Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 334

173: Multo nang Nakaraan,-1

173: Multo nang Nakaraan,

*SAAN KA BA galing ha!asik na bungad ni Daisy kay Eric. Kanina pa siya hindi mapakali. Sa kung anong dahilan labis ang kabang umaataki sa kanya sa banta ni Gaston.

Kaya hindi na napansin ni Daisy ang panic na hitsura ni Eric na tumikhim para kalmahin ang sarili. Sa isip ni Eric alam nitong hindi na dapat ito bumabalik sa amo niya. Pero wala itong pagpipilian ngayon.

Nang suwayin niya ang utos ni Daisy, alam niyang posible siyang mamatay kapag lumabas ang katotohanan. Sa haba nang panahong nanatili si Charlene sa hospital. Lagi itong nakikinig sa kanya na huwag aalis dahil may taong papatay dito.

Pero hindi niya alam kung bakit biglang nagbago si Charlene.

Posibling hindi na tumalab sa kanya ang gamot. Ilang taon na nating siyang tinuturukan ng gamot. At tulad nang sabi mo dapat mababa lang ang dosage. Pero sa tingin ko dahil sa ilang taon niyang comma kaya marami siyang nakalimutan. At hindi na natin mapipigilan kung kusa na lang niyang maalala ang lahat, kung kailan hindi ko masasabi.” iyon ang sinabi sa kanya nang doctor.

Eric!nagitla siya sa tinig ni Daisy. Bakit ba tulala ka d’yan? Sabi ko umisip ka nang paraan para hindi masira ang lahat nang to.Padabog na napaupo si Daisy sa sofa.

Kita niyang pamumuo nang butil sa gilid ng mata ni Daisy.

Hindi puwedepanic na sambit nito kasabay ang pamumula nang mata nito. ” Kapag nalaman nila Clarence ang lahat, iiwan ako ni Clarence, magagalit siya at si Gaston baka kamuhian niya ko,ikinabigla ni Eric nang biglang lumuhod si Daisy.

Ikaw lang ang maaasahan ko, Eric kaya sige na please. Gumawa ka nang paraan para hindi malaman ni Gaston ang lahat,samo nitong tuluyang nang napaiyak. Mawawala sa akin ang lahat ng to. Kasalanan talaga nang magasawa na yon ang lahat ng problema ko ngayon. Bakit ba kasi sila dumating para sirain ang buhay ko.

r

Napalapit si Eric kay Daisy at inalalayan itong maupo. Nalilito rin siya sa dapat niyang gawin.

Huwag ka nang magalala. Pamilya mo pa rin ako kaya walang mangyayaring masama. Aayusin ko ang problema.

Alam kong ikaw lang ang maaasahan ko Eric, noon at ngayon. Alam kong ikaw lang ang kakampi ko.napalunok si Eric sa tinuran ni Daisy.

OoKaya huwag ka nang magalala. Ako nang bahala sa lahat.pagaalo ni Eric dito. Ganito rin si Daisy nang araw na malaman nitong nagpakasal na sina Charlene at Gaston.

Halos magpakalango ito sa alak dala nang labis na sama nang loob. Bakit kasi hindi mo na lang sinubukang magmahal nang iba, hindi sana ganito,mahinang saad ni Eric.

alt

Sa tingin mo ba hindi ko ginawa yor? Sinubukan ko. Peronaiinis akong nakikitang masaya sila habang ako nakangiti pero ang sakitsakit na. Ang sabi ni Charlene ako ang bestfriend niya. Pero hindi niya makita ang sakit na nararamdaman ko, makasarili kasi siya!

Pero kahit nawala na si Charlene, hindi ka pa rin naging masaya. Bakit ba hindi mo-ang malakas na sampal sa mukha ni Eric ang ikinatigil nito sa pagsasalita.

Masaya kami, si Yuri ang may kasalanan nang lahat kaya sisiguruhin kong mawawala rin siya sa landas namin tulad nang walang kuwenta niyang ina.thim bagang saad ni Daisy habang nakadiin ang kuko nito sa

braso ni Eric.

Two days later.

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)