183: Charlene Request
“AYAW ko d’yan, alisin mo.. alisin mo…” panic na histerya ni Mama Charlene kaya napatakbo ako palapit dito.
“Mama, bakit po?”
“Ayaw.. ayaw ko ‘yan..” anitong tila batang nagsumiksik sa sulok nang sofa, habang ang mga kamay ay nakaturo sa TV screen. Kaya nagmadali akong patayin ang TV. “Maganda, takot ako…” umiiyak na sumbong nito. “Baka makita ako nang bruha.”
“Mama,” ani kong niyakap ito. “Alam mo ba kong bakit nasa TV ang bruha, kasi pinahuli na siya ni Dad sa
police. Dahil sa pananakit niya sa’yo. Diba ang galing ni Dad.”
“I—iyong tatay mo, iyong matandang pangit?” anitong napatitig sa akin at unti–unti nang kumalma
“Oho, siya ang pagpahuli sa bruha para hindi ka na masaktan kapag ipinakilala ka na ulit ni Dad sa mga tao. At isa pa kailangan mo talagang gumaling kasi namimiss ka nang mga kaibigan mo.”
“Kaibigan?” inosenting tanong nito. “Iyong bruha kaibigan ko din siya…pero…” muling nasira ang mukha nito. “Baka kunin niya anak ko.”
“Promise po hindi na mangyayari ulit ‘yon kaya kumalma ka na, mamaya nandito na si Dad. Malulungkot iyon kapag nakita ka niyang umiiyak,” paunawa ko dito na ikinatango naman ni Mama.
“Wala nang bruha?” naninigurong tanong nito na umiling pa.
“Wala na ho Mama, kaya ‘wag ka na pong mag–alala. Magiging maayos na ang lahat,” pag–aassure ko dito. “A…maganda kailan tayo pupunta sa bahay ko. Gusto kong pumunta sa bahay ko, sige na. Malaki iyong bahay ko at marami akong pera doon.” anitong hininaan ang boses.
“Sige po, pupunta tayo ngayon doon, pagdating ni Dad.”
“Yehheyyy….” anitong pumalakpak sa katuwaan. Hindi naman nagtagal ay dumating si bad at kasunod nitong dumating si Zade. May weekend urgent meeting kasi ito kaya kailangan nitong pumunta sa office sandali.
“Manong… matanda punta na tayo sa bahay ko, pumayag na si maganda.” excited na annunsyo ni Mama kay Dad na napalapit pa dito.
“Sabi ko naman huwag mo na akong tawaging manong, ikaw talaga.”
“Hmp..manong ka na kasi matanda ka na no.” pairap na sagot ni Mama na ikinakamot na lang ni Dad. “Hayaan mo na Dad, ikaw naman ang pinakapoging manong eh,” pagbibiro ko kay Dad na napangiti na rin
lang.
“Siya nga,” sang–ayon nitong ginulo pa ang buhok ko. “Zade anak, sumama ka sa amin ha. At ilang araw
alt
< 183 Charleneject f
nang umuungot ang mummy n’yo na pumunta sa bahay niya.”
“Oho, dad.” sang–ayon ni Zade na nasa tabi ko na rin. Excited namang pumalakpak si Mama at nagpalipat–lipat ng tingin sa amin.
Matapos naming magbihis ay sakay na kami nang Fortuner ni Zade. Si Dan pa rin ang Driver namin at sa unahan na pumuwesto si Zade. Habang kaming tatlo nila Dad ay nasa backseat.
Isang oras rin ang biyahe namin nang makabalik kami sa Norton Village. Si Manang Elisa at ang asawa
nito ang sumalubong sa amin. Ang mag–asawa na ang nagsisilbing katiwala dahil patuloy pa rin ang
therapy ni Manang Gina.
Hindi nakaligtas sa mata ko ang pagtataka sa mukha ni Mamà. Halatang may hinahanap ito.
“Mama si Mamang Gina po, umuwi sa kanila at nagpapagamot?”
Kaagad nanlaki ang mga mata nito. “May… may sakit si Ate Gina?”
“Oho, Mama at sina Manang Elisa muna ang pinagkatiwalaan ni Manang Gina habang wala siya. Halika na
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)