Claim
Inilabas ko na lang ang pulutan na ipinaluto ko kanina kay Aling Susan. Naghanda rin ako ng prutas dahil mahilig si Javier sa prutas bilang pulutan.
“Sir hard ba o beer lang,” agaw atensyon ni Javier sa akin hawak ang black label.
“Beer lang ano ka ba. Kailangan ko lang ng pampalakas loob,” mahinang saad ko dito.
“Boring mo naman,” naiiling na reklamo nito. Kung makapagyabang sa hard alcohol akala mo talaga malakas uminum. Ilang tagay nga lang ng fundador bagsak na ito.
Maya maya pa ay nakaset–up na kami ni Javier sa verandah. Sakto namang presko ang hangin at maganda ang panahon.
“Na–contact ko na pala iyong accountant na sinasabi ni Ma’am Yuri, pumawag siya pero weekend lang siya puwede dahil may trabaho siya sa Saavedra.”
“Ayos lang. May tiwala ako sa suhesyon ni Yuri.”
“Siya nga pala iyong inutos mong alamin ko tungkol kay Martin. Nalaman ko na ang koneksyon ni Martin sa asawa mo.”
“Ano?” Kinuha nito ang phone nito at may kung anong hinanap doon. Saka ibinigay sa akin ang phone nito.
“Ano ‘to?” usisa ko.
“File ‘yan sa hospital? Sa parehong araw na dinala ni Manang Elisa si Yuri sa hospital. lyon rin ang araw na naaksidente si Martin.”
“So anong koneksyon nila? Anong kinalaman ni Martin kay Yuri? Bakit gusto pa rin niya ang asawa ko kahit alam niyang anak ko si Zayu?”
“Sinubukan ni Martin na umakyat sa rooftop nang hospital noon— siguro di niya kinaya ang split ng parents niya. Sabi nang dating Yaya ni Martin. Si Ma’am Yuri ang pumigil dito para hindi nito gawin ang masamang balak. Pero nahimatay si Yuri habang pinipigilan si Martin.”
“Kaya willing si Martin na tangapin si Yuri dahil may utang na loob siya sa asawa ko.”
“Probably, pero baka gusto rin talaga niya si Ma’am Yuri.” Walang prenong saad nito na ikinapikon ko.
“Kahit kailan talaga ‘yang bibig mo ang sarap lagyan ng glue.”
“Pambihira ka naman sir, paano pa ako magrereport sa’yo kung ganun,” pilosopong sagot
78 Haplos–2
nito.
Claim
“Hindi ko alam na may ganung side pala si Martin. Masayahin siya noong mga bata pa kami. Pero nang umalis ako para magpagamot nawala na rin ang komumiksayon namin. Sila na ni Wendel ang maging magkaibigan.” nasabi ko. “Teka sabi mo dati siya ang kasama ni Yuri noong panahong hinahanap natin siya. Alam na kaya ni Yuri ang tungkol doon?”
“Hindi ko sigurado. Pero ibig sabihin nu’n. Hindi susuko si Martin sa asawa mo. Iyon ang sabi niya noong nakita namin siya sa bar.”
“Di huwag siyang sumuko. Sa akin pa rin ang asawa ko sa huli. I just need a little pushed. Kung hindi ko lang iniisip na magagalit si Senador Gastos. Baka matagal ko nang na–kidnap ang anak ko.”
“Kaya lang paano si Baby Zen?” Sukat doon ay napabuntong hininga na lang ako sa tanong ni Javier. “Kita mo naman si Baby Zayu isang taon pa lang pero marunong nang makakilala. Sa ngayon wala pang masyadong alam si Baby Zen, kaya ligtas ka pa. Pero hindi magtatagal kailangan mo ring maging ama sa kanya. Higit sa financial support.”
Alam ko ang bagay na ‘yon. Kaya hindi ko pa magawang isipin ang magiging sitwasyon. Alam kong magiging mahirap para kay Yuri na tangapin ang bata dahil anak ko ito sa ibang babae. Pero hindi ko rin naman gustong isuko si Yuri, lalo na ngayong may anak pa pala kami. “Lintek ka talaga, Javier, pinapunta kita para makapagrelax ako pero lalo lang akong nastress ngayon dahil sa’yo.“pikang saway ko dito.
Hindi man kasing ligaya ang naramdaman ko nang unang beses kong makita si baby Zen tulad ng maramdaman ko sa anak ko kay Yuri. Alam kong dapat ko pa ring gampanan ang responsibilidad ko bilang ama. Dahil anong pinagkaiba ko sa mga Montefalco kong pababayaan ko ang bata.
“Bakit kailangan maging ganito ka–complicado ang lahat para sa amin ni Yuri, Javier?”
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)