164 Paupapasya 2
164: Pagpapasya-2
“Anong ginagawa mo?”
+25 Point
“Wala,” mahinang sagot nito. “Gusto ko lang hawakan ang magandang mukha nang asawa ko. Pero bawal ka pa ring tumingin sa ibang lalaki ha.” Muling hirit nito saka nagmulat nang mata
“Kinilig na sana ako, humirit ka na naman,” supla ko dito pero tumawa lang si Zade saka muli na akong kinabig.
“Para tayong laging si Eva at Adan ano?” Komento nito sa inaantok na tinig.
“Kasi madalas tayong matulog nang walang damit.”
“Oo paano mo nalaman?” pabirong tanong nito na mahinang tumawa pa. Maya maya pa ay naging kalmado na ang paghinga ni Zade. Mukhang nakatulog na ito kaya napahikab na rin ako, saka ko isiniksik ang sarili ko sa mainit na katawan ng asawa ko.
Sa totoo lang habang tumatagal ang pagsasama namin ni Zade pakiramdam ko mas nagiging mas malapit at komportable kami sa isa’t isa. Sabi nang iba nagiging boring na daw kapag ganun. Pero mukhang hindi naman. Dahil sa araw-araw masaya ako at excited na muli kaming magkakasama.
Ito ang pangarap ko noon. Ang mahalin at maging asawa ni Zade Larzon. Ang lalaking nagligtas at nagbigay nang pag-asa sa madilim kong mundo.
MALALIM na ang gabi pero hindi pa rin magawang makatulog ni Daisy. Gusto sana niyang manatili sa bahay ni Gaston pero hindi ito pumayag. Idagdag pang dama niyang may pagbabago kay Clarence.
Oo nagbibigay ito nang regalo at bulaklak paminsan-minsan pero kabisado niya ang kilos nito.
Maging ang tingin nito sa kanya tila ba naaasiwa na hindi niya maunawaan. Sukat doon ay nagpasya siyang bumaba para uminum ng tubig. Pero nagulat siya nang naroon si Eric at seryosong kumakain ng ice cream.
“Bakit gising ka pa?” tanong niya dito.
“Hindi pa ako makatulog,” tipid nitong sagot na hindi siya binabalingan nang tingin. “Akala ko huli na iyong VP nang Montefalco dati. Hindi pa pala?”
“Ano bang sinasabi mo? Eric huwag mong sabihing nakokonsensya ka na ha?”
“Pasensya na.” nakayukong saad nito saka muling kumain ng ice cream. “Ilang taon na ang lumipas. Dalawangput lima. Pero hindi ko pa rin ‘yon makalimutan.”
00
18
000
KIKA
111
O
<
< 164 Pagpapasya-2
+25 Romté
“Eric umayos ka nga, ano ka teenager na nawawala na naman sa sarili!” Sermon ni Daisy dito. Subalit isang malalim na paghinga lang ang pinawalan ni Eric..
Para kay Eric si Daisy ang pamilya niya. Pero alam niyang para kay Daisy isa lang siyang tauhan nito na may malaking utang na loob para mabuhay siya.
Nagmula sa bahay ampunan si Eric. Walang pamilya at walang mapupuntahan. At si Daisy ay minsan niyang itinuring na kaibigan nang tulungan siya nito. Matapos siyang maluko nang illegal recruiter pagkalabas niya sa ampunan. Walang natira sa kanya at walang makain. Si Daisy ang tumulong sa kanya ng panahong ‘yon.
Binigyan siya nito nang trabaho at tahanan. Pero pagkalipas lang nang isang taon, isang trabaho ang ipinagawa nito sa kanya na hindi niya nagawang tangihan.
Ang babaing itinuring nitong kaibigan ay pinasakay nito sa kotsing tinangalan niya ng preno at wala siyang kaalam-alam na may inilagay na gasolina sa likod nang kotse si Gener Montefalco.
Nalaman na lang niya sa balita na ang kotsing pinatangalan ni Daisy nang break ay sumabog at nasunog. Kasama doon ang isang tao na halos hindi na makilala sa labis na pagkasunog. Tinuruan siya ni Daisy na manahimik at huwag maki-alam. Dahil iyon ang bayad niya sa pagbibigay nito sa kanya nang tahanan. Akala niya iyon ang una at huli.
