa pa rin niya dahil sa masamang intensyon. Kaya hindi mo kailangan maawa sa kanya, Clarence.” Napalingon ako nang hawakan ni Moira ang braso ko.
“Alam ko naman. It’s just that—” he paused at humugot nang malalim na paghinga. “Hindi ko pa rin maunawaan kong bakit niya nagawa ang mga ganung bagay. Akala ko siya na ang pinakamabuting tao sa mundo. Pero siya pala ang sumira sa pamilya ko,” may pait na sambit niya.
“At hindi mabuti ang ginawa niya para lang maging masaya siya.” Dagdag ni Moira na isinandal ang ulo sa kanyang balikat.” Magiging maayos rin ang lahat, Clarence. Siguradong masaya ang Mommy mo kung nasaan man siya ngayon.”
“Siya nga pala…” sambit ko saka ko hinarap si Moira, “sorry kong hindi ko pa nasabi, ang Mommy ko, buhay
siyą, Moi.” pagkagulat ang rumihestro sa mukha ni Moira.
“Talaga, paano? Nasaan siya ngayon?” sunod–sunod na taong nito.
“Nasa bahay nila Yuri. May amnesia siya at wala sa tamang pag–iisip dahil sa mga gamot na ibinigay sa
kanya.. At akala niya si Zayu at baby Zen ay kami ni Yuri.”
“Siguro normal lang na mapagkamalan niya ang dalawang bata kasi diba kamukha ni Yuri si Zayu. Tapos si Baby Zen parang ikaw. Mas bagay pa ngang ikaw ang ama ni Baby Zen eh,” nakangiting deklara ni Moira na
marahas na ikinalunok niya.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)