Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 289

151 Kakamerorkaaway? 2

Claim

151: Kakampi o Kaaway?-2

“Magagalit ako kapag ganyan ang sagot mo.”

“Zade nasa gitna tayo nang daan.”

“Puwede namang itabi, wifey.”

“Alpha, itabi mo daw, nasa likod natin ang asawa ko.” utos ko kay Alpha na sumulyap sa rearview mirror.

Kaya papilitan itong magbagal ng pagdrive.

“Sige Ma’am.” Sang-ayon naman nito.

“Narinig mo, arte. Sige na.”

“Anong sige na, huwag mo nang ibaba ang phone– ay lintek!”

“Sorry Sir,” dinig kong paumanhin ni Dan. Subalit bigla ring nagbreak si Alpha na ikinagulat ko dahil sa

kotsing bigla na lang sumulpot.

“Anong nangyari?” tanong ko kay Zade pero napatingin rin ako kay Alpha na kalmado lang naman.

“Wala, may sira-ulong driver ang biglang—– Lintek!” bulalas ni Zade, at maging ako ay nagulat sa biglang

sumapok ang truck sa umarangkadang kotse.

“Oh my God!” natitilihang sambit ko nang na tila saglit na tumigil ang takbo ng oras nang makita ko ang nagpa-ikot-ikot at bumanga rin sa mga kotsing nasa malapit dito. Binuksan naman ni Alpha ang bintana ng

tuluyang huminto ang bangaan.

“Hmp, akala mo kasi kong sino!” sambit ni Alpha na hindi ko na nagawang pansinin ang sarcasmo sa tinig

nito. Dahil sa kabang umataki sa akin.

“Kung hindi tayo…” halos hindi ko masabi ang sunod na salita. Dahil kong hindi ako tinawagan ni Zade para

huminto. Siguradong kasama o baka kami ang nasalpok nang truck.

“Yuri,” dinig ko ang tinig ni Zade kaya binuksan ko ang pinto ng kotse.

“DAPAT na ba tayong magcelebrate ngayon,” masayang saad ni Daisy sa kadarating lang na si Eric at

Wendel.

“Siguradong marami ang nadamay sa truck na nawalan ng preno, kanina” nakangising saad ni Wendel.

“Then let’s celebrate, kung mamatay si Yuri dahil nadamay siya sa isang aksidente, wala tayong kinalaman

doon hindi ba? Alam mo Wendel, magaling ang plano mo.”

“Ah napanood ko lang sa mga pelikula ang ganung eksena, bakit hindi natin gayahin?” nakangising saad

nito. “Si kuya Eric pa rin ang mas magaling dahil siya ang naka-isip kong paano natin pagsasamahin sina Yuri at ang mag-asawa sa isang aksidente.”

“Buksan mo na nga ang tv Eric, parang gusto kong manood ng balita ngayon,” nakatawang utos nito kay Eric. Saka inangat ang kopita nitong walang laman. Mabilis na kumilos si Wendel para lagyan ‘yon nang

123

(151 Kakaper kaaway? 2

laman. Itinuro na ni Eric sa kanya ang mga ganung galaw para matuwa sa kanya ang boss nila.

“Kapag perpekto ang naging plano baka naman puweding tulungan n’yo rin ako sa pinsan ko.”

“Sure, Wendel. Eric maupo ka na dito. Let’s toast while we wait for the news.”

Hindi naman nagtagal ay umere ang news flash.

Claim

“Isang dump truck ang nawalan ng preno ang umararo sa mga kotse sa intersection. Tinatayang anim na mga sasakyan ang nadamay at marami ang sugatan at ilan ang nasa critical na kalagayan ngayon. Namatay naman on the spot ang isang lalaking nasa early fifties at critical ang kasama nito sa kotse. Inaalam pa ang pagkakakilalan ng mga biktima.”

“Mukhang magandang balita ‘yon hindi ba?” ani Daisy saka eleganting uminum nang alak. “Bukas na bukas rin, gusto kong magpadis-infect ka ng bahay Eric. At Wendel—” natigilan ang sasabihin ni Daisy nang

marinig niya ang pamilyar na busina nang sasakyan.

“Oh, may okasyon ba?” takang tanong ni Gener ng makapasok na ito sa living room na ikinagulat ni Daisy. “Bakit ganyan ang reaksyon n’yo? Mukha ba akong multo?”

“Ginulat mo kasi kami?” si Eric na sumisim nang alak nito.

“Ah… anong mayroon?”

“Anong mayro’n? Bakit bawal ba akong uminum sa pamamahay ko. Ang tagal n’yo kaya sila na ang niyaya

  1. You can join us if you want.”

“Wala akong ganang uminum ngayon. Hindi namin nakita si Tasyo at ang masaklap pa bigla na lang nagkaroon ng aksidente. Buti na lang may mayabang na driver ang biglang nag-overtake sa akin. Buti nga sa kanila.” natatawang saad ni Gener. “Honey bilisan mo na nga,” pikang tawag nito kay Natasha na nanginig sa takot. Kaya kinailangan niyang dalhin ito sa clinic para bigyang nang pampakalma.

“Kung inalalayan mo naman sana ako diba.” reklamo ni Natasha.

“Hindi ko alam na may kinatatakutan ka pala Natasha,” ani Daisy na napatingin dito na mabagal ang lakad.

“Biktima ang pamilya ni Natasha sa isang car accident, natakot siya dahil sa nangyari. Bakit naman kasi ang tanga ng driver,”

“Talaga?” makahulugang saad ni Daisy na napatingin kay Eric na napayuko naman. “Sige na magpahinga na kayo, mukhang natakot nga ang asawa mo.”

“PATAWARIN n’yo ako Miss,” nakayukong paki-usap ni Mang Tasyo nang puntahan kami nito sa bahay, kinagabihan. “Masaya akong hindi kayo nadamay sa aksidente. Salamat.”

“Anong ibig n’yong sabihin?” si Zade na bakas ang iritasyon sa narinig.

“Pinuntahan nila ang asawa ko sa hospital. May nagsend sa akin ng video, sasaktan daw nila ang asawa

kong may sakit kung hindi ko tatawagan at papupuntahin sa akin sa oras na ‘yon si Miss. Kaya pasensya na ho talaga?” samo nitong napayuko pa.

283

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)