152 Flashback!
Claim
152: Flashback!-2
“HONEY, bakit ka ba sumisigaw magigising si Atasha.” saway ni Natasha. Kaya tuloy-tuloy na
ipinaliwanang ni Gener ang problema. Ang plano nila dispatchin ang anak ni Charlene, kapag na-inaugurate na siya bilang CEO nang Montefalco Royal. At sa susunod na buwan na dapat ‘yon, pero biglang dumating
ang sulat mula sa abogado ni Charlene.
“So paano ‘yan, makakasama pa ni Atasha ang batang ‘yan dito sa bagong bahay natin. Sabi mo sa atin na
‘to diba, honey. Ayaw ko na doon sa squatter ha.”
“Buwisit kasing Charlene na ‘yon. Patay na gusto pa akong kontrolin. Hindi dahil mas magaling siya sa akin
siya na ang laging masusunod.” pikang sambit ni Gener.
“Honey paano kong, pilitin na lang natin si Gina an ipasa sa atin ang 2% shares niya. Tapos saka natin siya palalayasin dito sa bahay natin. Tapos iyong bata, eh paalagaan mo doon sa katulong na ipinasok ni Gina.
Ano sa tingin mo?” pangkukombinsi nito.
“lyon rin ang iniisip ko.” Mula sa bulsa ni Gener ay kinuha nito ang 3310 Nokia phone nito. Saka ito
tumawag sa kaibigan nitong abogado para humingi nang dokumento para i-turn over ni Gina ang shares sa
kanya.
Kinabukasan nga ay natangap niya ang dokumento. At dahil naging abala si Gener sa opisina ay late na itong naka-uwi pero wala itong planong ipagpabukas pa ang gagawin. Kaya kinatok niya si Gina sa kuwarto sa guest room. Nasulyapan pa niya ang batang tulog na tulog sa crib nito kaya napaismid si Gener.
Kung hindi dahil sa mga kasunduan na gusto ni Charlene, hindi na nila kailangan karguhin ang bata.
“Bakit ho?” tanong ni Gina na kinusot pa ang mata./
“Mag-usap tayo sa opisina ko,” utos ni Gener na nauna nang umakyat. Wala namang nagawa si Gina kundi ang gisining si Elisa sa quarters nito para pabantayan muna ang bata dahil baka magising ito.
Saka siya dumiretso sa opisina ni Gener. Iyon ang dating library ng kanyang Ma’am Charlene. Naroon na rin si Natasha na siyang naka-upo sa magandang upuan ni Charlene. Para itong batang pina-iikot-ikot pa ang
୮ upuan at tuwang tuwa.
“Pirmahan mo ‘yan?” utos ni Gener. Kunot noong dinampot naman ni Gina ang dokomento na nasa mesa. At ganun na lang ang gulat niya nang mabasa ang nilalaman noon.
“Sir, hindi tama ito, bakit mo ako pinagreresign at— hindi.” Matamang na tangi ni Gina. Hindi niya akalain na ganun kagahaman ang kapatid ng kanyang dating amo. “Ipinangako ko sa puntod ni Charlene na poprotektahan ko si Miss Yuri hanggang kamatayan. Kaya hindi n’yo puweding gawin ‘to. Pero kong ipipilit
n’yo. Sige aalis ako. Pero isasama ko ang bata.” matapang an deklara ni Gina.
“Aba!” react ni Natasha na napahinto sa ginagawa nitong paglalaro sa upuan. “Ibang klase ka ring katulong ka ah. Kami na ang bahala kay Yuri, dahil pamilya naman siya nang asawa ko. Eh ikaw sino ka ba?” mapanuyang pinasadahan nito ng tingin si Gina. Saka ito tumayo. At naglakad palapit kay Gina. Nang-uuri
152 Flashback 2
ang tingin nito sa babae. Kaya nakakadama nang kilabot si Gina. Suot kasi ni Natasha ang mga mamahaling damit ni Charlene.
Claim
“Isa ka lang walang kuwentang mutcha-cha ni Charlene. At natitiyak ko baka gusto mo lang mapalapit sa bata para pamanahan ka nang pera bago ka magretiro. Ang suwapang mo rin pala.” nakangising saad pa
nito.
Nakuyom ni Gina ang kamao kaya nagusot ang papel na hawak nito. Pero matapang niyang binalingan si
Natasha. Na ikinataas ng kilay ng babae.
“Magdahan-dahan ka sa magsasalita mo. Akala mo kung sino ka. Pare-pareho lang tayong nandito para pagsilbihan si Miss. Dahil sa kanya ang lahat ng mayroon tayo dito ngayon. Kaya sino sa atin ang suwapang?” Lakas loob na sagot ni Gina dito. “Ang kakapal na nga nang mukha n’yong pinababa n’yo sa guestroom si Miss. Kaya anong karapatan—” hindi na natapos ni Ģina ang sasabihin ang tumama sa mukha niya ang malakas na sampal ni Gener na ikinabagsak niya sa sofa.
Sapo ang nasaktang mukha na binalingan niya nang tingin si Gener. “Humanda kayo, dahil ipaparating ko kay Atty Fortunato ang masamang balak n’yo. At sisiguruhin kong mapapalayas kayo dito—-ahhhkkkk,” nanlaki ang mata ni Gina nang maramdaman ang pagguhit nang mainit na likido sa ulo niya pababa sa kanyang mukha.
“Natasha!” sigaw ni Gener sa nanalalaking mata.
“Naku—honey…” panik nitong sambit na namutla naman at nabitawan ang baseball bat ba basta na lang nitong dinampot at ipinalo sa ulo ni Gina.
“Magbabayad kayo mga hay—-” hindi na natapos ni Gina ang sasabihin ng tila ito kandilang napabagsak sa
sofa.
“Sira -ulo ka ba?” Gulantang na bulyaw ni Gener sa asawa.
“Sorry honey, ayaw ko lang na magsumbong siya at paalisin tayo dito. Bahay na natin ‘to diba?” panic na
sagot ni Natasha na napaatras pa.
“Kumilos ka, dalhin natin siya sa hospital?” tarantang utos ni Gener dito.
“Teka… ano paano ako? Gusto mo ba akong makulong ha? Paano kong mabuhay siya at magsumbong.
Ayaw ko!” mariing tangi ni Atasha sabay sunod-sunod na umiling. “Paalisin tayo dito sa bahay, paano ang
anak natin? Ayaw kong maghirap siya.” nanginig pa ang kamay nito.
Saglit namang nag-isip si Gener at napatingin sa kanyang maleta. “Kunin mo ‘yon bilis. Tapos tawagin mo
si Tasyo,” nagmamadaling utos nito.
“Ha, teka… oo sige,” tarantang sagot ni Natasha. Habang abala si Gener sa pagpasok sa maleta kay Gina
ganun rin si Natasha na ginising si Tasyo sa quarters nito. Nasa labas kasi ang quarters ng mga lalaking katulong. Tatlo ang mga ito dati, pero pinagtatangal na nila ang iba. At iniwan si Tasyo na nagmaka-awa dahil kakakasal lang umano nito.
Ganun naman ang gulat ni Tasyo nang makita ang mga dugo sa sahig at sa sofa. Saka napatingin sa
A
152 Flashback 2
malaking maleta.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)