157: Pay back-3
Chair
“Alam mo na ‘yon, pera sana…pero gusto ko rin tumira dito? Kumusta ang anak na—” isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ng lalaki dahil doon.
Pero sa halip na magalit ay ngumisilang ito.
“Bakit? Wala pa rin bang alam ang asawa mong hindi ka mapaligaya sa kama?” patuyang saad nito. “Na
miss na kita, kaya nandito ako.” Naglakad ang lalaki palapit kay Natasha at hinaplos ang mukha nito.
Pababa sa leeg nito kaya napalunok si Natasha. Dahilan para pumalatak ang lalaki sa nakitang reaksyon
ng babae.
“Paano mo nagawang tiising makipagtalik sa asawa mong hindi ka kayang paligayahin nang tulad nang kaya kong gawin,” napasinghap si Natasha nang marahas itong kabigin ng lalaki upang magkadikit ang
mga katawan nila.
Oo, pagdating sa tawag nang laman hindi tulad ni Johanson ang kakayahan ni Gener. Mahal niya ang asawa. Pero ang kanyang katawan ay naghahangad nang higit sa kaligayahang kaya nitong ibigay.
Kaya natagpuan na lang ni Natasha ang sarili na dinadala si Johanson sa kama nilang mag-asawa. At
doon pinaligaya siya nito nang walang humpay na ikinasigaw niya nang malakas sa bawat kaligayahang
dala nito.
Hindi naman siya nag-aalala dahil soundproof ang masterbed room.
“Tama nga ako, nasasabik ka pa rin sa akin Natasha.” kompiyansang saad ni Johanson na nagsindi pa
nang sigarilyo. “Paano mo ako nagawang tiisin ng ganun? Gusto kong tumira dito kasama ka. At saka para
na rin makita ko ang anak natin.”
“Hindi…hindi mo siya anak…”
“Ano ba naman Natasha. Alam ko, gabi gabi kitang dinadalaw sa munti n’yong bahay kapag tulog na ang
asawa mong hindi man lang ata makadalawang rounds sa’yo. nakangising saad nito. “Kaya huwag kang
magsinungaling sa akin. Alam kong ako ang nakabuo sa anak mo.”
“Fine, pero… hindi ka puweding..”
r
“Ayaw mo bang paliligayahin kita kapag wala o mahimbing na ang tulog nang asawa mo. Diba nakakamiss ang trill noon. Na kinakabahan ka sa pag-aalalang magigising ang asawa mo habang nasa ibaba tayo nang
papag n’yo. O kaya sa salas nang bahay n’yo.” Mapang-akit na sambit ni Johanson habang panay ang
haplos nito sa hubad na katawan ni Natasha.
“Okay sige, pero kailangan mo munang umalis dahil sasabihin ko sa asawa kong maghire kami ng driver. Kaya sige na, umalis ka na muna ngayon at—”
“Natasha naman, matapos kitang paligyahin ng ilang beses, gusto mong umalis ako. Dito na muna ako. Mukhang wala naman ang asawa mo eh. Kahit hanggang bumalik lang siya.” giit nitong ikina-inis na ni
Natasha.
1.2
157 Pay back
Claim
Kahit minsan wala siyang damdamim para kay Johanson. Kung hindi naman siya nito inakit at ipinaranas ang kakaibang ligaya na hindi kayang ibigay sa kanya ni Gener, hindi sana siya magkakasala sa kanyang
asawa.
Pero huli na para magsisi pa siya. Kaya lang kung hahayaan niya itong makalapit sa kanila ni Atasha. Posibling magkaproblema sila ni Gener. Lalo’t ito na ang CEO nang isang malaking kompanya. Hinding-hindi niya pipiliin ang problemang kakaharapin niya kapag hinayaan ulit niya si Johanson na guluhin ang kanyang utak.
“Makinig ka, Johanson. Hindi ganun kadali ang gusto mo. Ganito na lang bumalik ka na lang ulit bukas nang gabi. Tapos magkita na lang tayo sa labas. Huwag lang dito sa bahay namin ng asawa ko,”
nakiki-usap na saad ni Natasha.
“Okay sige, pero bigyan mo muna ako nang pera, mayaman ka na pala e kaya—”
“Oo na..” mabilis na sang-ayon ni Natasha saka kinuha ang wallet nito. Pero imbis na dalawang libo lang ang ibibigay niya. Hinablot ni Johanson ang kanyang wallet at kinuha ang lahat nang laman noon. Saka ito nagbihis. “Thank you.”
Pagbaba nila para ihatid ito palabas, walang pag-aalinlangan niyang dinampot ang baseball bat na nakatago sa likod nang divider. Iyon ginamit niya minsan sa dating katunong at malakas na hinampas ang lalaki nang walang kamalay-malay.
“Baki….” hindi na nito natapos ang sasabihin.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)