Pero nang may mga nagsimulang mag-imbestiga. At kailangan niyang patahimikin ang mga ‘yon. Dahil natakot siya.
“Wala nang atrasan ‘to Eric. Nandito na tayo sa kumunoy na si Charlene ang nagpasimula. Hindi ako masamang tao. Ang gusto ko lang naman ay maging akin ang dapat na para sa akin.” Namumula ang mukhang saad nito.
“Pero bakit hanggang ngayon hindi mo pa rin makuha ang bagay na ‘yon?”
“Nakuha ko na, ano ka ba! Kung hindi dahil kay Yuri hindi sana magugulo ang tahimik ko nang buhay. Ang babaing iyon ang sumira sa lahat. Dahil pareho sila nang kanyang ina.” Namula ang mukha ni Daisy sa inis.
“Kung ganun, papatayin rin ba natin siya?”
“Oo,” walang gatol na deklara ni Daisy. “Pero hindi na tayo ang gagawa no’n. Mamunood na lang tayo sa palabas na ihahain ni Natasha. Iyon lang at wala nang iba,” kompiyansang sagot ni Daisy na nakangiti sa kawalan.
“CLARENCE, kumusta? May balita na ba?” tanong ni Moira dito nang maka-uwi na sila. Kaagad na natigilan si Clarence pero nagawa ring ngumiti.
“Wala pa. Lalo’t bigla na lang namatay iyong driver kaya-wala pa akong makuhang tamang sagot.
18
2/4
<
164 Pagpapasya Z
+25 Points
Pero huwag kang mag-alala. Hindi pa rin tumitigil si Joel sa pag-iimbestiga.” tukoy niya sa tauhan niyang private detective.
“Sana…” matamlay na sagot ni Moira. Kaya napalapit siya dito.
“Bawal daw sa’yo ang mae-stress kaya magrelax ka lang. Ako nang bahala sa lahat,” pagkukumbinsi ni Clarence sa asawa pero hindi naman nito maiwasang mapalunok.
“Moira, kung sakaling may isang taong mahalaga sa’yo at nalaman mong siya ang dahilan kaya nasaktan ang taong mahal mo? Anong gagawin mo?” napalingon sa kanya si Moira dahil doon. “Hmm…”saglit itong nag-isip. “Kung talagang mahalaga sa’yo ang taong ‘yon. Dapat ipaalam mo sa kanya na may mali siyang ginawa. Kasi-“lumamlam ang mata nito. Alam niyang ang ama na naman nito ang naiisip ni Moira. “Ganun ang ginawa ni Dad, kahit alam niyang masasaktan ang asawa niya, inamin niya ang kasalanan niya. Pero para sa akin-bakit? Kinailangan pang mawala ni Dad para maunawaan kong puweding magpatawad.” seryosong sagot nito na lalong ikinalungkot nang mukha ni Clarence.
“Bakit naman ganyan ang mukha mo? Kailan ka pa naging ganyan di ako na-inform.” pabirong saad ni Moira dito.
“Ganito lang siguro kapag magiging Daddy na. Ah… okay lang ba kong dalhin ko dito iyong mga anak ni Yuri?”
“Anong klasing tanong ‘yan bahay mo kaya–”
“At anong klasing sagot ‘yan, Moira.” sansala nito. “Bahay natin.” Giit niya dito. “Saka, bakit kay Javier baby ang tawag mo dati, pero ako Clarence lang, minsan hoy pa!”
“Ah mas mukha kasi siyang baby saka…sweet din si Javier.”
“Moira!” Madiing tawag niya sa asawa.
“Kita mo ‘yan, ikaw nga di ka rin sweet eh. Buti pa si Zade, wifey or asawa ang tawag niya kay Yuri. Kaya huwag kang feeling victim. Kung saan-saan na naman mapupunta ang usapan natin nito eh.” saway ni Moira sa kanya. “Dalhin mo na lang sila kung payag ‘yong mag-asawa.”
“Sige,” nakadama nang excitement si Clarence dahil doon.
“Alam mo, si Baby Zen, kamukha mo talaga siya no?” Nakangiting komento ni Moira na ikinalunok
naman niya.
*****
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)