181: Resulta
“RELAX ka lang asawa ko,” ani Zade na niyakap ako mula sa likuran ko. Naroon ako sa balcony na kanugnog nang silid namin para magpahangin. “Magtiwala tayo na gagawin ni Natasha ang papabor sa
atin.”
“Ang totoo kanina, confident akong gagawin nga hiya pero kinakabahan pa rin ako. Kasi kung totoo ang sinabi ni Alpha na na kay Natasha ang mga recorder ni Mama, siguradong katapusan na ni Daisy. Pero alam kong higit kaninuman si Clarence ang mas masasaktan.”
“Huwag mo nang alalahanin pa ang kapatid mo. Magiging maayos rin siya. Ang mahalaga buhay ang Mommy n’yo.”
“Pero si Eric bakit n’ya gustong akuin ang lahat?” maya maya tanong ko kay Zade.
“Hindi ko alam. Baka inutos ni Daisy or baka kusa niyang ginawa. Ano man ang dahilan niya sana lang tama ang pagpapasya na ginawa niya. At tayo naman walang ibang magagawa kundi ang mag–antay.” anitong hinawakan ang mukha ko. “Kaya magrelax ka na. Tayo na sa loob,” anitong inakbayan na ako para magtungo sa silid namin.
“Tulog na tayo, asawa” aluk nitong pumuwesto na sa kama.
“Wait lang lalagyan ko lang nang cream itong pimples ko,” paalam ko dito na tila ikinagulat ni Zade.
“Pimples?“sambit nito.
“Oo, kung kailan ako tumanda saka nagkaroon ng pimples,” hinimas ko pa ang isang pirasong tagihawat ko. Tinakpan ko lang nang cream para hindi mahalata.
“Bakit wala naman akong naki— ah wala.” anitong tila nalito at napatitig sa mukha ko. At lalong kumunot
ang noo nito na ipinagtaka ko.
“Ano ba, di mo kita. Ito o,” pinagdikit ko ang labi ko para ipakita ‘yon kay Zade. Malaki iyon namumula kaya halata kapag walang concealer cream. Pero sa ekspresyon ni Zade hindi ko maunawaan kong bakit parang naguguluhan ito. “Bakit ba?”
“Wala—oo nga malaki nga ang pimples mo di ko na napansin. Siguro kasi kagandahan mo lang ang nakikita ko.” nakangiting sagot nito na ikinatawa ko ng mahina.
“Alam mo Zade nasobrahan ka na talaga sa sweetness,” di ko mapigilang kiligin sa mga lintaya nang asawa ko. Pero hindi ko rin maiwasang mabagabag sa nakikita kong lungkot sa mga mata nito kahit nakangiti naman si Zade.
“Sige, lagyan mo na ng creame ‘yan, magbanyo lang ako sandali,” nakangiting paalam nito.
MARAHAS na nahilamos ko ang kamay ko sa mukha ko pagpasok ko nang banyo.” Malinaw kong nakikita ang mukha nang asawa ko, pero bakit hindi ko makita ang pimples na sinasabi nito. “Lintek anong
nangyayari! gigil na sambit ko kaya hapalo nang kamay ko ang tiles na dingding,
‘I’m fine…” marahas kong sambit saka ko hinila ang hidden mirror sa side nang maliit na cabinet.
Pero lalo lang akong naasar nang hindi ko makilala ang sarili kong mukha. Kaya pabalyang ibinalik ko rin ‘yon.
“Lintek, bakit?”
“Face blindness is common in some with autism. But it can also be inherited by a normal young man like you. In your case, the propognesia was triggered because of the arachnoid cyst on your brain. There is still a possibility that it will re–occur, even if the operations were successful. The re–growth will be inevitable, and also your late father had the same case. He could have lived longer if he hadn’t undergone the second operation,” mula kung saan ay tila rolyo nang camera ang sandaling iyon sa buhay ko, kung saan ipinapaliwanag sa akin ng mga doktor ang sitwasyon ko noon. Matapos ang isan successful operation.
Labing walang taong gulang pa lang ako noon. Umasa akong hindi ako matutulad sa totoong ara ko, pero nangyari pa rin ang lahat.
“Zade,” anang tinig na nagpabalik sa diwa ko. Mabilis akong naghilamos.
“Sandali lang wife,” sagot ko dito.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)