78: Haplos–1
78: Haplos
NAG–IINIT ang mukha ko sa ginawa ni Zade na paghaplos sa pisngi ko. Kinailangan ko pang sermunan ang sarili ko bago ako natauhan.
“Umayos ka nga,” inis na tinabig ko ang kamay nito. “mainit ang panahon kaya namumula ako.” palusot ko sabay iwas ng tingin.
“Okay, sabi mo eh, padadagdan ko na lang ang aircon,” nakangisi at halatang hindi kombisidong sagot saka pumuwesto na sa upuan nito. “Darating nga pala si Javier niyaya kong uminun.” imporma nito. “Sa tingin ko masama ang loob niya dahil sa kapatid mo. Totoo bang may nabuntis si Clarence noon? Dapat kasi si Javier na lang ang piliin niya eh.”
“Ewan ko.” deny ko dahil hindi naman ako sigurado. “Hindi ganung klase nang tao si Clarence.” Kumpiyansang sagot ko dito. Alam kong mabuting tao si Clarence at handa siyang ipagtangol at protektahan nito anumang oras. “Hindi siya katulad ng ibang lalaki.” pasaring ko dito.
“Mas malala pa nga ata si Clarence, at masaklap bitter pa. Akala ko sincere siyang tulungan ako na mapalapit sa’yo pero mas gusto pa niya ang Martin na ‘yon. Kainis.”
“Bakit ba inis na inis ka kay Martin wala naman siyang ginagawang masama sa’yo.”
“Anong wala, gusto ka niyang kunin sa akin, baliw ba si—”
“Ikaw ata ‘tong baliw. Kung anu–anong sinasabi mo eh. Kumain ka na nga lang, Zade.” sermon ko ditong hindi ko maiwasang lalong pag–initan ng mukha. Nanahimik naman ito kaya wala na akong imik habang kumain nang magring ang phone nito.
Kita kong natigilan si Zade, saka napatingin sa akin, then he smile
“Wait lang sagutin ko lang ‘to wifey ko…” malambing pa nitong saad at mabilis nang umalis Hindi ko tuloy alam kong kakabahan ako o kinikilig sa mga hirit ni Zade. Ako ata ang mababaliw kapag nagtagal pa akong kasama si Zade araw–araw
“Hello baby, miss mo na si Daddy” dinig ko pang saad nito saka lumabas patungo sa garden.
“Bata lang ang kausap niya lumayo pa, asar na reklamo ko saka ko itinuloy ang pagkain ko. Pero infairness malambing si Zade sa anak nito, bagay na nagpalungkot na naman sa puso
ko
Natapos na akong kumain pero hindi na bumalik si Zade Kaya iniligpit ko na lang ang mesa at tinakpan ang pagkain nito saka ako nagtungo sa kuwarto ko Para tawagan rin si Ate Rita
78 Haplos 1
at nang maka–usap ko si Zayu.
Hindi naman nagtagal ay sumagot na ito. Para malaman kong nakaleave ito. Kaya si Ate Thelma ang tinawagan ko, pero busy naman ang phone nito.
Nakailang dial pa ako pero parang walang katapusan ang phone call nito. Hanggang sa inantok na lang ako.
NAAGAW ANG atensyon ko sa pakikipag–usap ko kay Baby Zayu nang marinig ko ang pagpasok nang kotse sa gate.
Claim
Pero hinayaan ko na lang alam ko namang si Javier ang dumating. Dahil nag–eenjoy akong makita ang anak kong ipinapakita ang mga laruang ipinadala ko sa bahay ni Clarence.
“Daddyyy come, let play…“nagpapacute pa ito sa camera. Pero napahikab naman. Kaya nagpaalam na rin ako dito. Wala naman kaming malinaw na usapan ng anak ko dahil abala ito sa paglalaro sa mga bago nitong laruan. Buti pumayag si Thelma na tawagan ako bago matulog ang bata.
“Sandali na lang baby,” nasabi ko pa bago tinapos ang tawag.
“Bakit kasi di mo na lang aminin sa asawa mo Sir,” anang ni Javier na preskong presko ang hitsura at nakapamulsa pa.
“Kapag ginawa ko ‘yon hindi magiging maganda. Ayaw kong makikisama si Yuri sa akin dahil lang wala siyang choice, Javier. Mas gusto kong kusang maging malambot sa akin ang
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)