173: Multo nang Nakaraan.–2
“Kailangan lang madetox ang mga chemical residue sa katawan niya, then saka natin simulan ang tamang
gamutan.”
“Kung ganun, dapat imbestigahan ang mental hospital na ‘yon. Bakit imbes na gamot para gumaling ang pasyente. Pero gamot para magmukhang baliw ang isang matinong taong may amnesia ang ibinibigay
nila,” matiim na saad ng kanyang ama.
“Tama kayo, pero sa dosage nang residue sa tingin ko binibigyan lang nila ang pasyente nang gamot every 3-4 months. Dahil may amnesia naman siya hindi kailangan i–drug siya nang husto para tuluyang mabaliw. Pero mabigat na kaso pa rin para sa isang medical practitioners ang gawin ang ganitong bagay.”
“Dad, sa ngayon dapat siguro maging tahimik lang ang lahat. Siguradong gagawa si Tita Daisy nang paraan para masaktan si Mommy kapag nalaman niyang buhay siya. Dapat tayong mag–ingat.” Walang emosyong
makikita sa mata ni Clarence.
Kaya hinawakan ko ang braso nito. Ipinaliwanang ko na dito ang lahat tungkol sa ginagawa naming imbestigasyon. At totoong nag–iimbestiga rin ito para sa kaso nang ama ni Moira.
“Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa asawa ko ang tungkol dito,” mapait na sambit ni Clarence. “Maiintindihan ni Moira ang lahat. Wala ka namang kasalanan kaya hindi ka dapat mahiya,” paliwanag ko
dito.
“Tama ang kapatid mo anak. Si Daisy, siya ang ugat nang lahat nang ito, kung paano naging ganito kahirap at kagulo ang buhay natin. Si Yuri at higit sa lahat ang Mommy n’yo.” matiim na saad ni Dad na nakatingin kay Mama Charlene.
Masaya kasi nitong nilalaro ang maliit na pendulum na kinuha nito sa table nang doctor.
“Ganda, akin na to ha,” baling nito sa amin.
“Mahal, kay dok ‘yan, bibili na lang tayo nang mas maganda.” malambing na kausap ni Dad dito. Kahit si Clarence napatingin sa akin. Hindi kasi malambing si Dad maliban sa mga apo nito.
ako kinakausap, hmp?” pairap na sagot ni Mama dito. Saka muling bumaling kay Dad. “Bibili
sabihin sa bruha?” usisa nito.
akalapit sa’yo ang bruha, pangako ‘yan.”
Bibigay ko kay Clarence ko.”
ayo.” pag–aassure ni dad na ikinapalakpak ni Mama Charlene. “Bilis na, bili tayo.”
ng dad baka…” pigil ni Clarence na nag–aalala para pa rin.
nang bahala. Umuwi ka na, malapit nang manganak si Moira kaya hindi mo siya dapat laging iniiwan,” boy nito kay Clarence na sinang–ayunan ko rin.
alt
173 Multaamme Nakaraan 2
“Halika na inahal, bibili na tayo.”
“Ikaw pangit na matanda ka hindi ikaw mahal ko.. salbahe.” inis na maktol ni Mama.
“Mama, hayaan mo–na po si Dad, matagal ka niyang di nakasama kaya namiss ka niya,” paliwanag ko dito.
“Pero di siya ang mahal ko, maganda. Kita mo puti na buhok niya,” sumbong nitong humawak pa sa braso
“Ang pogi kaya ni Dad, Mama. Ikaw din baka kunin siya nang bruha wala ka nang poging bodyguard.”
“Ano… hindi…” nanlaki ang mga mata nitong napatitig kay Dad. “wag kang sasama sa bruha… kundi
sisisantihin kita.” Banta nitong masama ang tingin kay Dad.
“Kaya nga po bantayan mo si Dad para hindi makuha nang bruha at babantayari ka rin niya para wala nang bruha ang makakalapit, okay.” mabilis naman itong tumango tango at kumapit pa sa braso ni Dad.
Nag–approve sign ako kay Dad na bakas ang kasiyahan sa mukha. Palabas na kami nang opisina nang doktor nang huminto si Mama sa paglalakad.
“Sabi ni Kuya, huwag daw lalabas kasi…baka makita ako nang bruha, pero gusto kong makita si Yuri ko…saka si Clarence…” anitong bigla na lang naiyak. “Takot ako…ayaw.”
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)