153: Car Accident
ANG LAKAS nang pintig ng puso ko nang makarating ako sa ospital. Pagkatapos nang pakikipag-usap namin kay Tasyo ay natangap ko ang tawag mula kay Clarence. Nasa ospital umano ito kasama si Moira. Hindi ko masyadong naunawaan pero sobra akong nag-alala dahil sa nangyaring aksidente kahapon.
Ganun na lang ang gulat ko ng makita ko si Moira at ang ina nito. Parehong walang ekspresyon ang mukha. Na hindi naman maitago na parehong katatapos lang nang pag-iyak. Si Clarence naman ay galing
sa loob nang isang pinto.
“Naayos ko na, puwede nang iuwi ang labi ng Daddy mo, Moi.” Malamlam ang matang saad ni Clarence. Kaya napalapit ako kay Moira na kaagad na napaiyak nang makita ako.
“Ganun lang…. huh…” bakas ang pait na sambit ni Tita Thesa. “Bakit hindi na lang ‘yong babae niya ang namatay. Para wala na sana tayong problema,” umiiyak nitong sambit. “Kasalanan ko… sana hindi ko na siya tinawagan.”
“Mom, hindi mo kasalanan, nagmadali si dad dahil nag-alala siya sa akin,” matamlay na saad ni Moira. “Inaway ko pa siya kahit gusto lang naman niya akong makasabay kumain. Kaya akong may kasalanan.” basag ang boses na sambit nito.
“Moi, hindi mo kasalanan ‘yon…” pag-aalo ko dito. Dinala kasi si Moira sa hospital kahapon, dahil bigla raw sumakit ang tiyan nito. At ang kotsing bigla na lang humarurot kahapon at nabanga nang dump truck ay ang kotse nang ama nito para makarating sa hospital sa pag-aalala kay Moira.
“Kasalanan ko… kung alam ko lang…” tuluyan ang nabasag ang boses nito at mapaiyak.
“Moira hindi mo kasalanan. Aksidente ang nangyari. Pero nagpapa-imbistiga pa rin ako. Magtiwala ka huhulihin natin ang driver at pagbabayarin sa kapabayaan niya.” pag-aalo ni Clarence dito. “Huwag ka nang
umiyak baka mapano ang baby natin…”
“Excuse me ho.” agaw pansin nang police na lumapit. Hawak nito ang isang paper bag mula sa toys world. “Nakuha namin ito sa kotse nang biktima.” anitong napatingin kay Moira. Lalo lang napa-iyak si Moira nang makita ang mga baby toys sa loob ng paper bag na hindi man lang magalaw.
“Happy Seven Months, apo. Lumabas ka ng ligtas at maayos para makapaglaro na tayo.” tahimik kong basa sa note na nakalagay sa paper bag. Kaya muli na naman napaiyak ni Moira.
“I’m sorry, Daddy…” napahagulgol na ito ng tuluyan. Kaya taranta naman si Clarence na niyakap si Moira.
“It’s okay, ipakukulong ko ang drive na iyon. Nakuha pa niyang tumakas. Magtiwala ka.” Paki-usap ni Clarence dito sa matiim na titig.
Si Clarence na ang nag-asikaso nang lahat dahil parehong hindi maka-usap sina Moira at Tita Thesa.
“Clarence kumain ka muna. Hindi ka pa kumakain mula kanina.”
12
A
153 Car Acerdent !
Claim
“Ayos lang ako Yuri, salamat.” sagot nitong inabot ang cupcake na ibinigay ko dito. Pero bago pa makakain
si Clarence ay nagring na ang phone nito.
“Yes Joel may balita na?” kaagad nitong sagot sa tawag. “Ano!” gulat pa nitong saad. “Sige darating ako.” anitong kaagad nang tumayo kaya napasunod ako dito.
“Bakit daw?”
“Nahuli na nila ang driver,” kita kong nagtagisan ang bagang ni Clarence kaya alam kong galit ito. “Alam
kong busy ka pero, puwede bang samahan mo muna si Moira. Masyado siyang emosyonal ngayon.”
“Sige, ako nang bahala pero mag-ingat ka.” bilin ko dito bago ito tuluyang tumalikod.
MABILIS NA nakarating si Clarence sa police station kung saan dinala ang driver na tumakas.
“Nasaan siya?” Matiim ang tingin ni Clarence na iginala ang mata sa paligid.
“Sumunod ka sa akin, p’re.” yakag ni Police Inspector Manuel Labroza. Dati niya itong kaklase noong high
school. Naroon sa interogation room ang lalaking nakayuko at may posas ang mga kamay.
“Siya ba?”
“Oo pero—” Hindi na niya pinansin ang sasabihin ni Manuel, hinila niya ang isang upuan at pumuwesto sa harap nang lalaki.
“Bakit mo tinakasan ang mga biktima?” usig niya dito. At kita niya ang panlalaki nang mata nito nang
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)