Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 315

163 Hint-2

+25 Points

163: Hint-2

“Anong gagawin ko? Kung ang taong inaakala kong bumuo sa pagkatao ko ay siya rin palang sumira sa pamilya ko?” mabigat ang bawat salitang lumabas sa bibig ni Clarence.

“Gawin mo pa rin ang tama? Hindi mo puweding takpan nang tuyong dahon ang apoy. Kung bubuhusan mo rin ng tubig. Sa huli makikita pa rin ang bakas ng sunog. Kahit gaano pa ito itago.” Makahulugang saad ni Mister Oliver na muntik nang ikanganga ni Clarence.

“Stress ako, pero lalo lang ako na-e-stress sa talinghaga mo, Mister Oliver. ‘Yan ba ang nagagawa sa’yo nang pakikipagdate mo sa ampon mo?”

“Ano?” Kaagad namula ang mukha nito.

“Wala. Salamat sa payo.”

“Ano ba kasi ang problema mo? Akala ko okay na kayo nang asawa mo.”

“Kami ni Moira? Tsk..” palatak niya. “Sabi ni Mommy Thesa baka daw hanggang ngayon, naglilihi pa rin si Moira kahit malapit nang manganak. Lagi pa rin kasi siyang galit sa kaunting mali ko.”

“Ganun talaga, nakagawa ka nang pagkakamali. Pero ayos na ‘yan at least lamang ka pa rin kay Zade diba,” pag-aassure ni Mister Oliver dito.

“Lamang saan?” Kunot noong tanong niya dito.

“Mas matagal mong naitago ang asawa niya, samantalang ikaw makikita at maalagaan mo si Moira at ang anak mo. Kaya lamang ka.” makahulugang saad ni Mister Oliver. Napag-usapan na kasi nilang lahat na wala nang magbabangit tungkol kay baby Zen bilang anak ni Clarence.

“Lamang pa rin si Zade sa akin, Mister Oliver. Siya ang tatawaging Dad ni ng anak ko. Samantalang Tito Dad lang ako.” Malungkot na sambit ni Clarence na ikinakamot ni Mister Oliver.

“Pasensya na. Pero ‘yon ang mas makakabuti sa ngayon. Isang araw maisasaayos rin ang lahat. Actually puwede naman… sana. Kung hindi lang maghahabol ang babaing ‘yon.”

“Alam ko, hindi ko lang maiwasang maguilty para sa anak ko. Bakit kailangang maging komplikado ang lahat?” reklamo niya dito.

“Kung wala ka nang kailangan, aalis muna ako,” paalam ni Mister Oliver na napasulyap pa sa relos

nito.

“Bakit hindi mo siyang hayaang lumabas kasama ng mga kaibigan niya? Baka masakal sa’yo si Jennie ang higpit mo ata sa kanya eh. Ikaw din?”

“Ano bang sinasabi mo d’yan. Hindi lang siya sanay magkommute kaya susunduin ko si Jennie

163 Hint 2

+25 Pouls

saka—” lumunok ito. “ang daming nanliligaw sa kanya kaya dapat lang siyang higpitan.” kaagad na namula ang mukha ni Mister Oliver dahil doon. Sa tingin ni Clarence ilang buwan nang nagkakasundo si Mister Oliver at si Jennie pero nagtataka siya kung bakit wala pa ring inaamin si Mister Oliver sa relasyon nito at nang dalaga.

Pagkaalis ni Mister Oliver, ilang minuto rin ang lumipas nang dumating si Daisy.

“Tita,” pilit na nagpaskil nang ngiti si Clarence sa labi nito dahilan para mapakunot noo si Daisy. Matapos niyang malalam na ito ang dahilan kaya napalitan ang anak nila ni Tamara. Naging asiwa na siya dito. Pero alam niyang malaki ang utang na loob niya sa kanyang Tita Daisy.

Naging mabuti ito sa kanya. Itinuring siyang parang sarili nitong anak. Kaya mas lalong nagiging

mahirap sa kanya ang sitwasyon.

“Bakit, may problema ba hijo?” Usisa nito nang mapansin atang malamig niyang pakikitungo dito.

“Ayos lang ho. Napagod lang ako sa trabaho. Tapos kulang rin sa ako tulog. Kaya medyo mabigat ang pakiramdam ko.”

pa ba? “Sabi ko naman sa’yo huwag kang nagpapakapagod ng sobra. Si Moira pinapahirapan ka Bakit naman kasi sa dami nang babae siya pa ang nagustuhan mo,” tumaas pa ang kilay nito.

“Tita,” saway niya dito.

“Pasensya na, nakikita ko lang kasing nahihirapan ka ngayon. Sa guwapo mong ‘yan dapat hindi ka pinahihirapan nang asawa mo.” bakas ang sensiridad sa mata nito.

“Ayos lang ho, may kasalanan ako kaya—”

“Sigurado namang maliit na bagay lang ang nagawa mo kaya, bakit ang laki ng pasakit niya sa’yo. Kaya hindi ako natutuwa sa kanya. Tingnan mo nga’t parang nangangayaya’t ka na rin. Sana man lang inaasikaso ka niya.” Lintaya nito.

“Malapit na pong manganak si Moira. Kaya hindi ko siyang inoobligang asikasuhin ako. Saka nahihirapan pa rin siya sa pagkawala nang papa niya.” Pasaring niya dito. Sa tingin kasi ni Clarence alam naman nitong isa ang ama ni Moira sa naging biktima.

Wala siyang nakukuha pang sapat na ebidensya na magdidiin dito at kay Eric dahil hindi rin magamit ang voice recording. Nagfile rin pala nang missing car si Eric nang araw nang aksidente. Pero ipinagtaka niyang hindi nito sinabi ‘yon nang kausapin niya ito.

ita, diba sabi mo bestfriend ka nang Mommy ko?” naitanong niya na ikinagulat ni Daisy.

oo naman, hijo?”

Naisip ko lang paano kung hindi naaksidente ang mommy ko- I mean hindi siya napahamak dahil

163 Hint

+25 Points

sa mag-asawang iyon. Hindi siguro kami nagkahiwalay ni Yuri. At hindi siguro naghirap si Yuri kasama nang masamang pamilyang ‘yon. Sa tingin n’yo po ba? Pinatay talaga nila ang Mommy

ko?”

“Ah…” kita niyang napalunok si Daisy pero malungkot ang mukha nito kaya hindi niya masabi kong anong iniisip nito. “May intensyon sila kaya possible iyon.”

“Maliban sa kanila, may ibang tao pa bang posibling makinabang sa pagkamatay nang Mommy

namin ni Yuri?”

“Ha? Hindi-hindi ko.. masasabi. Maraming lihim ang Mommy mo noon. Kaya nga sila

nagkahiwalay nang Daddy mo? Ang alam ko may ibang lalaki ang mommy mo kaya siya pinalayas ni Gaston noon. That’s all I know. Kaya huwag ka nang mag-isip pa nang iba, hijo. Siguradong ang mag-asawang ‘yon ang may pakana nang aksidente. Kaya tama lang na balikan sila nang karma

ngayon.”

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)