164: Pagpapasya-1
164: Pagpapasya
+25 Points
“KUNG GANUN hindi pa rin pala tayo dapat makampanti?” ani Zade habang makatabi kami sa kama. Pasado alas onse na pero gising na gising pa rin ang diwa ko dahil sa katatapos lang na mainit naming sandali. Inayos ko ang pagkaka-unan ko sa braso ni Zade.
“Oo. Kailangan ng sapat na ebidensya para makulong si Daisy. Pero hindi ko alam kung paano hahanapin ‘yon,”pag-amin ko.
“Mas madali sana ‘yon kung buhay ang mommy mo. Siya ang magiging patunay nang kasamaan ni Daisy,” ani Zade na ikinabuntong hininga ko.
“Namatay rin siyang paghihinala lang kay Daisy ang tanging mayroon siya. Ganun ba kahusay magtago nang dumi niya si Daisy? Hindi ko masabi kay Clarence kasi alam kong masasaktan siya. Itinuring niyang ina si Daisy nang ilang taon,” matamlay kong saad dito. Sa totoo lang iyon ang higit kong inaalala ngayon. Kung paano matatagangap ni Clarence ang katotohanan kung sakali. “Kahit para sa asawa niya? Kung talagang si Daisy ang posibling nag-utos ng aksidente. Hindi malabong nakakuha na ng ebidensya si Clarence.”
“Pero ina ang turing ni Clarence kay Daisy kaya baka maging biased siya. Nag-aalala rin ako kay Alpha–”
“Teka… bakit?” sansala ni Zade na binalingan ako nang salubong nitong kilay. “Bakit ka nag-aalala sa lalaking ‘yon ha?” usig nito.
“Bakit rin ba ang init nang dugo mo kay Alpha. Mabait ‘yon at mahusay sa trabaho niya at isa pa-”
“Yuri, naba-bother talaga ako sa lalaking ‘yon kaya hindi ko siya gusto. Parang may masama siyang balak eh.” walang gatol na deklara nito na ikina-iling ko na lang.
“Sa tingin ko ikaw ang may masamang balak, Zade Larzon.” pabirong saway ko dito. Na lalong ikinasira nang mukha nito. “Seryoso tayong nag-uusap pero naisingit mo na naman ang inis mo kay Alpha.”
“Basta, ayaw ko sa kanya. Nagha-hire na ako ng mga magiging body guard mo, ‘yong mapagkakatiwalaan ko at hindi mukhang may masamang balak sa’yo,” giit pa rin ni Zade.
“Ewan ko sa’yo. Aminin mo na lang kasing nagseselos ka lang no.” Pangbubuksa ko dito pero biglang umupo si Zade at binalingan ako.
“Wifey, hindi dahil alam mong mahal kita, pagbibintangan mo na ako nang ganyan. Itong mukhang ‘to.” anitong hinimas pa ang baba. “Hindi uso sa akin ang pagiging seloso. Ang gusto ko lang
#00
18
111
O
<
154 Pagpapasya-1
+25 Points
walang ibang lalaking didikit sa’yo. Baka mamaya mainlove sa’yo ang lukong ‘yon. Mahirap na.”
“Sige magdeny ka pa, hindi naman halata eh.”
“Teka nga muna, bakit parang hindi ka naniniwala?” kunot noong usig nito.
17
“Naniniwala naman ako eh, hindi nga lang ako kumbinsido,” pang-aasar ko pa rin kay Zade. Magsasalita pa sana si Zade nang bigla nitong nasapo ang mukha sabay hilot sa pagitan ng mata
nito.
“Bakit?” napaupo ako dahil doon.
“Sumakit ang puso ko,” anitong ngumisi ng alanganin.
“Puso mo ang masakit pero mata mo ang hinihilot mo. Napapansin ko napapadalas ang ganyan mo.” nag-aalalang saad ko dito.
“Napapagod lang kasi ako, saka maghapon ako sa harap ng laptop kanina. Kaya ganito. Huwag ka na nang mag-alala.” Pag-aassure nito saka masuyong hinaplos ang mukha nito. “Nag-eenjoy tuloy ako kapag nakikita kitang ganyan.”
“Natutuwa kang nag-aalala ako?” usig niya dito.
“Sympre naman, masaya akong nararamdaman ko lagi ang concern at love mo para sa akin. Kahit bihira mong sabihing mahal mo ako.”
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)