161 Seloso-3
161: Seloso-3
del ting s
“Nasa loob na ang asawa mo,” agaw atensyon ni Wendel na nakatingin sa rearview mirror. Kaagad namang kumabog ang pulso ni Natasha. Naroon ang at pag-aalalang hindi niya sigurado kung bakit. Pero alam niyang kaya niyang paliwanagan si Gener. Madali naman niya itong nauuto dahil alam niyang mahal siya nang kanyang asawa.
Nanoot sa balat ni Natasha ang lamig nang bumaba siya nang kotse. Dinig niya ang tunog nang mga kuliglig at insekto sa paligid. Lumikha rin nang malutong na ingay ang paghakbang niya sa mga tuyong dahon sa lupa.
Maya-maya pa ay tumakbo na paalis ang sasakyan ni Wendel. Kaya sinimulan niyang maglakad
palapit sa bakod na bakal. Lumikha nang pag-ingit ang bakal na tila ba nasa isang horror film siya
At may kung anong kilabot siyang nadama.
Subalit nagpatuloy pa rin siya sa paghakbang dahil wala naman na siyang pagpipilian kundi ang harapin si Gener.
Mas bumilis ang pintig nang pulso niya habang papalapit siya sa lumang pinto. Maingat na hinawakan niya ang horse shoe door knocker na may mga agiw at kalawang na rin. The slowly she tap the door.
Hindi nagtagal ay bumukas ‘yon. “Gener!” naiiyak pang sambit ni Natasha nang makita ang asawa. At walang pagdadalawang isip na yumapos dito. “Akala ko pababayaan mo na ako honey,” pagdadrama pa niya.
“Hindi ko magagawa ‘yon sa’yo. Mag-asawa tayo hindi ba?” malambing na saad nitong tuluyang ikinawala nang kaba sa puso ni Natasha. Kaya napatitig siya dito.
“Naku pumayat ka, honey.” Kita niyang seryoso nitong mukha pero sanay siya sa ugali ni Gener. “Kanino pala bahay ‘to honey? Parang hunted house na.” komento pa ni Natasha.
“Sa ina ni Charlene. Nakalimutan ko na ang tungkol dito. Bahay bakasyunan nila ito noon,” paliwanag ni Gener na inakay na siya patungo sa sofa na may mga puting tela na nakatakip. “Dito ka lang kukuha ako nang makakain.”
“Salamat honey, gutom na talaga ako.” sagot ni Natasha na ikinatango ni Gener.
Isang matalim na ngiti naman ang namutawi sa labi ni Gener nang tumalikod na nito. “Nga pala letchon manok lang ang nabili ko.” imporma nito na ikinatango lang ni Natasha.
Maingat at walang pagmamadaling naglakad si Gener patungo sa kusina para ihanda ang pagkain. Matagal nang walang nakatira sa bahay ng magulang ni Charlene pero nanatiling may kuryente at tubig doon. Maayos rin ang mga gamit sa kusina na para bang sandali pa lang na walang gumalaw
19
111
161 Seloso-3
doon.
+25 Points
Matapos magtimpla nang juice ay ihinalo niya ang sleeping pills na ihinanda niya para kay Natasha. Sinigurado niyang magmamakaawa muna si Natasha bago ito mamatay. Tumalim ang tingin niya sa ihinandang pagkain at juice. Gamit ang tray inilagay niya roon ang pagkain at dalawang basong
juice. Saka dinala ‘yon patungo sa babaing nag-aantay sa kanya sa salas.
“Kumain muna tayo. Sa susunod na araw, aalis tayo dito sakay nang barko papuntang Palawan. At mula doon magcross country tayo, papuntang Malaysia,” paliwanag ni Gener dito.
“Talaga honey, si Atasha nga pala. Naayos mo na ba paglipat niya sa Mental Health Care Facility”
“Si Daisy na ang pinagawa ko noon. Huwag mo nang alalahanin ang anak natin. Sige na kumain na tayo, nakakamiss ang matinong pagkain. ” aluk ni Gener saka inilapag sa tapat ni Natasha ang isang baso nang juice.
“Thank you, honey.” Umangat ang kamay ni Natasha para hawakan si Gener kaya di sinasadyang natabig nito ang selphone sa mesa kaya nahulog ‘yon. “Oh… sorry honey, iyong phone ko ba nadala mo rin?” tanong ni Natasha.
“Nasa bag sa kuwarto,” sagot niyang yumuko para pulutin ang selphone sa sahig.
“Akala ko talaga mabubulok na ako sa kulungan.” nakangusong saad ni Natasha na nagsimula nang kumuha nang hita nang manok.
“Hindi mangyayari ‘yon. Hindi kita hahayaang mabulok sa kulungan, alam mo ‘yan.” Nakangiting saad ni Gener na kinuha ang baso nang juice. “Dapat magtoast tayo hindi ba? For our freedom!” anitong itinaas pa ang baso. Kaya nakangiting kinuha rin ni Daisy ang baso nito. Bumakas ang excitement sa mata ni Gener dahil doon.
“Patay ka sa akin ngayong babae ka!” lyon ang sigaw ng utak ni Gener pero nakangiti ang mga
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)