Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 310

161: Seloso-2

“Ano?” kunot noong baling nito sa akin.” Seryoso ba ‘yan? Gaano na ba kalaki?

“As of kaninang umaga, umabot nang 5% ang share’s purchase. Kaya napilitan akong ipahinto muna ang pagpapa-invest.”

“Sabihin mo, si Eric rin ba ang lumalabas na bumibili ng shares?” anitong hinarap na ako kaya napatitig rin ako dito.

“Oo, pati si Wendel!”

“Ano? Pero bakit ba nila ginagawa ‘to?”

Umiling naman ako dahil hindi ko rin alam ang sagot. Normal lang naman na bumili ng shares sa isang malaking kompanya. Pero iba ang ginagawa nila Eric at Wendel, gumagamit sila nang ibang pangalan para lang makabili ng shares. “Kanina rin nalaman kong may nauna palamg lang 3% shares sa Montefalco Royal si Wendel. Na acquire niya bago pa ang turn-over. Ganun ba kayaman

si Wendel?”

“No, na bankrupt ang company nila, dahil sa pagwawaldas ng pera ng kanyang amang nalulong sa

sugal. Kaya ang Delamer’s Foundation ang nagpaaral kay Wendel. Pero naglaan ng trust fund sa

kanya ang mama niya kaya may sarili siyang pera. At may investment rin siya sa Delamer’s. Doon niya nilagay ang lahat ng trustfund niya.”

“Kaya na bang bumili ng total of 5% share’s sa Montefalco?”

“Imposible. Dahil hindi naman ganun kalaki ang share’s revenue niya. Aside doon, nagbabayad pa siya nang bahay at lupang niloan niya sa banko. Plus bumili rin siya nang mamahaling kotse last year. Kaya imposible-unless.”

“Unless my taong nagpa-fund sa kanya para sa share’s pero bakit nakapangalan sa’yo ang mga

‘yon?”

*Ganun rin Sa Delamer’s may mga investment shares ka rin at si Clarence, umabot na nga 8%.”

“Ano?” ako naman ang nagulat dahil doon. “Alam mo bang sa account ni Tita Daisy nagagaling ang

fund nila?*

“What? Paano mo? Nag-assume lang kaming si Eric ulit. So tama na naman ang sixth sense ni

Javier.*

*Si Alpha ang nakakita noon at napacheck ko na rin kay Rey.”

*Hindi kayang malaman ng mga tao namin ni Clarence pero nagawa nang Alpha na ‘yon? Ang

161 Shoso 2

yabang ha,” naka-ingos na dagdag pa nito.

“Hmm…”

“Lintek, hindi tama ‘yon. Saka bakit ginawa ni Daisy ang ganun? Anong motibo niya?” Umiling na lang ako, dahil hindi rin naman ako sigurado sa sagot. Hindi ko na lang binangkit kay Zade ang tungkol sa nalaman ko sa aksidente.

Natitiyak kong tututol si Zade kapag namalan nito ang ginagawa kong pag-iimbestiga

Magsasalita sana ako nang mapatingin ako sa balitang umere sa TV screen kaya kinuha ko ang

remote para palakasan ang sound.

“Flash news alert! Nakatakas si Natasha Montefalco kanina habang inililipat ito sa City Jail. May

kotse ang bigla na lang nawalan nang preno na naging sanhi nang insidente na siyang dahilan para

makatakas si Mrs. Montefalco at ang tatlo pang bilango na kasama nito. Dalawa na sa mga ito ang

nahuli nang mga police. Nakiki-usap ang mga awtoridad na ireport kaagad kung sakaling makita ang

dalawa pang nakatakas.”

“Bakit?” Bigla ay inataki ako nang takot sa narinig ko. Sino bang hindi matatakot sa balitang ‘yon?

“Sira na ba ang ulo niya, bakit pa siya tumakas?” Lintaya ni Zade na napapailing pa.

“Dahil nakapagbail na si Gener Montefalco noong isang araw? Siguradong magkasama sila.” Nagkatinginan kami ni Zade. At kahit hindi namin sabihin alam namin pareho kung sino ang

pupuntahan ni Natasha.

“HAY BWISIT! Lagot ka sa akin Yuri, papatayin kitang babae ka, kasalanan mo lahat ‘to!” Gigil na lintaya ni Daisy habang sakay siya nang sasakyang sumundo sa kanya.

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)