151 Kakamer kaaway? 1
Claim
151: Kakampi o Kaaway?-1
151: Kakampi o Kaaway?
“NATASHA, tawagan mo nga si Tasyo?” utos ni Gener sa asawa nitong nagtitimpla nang kape. “Hindi ko
siya makontact.”
“Ang aga-aga ang ingay mo?” walang emosyong komento ni Daisy na tahimik na nagkakape sa makintab na dining table.
“Eh kasi naman ‘yong driver ko, pagkatapos kong bigyan nang malaking pera, hindi ko na makontact.”
reklamo ni Gener na ipinaghila ang sarili nang upuan. “Honey kape ko.”
“Hanggang kailan n’yo ba balak manatili dito ha?”
“Ano ba naman klasing tanong ‘yan Daisy, alam mong wala kaming mapupuntahan ngayon.”
“Alam ko, pero paano naman kapag nadamay ako sa kaso n’yo doon sa kalansay na nasa—.” napangiwi si Daisy. “nakakasira nang appetite. Mga sira din kasi ang ulo n’yo. Paano n’yo naisip na lumabas sa media
para magturo nang salarin. Kabobohan ‘yon, alam n’yo ba?” kalmadong usig ni Daisy. “Kaya kahit hindi n’yo
sabihin alam ko na kaagad na kayo ang salarin sa kaso.”
Kapwa napalunok sina Natasha at Gener dahil doon. “Well, kailangan mailigaw ang imbestigasyon kaya
namin ginawa ‘yon.” depensa ni Natasha.
“Sa tingin n’yo ba, ano ang iniisip ngayon ng mga police? At kahit si Yuri, sigurado pareho ang naiisip namin ngayon..tsk..tsk,” naiiling pang saad ni Daisy na ikinaputla ni Natasha.
“Ano bang gusto mong sabihin ha?” usig ni Natasha dito.
“Ang sinasabi ko, dapat tumatakas na kayo ngayon dahil malamang sa malamang, ebidensya na magdidiin sa n’yo ang hinahanap ng mag-asawa. Bakit hindi kayo nag-iisip kasi?”
“Walang nakaka-alam sa nangyari noon, Daisy,” kompiyansang sagot ni Gener.
“Talaga, kahit ang taong tumulong sa n’yo para iligpit ang bangkay ng Yaya ni Yuri?”
୮
“Tumigil ka nga Daisy, hindi ako tatraydorin ni Tasyo. Dahil marami akong naibigay sa kanya kahit marami pa siyang utang sa amin. Kaya imposible!” depensa ni Gener.
“Tingnan natin, bakit hindi mo siya matawagan, kung ako sa’yo. Pupuntahan ko na siya ngayon, baka
mamaya kong sinu-sino nang tinatawagan nang taong ‘yon.”
Sukat doon ay nataranta naman si Gener na muling tinawagan si Tasyo, pero hindi na nga nagring ang
phone nito. “Punyeta! Natasha halika na! Humanda sa akin ang gagong ‘yon.” gigil na saad ni Gener na
walang salitang iniwan si Daisy.
Nang marinig nito ang tunog nang paalis na kotse, tinawagan naman nito si Eric. “Nakaalis na sila. Siguraduhin mong maayos ang trabaho.”
A
151 Kakamer Kaaway? ?
MEANWHILE
“SA TINGIN mo magsasalita ang driver?” tanong ko kay Javier habang nasa biyahe kami.
Claim
“Sana nga, para malutas kaagad ang kaso. Sobrang tagal na nang hinintay nang pamilya ni Gina Salazar para mahanap siya.”
“Napakasa sama talaga nang mag-asawang ‘yon ano, sir?” di nakatiis na komento ni Dan na abala sa manibela. Si Javier ang katabi nito sa pasenger seat habang nasa backseat naman siya.
“Sir. Diba kotse ni Ma’am Yuri ‘yon?” agaw pansin ni Javier kaya napatingin siya sa direksyong tinatahak ng
mata nito.
Mabilis namang tinawagan ni Zade ang asawa. Na di rin nagtagal ay sumagot rin.
“Wife, nasaan ka?”
****
Ngunit lingid sa kaalaman nila nasa likuran nila ang ang kotse nila Gener, na inip na inip na.
“Honey magrelax ka nga. Saka imposible namang magsalita si Tasyo, loyal sa atin ‘yon.” pangungumbinsi ni
Natasha sa asawa. Naniniwala itong mapagkakatiwalaan si Tasyo.
“Ang kukupad ng mga pesting ‘to,” asar na bumusina si Gener na hindi man lang pinansin ang asawa nito.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)