Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 290

152: Flashback!-1

152: Flashback!

Claim

“GINA, anong ibig sabihin nito!” sigaw ni Gener na bumasag sa katahimikan sa kabahayan. Kaya

nagkatinginan sina Gina at Elisa kasunod nang sunod-sunod na katok sa pinto ng guestroom kung saan sila pinalipat ni Natasha mula nang dumating ang mag-asawa sa mansion. Gusto mang tumutol ni Gina

pero alam niyang wala siyang magagawa.

“May sapak na naman ang mga feeling amo,” mahinang bulong ni Elisa kaya sumensya si Gina dito na

tumahimik.

“Ikaw muna ang bahala kay Miss Yuri, baka magising pa sa ingay nang lalaking ‘yon.”

“Sige ate.”

“Sir, tulog ho si Miss, bakit kayo sumisigaw?” tanong ni Gina dito nang maisara na ang pinto ng kuwarto.

Kita niya ang galit sa mukha nang lalaki.

“Wala akong paki-alam?” bulyaw ni Gener na ibinato sa mukha ni Gina ang dala nitong papeles. Dahil sa

nakita ni Gina na hindi magandang trato ng step-brother ni Charlene sa anak nito kaya nagpasya siyang

magpadala nang mensahe kay Atty Fortunato. Para humingi nang tulong para sa kaligtasan ng kanyang

alaga.

Nagkunwari siyang walang alam at pinulot ang papel na nalaglag. At natuwa siya sa nabasa. “Pinadalhan na rin ako ni Atty.nang ganitong sulat. Kailangan maging ligtas si Miss hanggang umabot siya sa tamang

gulang para humawak nang Montefalco Royal. Kapag namatay o may nangyari sa kanya. Lahat nang shares ng Montefalco Royal ay mali-liquidate at mapupunta sa mga napiling charity institution. Kaya dapat maalagaan ko si Miss. At kayo naman dapat protektahan n’yo ang kompanya.”

“Baliw ba siya, paano kong magkasakit ang bata? O mamatay?”

“Kaya nga po kailangan niyang mabuhay para patuloy mong makukuha ang 2% shares ng mo są kompanya. At mangyayari lang ‘yon kung aalagaan mabuti si Miss.”

“At paano kami makakasiguro na hindi mo sasaktan ang bata? Dapat pala kami ang mag-alaga kay Yuri, hindi ang tulad mong katulong lang. Kagaguhan ‘to.” singhal ni Gener.

“Ano ho bang masama kong gusto lang na protektahan ni Ma’am Charlene ang anak niya?”

“Buwisit, eh bakit may 2 percent share’s ka rin katulong ka lang ha? Sige, mabuti pa, magresign ka na at

sasabihin ko kay Atty na sa amin na lang ibigay ang shares mo. Tutal sino ka ba? Katulong ka lang naman

na naging kaibigan ni Charlene. Anong malay namin kung may plano kang i-brainwash ang bata paglaki niya para mapasa’yo itong bahay.” akusa ni Gener dito.

“Sir, huwag naman kayong magsalita nang ganyan. Kasama ang magiging panggastos para kay Miss ang shares ko. Kasama pati sa pag-aaral at pangnga-ilangan niya. Kaya isang porsyento lang ang mapupunta sa akin ang isang porsyento ay sa banko. Kaya bakit kayo nagagalit. At ang alam ko kailangan n’yo ring

172

152 Flashback 2

maglaan ny porsyento para kay Miss mula sa perang kikitain n’yo.”

Claum

“Buwisit na Charlene ‘yan. Patay na nga, pinapainit pa ang ulo ko.” gigil na lintaya ni Gener. Saka tuloy-tuloy ang umakyat sa ikalawang palapag. Nakadama nang relief si Gina dahil doon. Mabilis ring umaksyon ang abogado kaya natitiyak niyang magiging ligtas si Yuri.

“Buti hindi siya nagising sa ingay nang bruho.” kaagad na komento ni Elisa nang makapasok siya sa

kuwarto.

“Elisa, sana tulungan mo akong protektahan ang ating munting Miss.” May kong anong emosyon ang dumaan sa mata ni Gina. “Alam kong wala silang magagawa kundi ang hayaang mabuhay si Miss Yuri. Pero alam ko ring hindi magiging madali ang buhay natin dito.”

“Ate ano bang sinasabi mo mo? Naiiyak tuloy ako. Huwag kang mag-aalala tutulungan kita kay Miss. Saka sa bait niya, kita mo nga hindi man lang niya tayo pinupuyat sa gabi. Bihira din siyang umiyak.”

“Isang beses ko lang siyang narinig na umiyak nang malakas. Noong gabing hindi naka-uwi ang Mommy niya. At kinabukasan nalaman naming patay na si M’am Charlene.”

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)