Hindi ko tuloy maiwasang makadama hang lungkot habang nakikita ko sila. Ilang taon ang nasayang sa buhay nila na dapat magkasama sila at masaya, bilang mag–asawa.
“Ang ganda mo pa rin mahal,” malambing na saad ni Dad.
“Siya nga po pala Dad, nagrequest na ako ng bodyguard ni Mornmy, para may nakabantay rin sa n’yo. Darating na sila kaya ihahatid na muna namin kayo ni Yuri sa mall.”
“Clarence, huwag na, unahin mo na muna si Moira. Kailagan ka rin nang asawa mo ngayon,” ani ko saka ko binulungan ito. “nadidistract si Mama sa presence nang batang version ng mahal niya.”
“Ah… okay. Di ko naisip ‘yon.” Napakamot pa ito saka nagpaalam na rin si Clarence, buti na lang hindi naman nagreklamo si Mama na sumama kay Clarence. Sabay sabay na kaming nagpunta sa mall dahil doon na rin lang ako magpapasundo kay Zade.
Hindi naman nagtagal ay dumating na ito. Nasa backseat ulit si Zade si Dan ang driver nito, pansin ko lately hindi na nagdadrive ang asawa ko.
“Nainip ka wifey ko,” malambing na tanong nito nang magkatabi na kami sa backseat.
“Hindi naman. Mukhang nagiging okay na si Mama kay Dad. Nalulungkot lang ako para sa kanila. Pero masaya rin naman,” totoong pag–amin ko.
“Dapat ka lang maging masaya, asawa ko. Dahil sooner maaayos na ang lahat. Kinuntact ko nga pala iyong kaibigan ni Dad na Psychiatrist, magaling iyon. Siguradong gagaling ang mommy mo. Kaya huwag ka nang mag–alala okay,” anitong hinawakan pa ang mukha ko.
“Sana nga Zade, para naman hindi lang ako ang maging masaya. Kahit si Dad din.”
“Oo naman. Gusto mong mag–early dinner tayo sa labas ngayon, tagal na nating walang date eh,” aluk ni Zade na ikinangiti ko.
“Talaga ba, parang last two weeks lang nagdinner tayo sa labas.”
(‘
“Two weeks ago pa ‘yon. Dapat weekly or every other day. Gusto kong masolo ka lagi para matitigan ko nang husto ang mukha mo.”
“Ano ba huwag ka ngang ano, d’yan. Nakakahiya kay Dad.” nag–iinit ang mukhang saway ko kay Zade kaya napangiti si Dan na abala sa pagdadrive.
“Ayos lang po Ma’am Yuri, masaya akong nakikita ko kayong masaya lagi hindi na tulad nang dati,” sagot n Dan na nakangiti.
“Kailangan mo talagang sabihin ‘yan,” asar na saway ni Zade dito. Kaya mahinang pinalo ko ang braso nito. Magsasalita pa sana si Zade nang magring ang phone ko.
Nagkatinginan kami ni Zade nang makita ko ang caller.
alt
173 Mullager Makaraan 2
“Bakit siya tumatawag?” nasabi ko, pero nagawa kong sagutin ‘yon.
Hello Tita Daisy.” Bati ko matapos tumikhim nang mahina.
“Yuri, dear. Nasa bahay n’yo ba ang Daddy mo. Tinatawagan ko kasi siya, pero hindi siya sumasagot.”
“May kailangan po ba kayo kay Dad?”
“Gusto ko lang siyang maka–usap. Alam mo kasi…” lumungkot ang boses nito kaya napatingin ako kay
Zade.
“Nasa labas kasi kami nang asawa ko, tita.”
“Ganun ba, importante lang kasi… nandito kasi sa bahay ko ang babaing nabuntis ni Clarence.”
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)