157: Pay back-2
Chaun
“Hayaan mo na nga yan Honey. Hindi ko alam kung anong iniisip ni Yuri ngayon. Baka gusto nga talaga
niya tayong gantihan tulad ng ginawa niya sa anak natin.” ani Natasha na naupo na, saka nasapo ang noo
nito. ” Bakit ba bigla akong nahito?” nagpapa-awang tumingin ito kay Gener.
“Doon ka na muna sa kuwarto mo, halika ha.” ani Gener na inalalayan pa si Natasha patungo sa silid nito.
“Sa tingin ko mas tamang umalis na lang talaga tayo. Baka kung ano na namang kalukuhan ang maisipan
ng yuri na ‘yon. Kapag nakita ko talaga ang babaing ‘yon,” gigil na saad nito.
“Ano pa nga bang puwede nating gawin sa kanya ngayon? Wala na rin naman tayong mapapala kahit
mamatay pa ang babaing ‘yon. Pero hindi ako papayag na wala akong makukuha sa kompanyang ilang
taon kong pinaghirapang patakbuhin.” bakas ang determinasyon sa boses ni Gener.
“Honey saka na natin isipin ‘yan, umalis na muna tayo. Kinakabahan na ako kay Tasyo eh, sa tingin ko may
pinaplano siyang gawin eh,” giit ni Natasha na hindi maitatangi ang panic sa mata nito.
“Anong inaalala mo kay Tasyo kung hindi naman pala si Gina ang kalansay sa maleta?” tanong nitong
ikinaputla ni Natasha.
MEANWHILE
“SIGURADO KA BANG gagagawin natin ‘to Gina?” Nag-aalalang tanong ni Tasyo nang magrequest ito na
gusto na nitong humarap sa mga police.
“Pero sa tingin ko ate, hindi makakabuti kung lalabas ka pa. Alam n’yo, pwede naman nating gamitin ang
social media para ilabas ang baho nang mag-asawang ‘yon.” suhesyon ni Lilian ang asawa ni Tasyo.
“Ano…ng si..na..sabi mo?” paputol putol na tanong ni Gina dito.
“Uso na sa social media ang pagli-live, ate. Ginagawa nang mga online seller ‘yon. Bakit hindi natin gawin
para maging malaya ka na rin. Ilang taon ka nang namumuhay na parang patay. Panahon na para, sila naman ang makulong sa apat pa sulok nang mga rehas na bakal.”
“Mahal, hindi tayo marunong nang ganun, saka baka delekado?” ani Tasyo sa asawa.
୮
“Marunong na ako,” presenta ni Lilian na kinuha ang cellphone nito. Naghanap ito nang maaring gawing
stand para sa phone. “Ate live ito, sigurado ka ba sa gagawin mong paglalantad. Baka magalit ang asawa
mo mo?”
“Hi–hin-di.. gusto… kooo nang sa…bi..hin ang la..hat. Li…lig.tasss na si Miss ka..ya pu..puw..ede na a-kong mag.sa.lita..” hirap man ay nagawa pilit nabinibigkas ni Gina ang bawat katagang nais nitong sabihin.
“Tutulugan kita ate…” sabat nang isang tinig na nagpalaki nang mata ni Gina, na ikina-iyak nito. “Patawarin
mo ako. Hindi ko alam ang lahat.” basag ang tinig na saad ni Elisa sa kaibigan.
Marahang umiling naman si Gina na luhaan ang mukha.
157 Pay baek 2
“Mo..sa..ya a.kong ma.. ki..ta ka u..lit Elisa.” sambit ni Gina sa pagitan nang pag-iyak saka inilahad ang kamay para abutin ang kaibigan na kusa namang lumapit.
Claim
Matapos nang iyakan at yakapan nila Gina at Elisa ay nagsimula nang magplay nang live video si Liliian. Nakafocus ang camera kay Gina na naka-upo sa wheel chair nito. Sa mabagal na pagsasalita nagawa nitong magsalaysay nang buhay nito. At naki-usap sa mga autoridad na iligtas sila at hulihin ang taong
nanakit dito.
Patapos na si Gina nang tumabi dito si Tasyo.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)