162: Bad Karma-1
162: Bad Karma
NAGAWANG ngumiti ni Gener nang makitang marami nang nainum na juice si Natasha. Ang plano niya pahirapan ito pagising nito mula sa pagkakatulog nito. At ikulong ito sa barn garage na nasa
likod nang lumang bahay.
Wala siyang ibang babaing minahal sa buhay niya, kaya paano nito nagawang lukuhin siya? Paano nito nagawang pagtaksilan siya?
“Paano mo nagawa sa akin ‘yon Natasha?” Seryoso at tumalim ang tinging usig niya dito. Ayaw muna sana niyang magsalita hanggang magising si Natasha, kinabukasan. Pero hindi na siya
nakatiis.
“Honey ano bang sinasabi mo
“Paano mo nagawang ahggckk” natigil siya sa pagsasalita nang bigla na lang nanikip ang kanyang dibdib. “Anong—ahcckk,” labis na kirot ang tila humihiwa sa katawan niya kaya napahawak siya sa dibdib niya. “Anong anong ginawa mo sa ahcckkk.” halos mapatid ang paghinga niya sa sakit na hindi niya malaman kung saan nagmumula.
“Kung ganun….walang hiya ka, gusto mo akong patayin!” sigaw ni Natasha na napatayo pa nang makitanang hirap na hirap huminga si Gener
“Hi-hindi…” tuluyan nang natumba si Gener sa sofa at umubo ito ng dugo habang nakatitig kay Natasha at pilit inaabot ito para humingi nang tulong. “Paa-aanno,” sambit nito sa nagdidilim na
mata. “Hindi lason ang
“Tanga ka kasi… minahal kita tapos papatayin mo ako. Walang hiya ka! Kasalanan ko ba kung hindi mo ako mabigyan nang anak ha!” Luhaang sigaw ni Natasha habang pinapanood na naghihirap ang asawa nito. Naroon ang galit at awa pero hindi niya kayang isipin na siya ang iinum nang lason. Kaya kaninang napansin niya ang kakaibang ekspresyon ni Gener nagduda na siya. Kaya naman sinamantala niyang pagkahulog nang phone ni Gener, para pagpalitin ang inumin nila.
At hindi nga siya nagkamali. Gusto siyang patayin ni Gener. At sa nanlalabo niyang mata kita niya ang hirap nito hanggang sa tuluyan nang bumagsak ang kamay nito. Subalit dilat ang matang nakatitig pa rin sa kanya.
“Kasalanan mo kaya ka nagkaganyan.” Lakas loob na sambit ni Natasha saka napahagulgol na lang. Noon naman bumukas ang pinto kaya labis na pagkagulat ang umataki sa kanya.
mangyari?” tarantang napatakbo si Daisy na dinaluhan si Gener. Kaagad ring cheneck ni Eric
162 Bad Karma-1
424 Points
ang pulso ni Gener pero umiling lang ito. “Pinatay mo siya!” akusa ni Daisy sa nanlalaking mga
mata.
“Ako ang papatayin niya kung hindi ko pinagpalit ang inumin namin. Self defense lang ang nangyari.” Giit ni Natasha sa kabila nang panlalabo nang kanyang mata. “Bakit… bakit niya gagawin ‘to sa akin?” napahagulgol na sambit nitong nakatitig sa wala nang buhay na si Gener.
“Kung ganun, wala nang dahilan para nandito pa ako. Tinulungan lang kita dahil sa request ni Gener. Gusto raw niyang umalis na kayo nang bansa. Pero kong pinatay mo na siya. Wala na rin akong pakinabang sa’yo.”
“Ano?” Tila noon lang natauhan si Natasha sa takot na nararamdaman. “Pababayaan mo na ako? Sa tingin mo ganun lang kadali ‘yon, ha Daisy?” Bakas ang sarkasmo sa tinig ni Natasha. Dahilan para tumaas ang kilay ni Daisy.
“Ano namang mapapala ko sa’yo kong tutulungan pa kita?” nakangising saad ni Daisy pero ngumis lang rin si Natasha na ikinagulat nito.
Kampanting naglakad si Natasha palapit dito. Habang pinapahid ang luhaang mukha nito ng sariling kamay. “Akala mo ba hindi ko alam ang ginawa n’yo para mamatay si Charlene?” kompiyansang tumawa si Natasha. Sa isipan nito naalala nito ang cellphone ni Charlene na itinago ni Gener. Naroon ang lahat ng sekreto ni Daisy na alam na pala ni Charlene bago pa ito namatay sa pagsabog nang kotse na plinano nito at si Gener.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)