Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 140

77: Seducing Her2

Sabi ko kanina bibigyan kita nang reward diba?nakangisi pa ring saad nito.

As if gusto ko nang reward mula sa’yo?

Okay, di punishment na lang,anitong sumeryoso saka bumangon. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan nang maglakad ito palapit sa akin. Mas gusto mo ba talagang parusahan na lang kita.

Atat bakit? Wala akong atraso sa’yo, Zade. At kapag hindi ka pa lumabas—”

Ano?hamon nito nang tuluyang makalapit sa harapan ko. “Iniisip ko kung anong gagawin mo kapag hindi ako lumabas.seryosong saad pa nitong ikinatuyo ang lalamunan ko. Para kasing nakikita ko ang sarili kong reflection sa mata ni Zade at pakiramdam ko ang init ng batok ko dahil sa mga titig nito.

Sinisikap kong maging mabait, at unawain na ako ang dahilan kaya tayo ganito ngayon. Kaya dapat maging mas may pasensya ako. Pero lately hindi na ata effective ang pagiging mabait ko. How about I do it again on a hard way. Sabi ko gusto kong magkaanak rin tayo kaya—”

Zade huwag mo akong asarin,” kuyom ang kamaong banta ko dito, mukhang napansin naman nitong seryoso ako kaya umatras ito ng bahagya. Wala akong anak na ibibigay sa’yo! Huwag kang umasa,” pigil ang inis na sikmat ko dito.

Okay lalabas na muna ako. Bakit ba nasobrahan ka sa tapang ha. Pero dito ako matutulog mula ngayon. Ayaw mo naman sa kuwarto ko.anitong tumalikod na habang hawak pa rin ang panty ko na pinapaikot pa nito sa daliri nito.

Zade iyong—”

Sabi ko kunin mo diba.Nakangisi pang saad nito bago tuluyang lumabas.

Mababaliw ako sa lalaking to. Ano bang problema niya? At ako parurusahan niya. Mukha mo Zade Larzon,” asar na monologue ko. Wala akong choice kundi ang kumuha nang bagong underware ko dahil talagang dinala nito ang panty ko.

Maya maya pa ay dinig ko ang mahinang katok sa pinto ng silid ko. Si Aling Susan pala para sabihing magdidinner na kami.

Inayos ko muna ang sarili ko bago ako nagpasyang lumabas, pero siya namang paglabas ni Zade sa kuwarto nito. Kaagad na nanoot sa ilong ko ang mabangong perfume nito ng makalapit ito sa akin.

<77 Seducing Her2

Nasa bahay ka lang nakaperfume ka pa?di ko mapigilang sita kay Zade.

Para maamoy mo ako,anito sabay kindat. lyong panty mo nasa kuwarto, kunin mo mamaya,pabulong pang dagdag nito.

Claim

Hindi na, sa’yo na lang, baka wala ka nang underware kaya panty ko ang pinagiinteresan mo.

Anong mapapala ko sa underware mo, hinostage ko lang baka sakaling irescue mo.Nakapamulsa pang saad nito kaya napahinto ako sa paghakbang.

Kailan pa nausong manghostage ng panty, baliw!gigil na sikmat ko dito.

Huwag mong hamunin ang kabaliwan ko Yuri. Baka magulat ka na langpangisingisi pang saad nito saka tuloytuloy nang bumaba.

Pagpasok ko sa kumedor ay naroon na ito nakatayo sa puwesto ko. “Upo ka na asawa ko.malambing na saad nito na ikinangiti naman ni Aling Susan habang nagsasalin nang tubig sa baso.

Aling Susan, sumabay ka na sa amin magdinner,aluk nito sa ginang.

Naku, hindi na Sir, kumain kayong mabuti ni Ma’am. Tawagin n’yo ako kung may kailagan pa kayo ha,” masayang saad nito bago tumalikod na.

Dito ka na wifey ko.”

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)