Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 303

158: Katapusan-1

158: Katapusan

Claims

MALAKAS na katok ang bumulabog kila Natasha at Gener. At bago pa sila makapagreact nakapasok na

ang mga police. Kaya napa-urong si Natasha sa likod ng kanyang asawa.

“Anong ibig sabihin nito?” Si Gener na bagaman nagulat ay kalmado pa rin.

“Kayo ba si Natasha at Gener Montefalco?” tanong nang lalaking naka-uniforme.

“Oo bakit, sino ba kayo?” paangil na singhal ni Gener dito. Alam niyang wala silang dapat ikatakot dahil hindi naman nila napatay si Gina.

“Inaaresto namin kayo para sa kasong murder!”

“Ano!” bulalas ni Gener na namutla pa.

“Nagsalita na ang si Gina Salazar at ang driver n’yong si Anastacio. Nasa amin na rin ang ginamit n’yo para

manakit at pumatay nang mga tao,” paliwanang ng police sa mga ito. Saka binasahan ang mga ito ng Miranda rights.

“Ano bang ginagawa n’yo? Wala kong pinatay, mga putang ina kayo!” muntik nang matumba si Gener sa

pagpipilit nitong kumawala sa pagkakahawak nang police.

“Sir, huwag na kayong pumalag kundi mapipilitan kaming saktan kayo,” banta ng police at tuluyan nang

naisakay ang mga ito sa patrol car.

Sa di kalayuan ay nanonood naman si Daisy at si Eric mula sa loob ng sasakyan. Matapos mapanood ni

Daisy ang live video, tumawag siya sa police station para i-report ang kinaroroonan nila Gener.

“Ang tatanga nila hindi ba?” ani Daisy na ngumisi ng nakakaluko. “Dapat ko ba silang dalawin sa

kulungan?”

“Kailangan para hindi kayo paghinalaan nang mag-asawa. Lalo ha si Gener” seryosong sagot ni Eric na

nakatingin sa direksyon ng bahay.

“Okay, puntahan natin sila pagkatapos kong maligo. At magpatawag ka na rin ng taga linis. Ang dumi ng

bahay ko parang squater,” ani Natasha na inayos ang bagong salon nitong buhok.

“Nga pala Eric, kinausap ka na ba ni Clarence?”

“Oho,” tipid nitong sagot.

“Tungkol pala saan ‘yon?”

“Tinanong niya lang kung company car ba ang ginagamit mo? Sabi ko ako ang gumagamit ng kotse mo.”

paliwanang ni Eric kaya napabaling si Daisy dito.

“Kung iyon pala ang itatanong niya bakit hindi niya ako tinanong nang dinalaw niya ako?” takang tanong ni Daisy dito.

158 Katapu L

“Baka gustu lang kayong surprisahin kaya ganun, pag-aassume ni Eric.

Clam

“Eric, alam mong hindi ugali ni Clarence ang ganun bagay. Mana siya sa ama niyang walang lambing sa katawan. Kaya bakit niya tinatanong ‘yon?” bigla may kung anong pag-aalala ang nag-uunahan sa takbo

nang utak ni Daisy.

SALAMAT PO manang,” maemosyong saad ko habang nakatitig sa ginang na naka upo sa wheelchair.

Umiyak na naman ito nang makita ako at panay ang paghingi nito nang tawad.

“Pa..sen..sya ka na Miss… na.ta.ga.lan a.ko,” anitong masuyong hinaplos ang aking mukha.

“Ayos lang po, higit kanino man kayo itong naghirap ng husto.” nahahabag kong saad dito. Sa totoo lang awang awa pa rin ako kapag nakikita ko si Manang Gina. Hindi na nga ito nakakapaglakad, halos tabingi pa ang bibig nito. Epekto nang raw brain damage. “Maraming salamat po sa lahat.” Bukal sa loob kong sagot saka ko hinawkan ang kamay nito.

“Kung bu..hay ang ‘yong i..na, si.gu..ra.dong ma.tu.tuwa siya ma.ki.ta ang sa..rili ni.yang ka.ba.taan sa a.nak ni.yang ba.ba.e. Na.pa.ka.gan.da mo, hi.ja.” dama kong hirap nito sa bawat bigkas nito nang salita dahil

kahit ang bibig nito hirap rin nitong igalaw.

“Sigurado rin ho akong masaya si Mama na alam niyang nakaligtas kayo sa kabila nang hirap n’yo.” ani

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)