Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 118

65: Blame2

At least marunong maguilty si Yuri, unlike someone I knew,pasaring ni Clarence dito, pero irap lang ang isinagot ni Moira sa binata.

PAGBALIK ko sa harap nang OR ay nakita ko siya ring pagbukas ng pinto. Lumabas doon ang doctor na nagasikaso kay Zade. Kaya mabilis akong humakbang palapit dito.

Masuwerting hindi natamaan ang vital veins niya. Pero kailangan niyang maging maingat sa pagkilos dahil sa napunit na muscles. Nailipat na siya sa kuwarto niya. Pero lima hanggang walong oras pa siyang tulog dahil sa anistisya,paliwanag nang doctor na nagpaalam na rin.

Kahit paano nakahinga ako nang maluwag.

Napasunod na lang ako sa mga kasama namin patungo sa private room ni Zade. Naiyak pa si Mommy Azra nang makita si Zade na tulog pa rin at may supply pa nang oxygyen.

Kung hindi na lang sana ako pumunta, hindi sana mangyayari ito. Mapait kong sermon sa

sarili ko.

Paano yan girl, sasabihin mo bang hindi mo itutuloy ang napagusapan ng parents n’yo,tanong sa akin ni Moira. Inaya na kasi ako nitong magpunta sa labas para kumain. Gabi na rin pala kasi.

Pagkatapos nang nangyari, sa tingin ko wala akong karapatang tumangi. Kasalanan ko kaya napahamak si Zade,mahinang saad ko dito na ikinabuntong hininga nito.

Hindi mo kasalanan yon girl, pero sa ginawa ni Tasyang malamang magpasalamat pa si Zade sa bruha. Kaya wala kang choice ngayon kundi ang makisama sa asawa mo.

lyon din ang inaalala ko?pagamin ko dito.

Bakit takot ka ba?

Ano? Saan? Hindi no.depensa kong ikinatawa nito. Alam kong nakapagmove on na ako kaya bakit ako matatakot.

Na mahal mo pa rin talaga—”

Moira, hindi mahalaga ang pagmamahal kong iba naman ang mahal ng taong gusto mo. Si Atasha ang mahal ni Zade. Kung ginagawa man ni Zade ang mga ito ngayon, dahil iyon ang gusto ng parents niya. Ganun si Zade. Sigurado ako doon,giit ko dito.

So hindi mo pa ipapaalam sa kanya ang tungkol kay baby Zayu?

65 Blame 2

Claim

Hindi? Walang magbabago, Moi. Para wala kaming komplikasyon, may anak sila ni Atasha at gusto kong manatiling ganun na lang ang lahat,” lihim na nakagat ko ang dila ko, para kasing patalim ang sarili kong salita sa dibdib ko.

Okay sabi mo eh. Pero– Yuri. Huwag mong hayaang kainin ka nang takot sa nararamdaman mo. Paano kong mali ka pala nang iniisip kay Zade, paano kong biktima rin lang siya ng kasinungalingan ni Atasha?

Anong ibig mong sabihin?Kunot ang noong napatitig ako dito.

Ano kasi

Moira!Kapwa kami napalingon kay Clarence na nagbabanta ang tingin dito.

Ayan na naman kasi ang kontrabida?Monologue ni Moira sabay irap kay Clarence.

Hinahanap ka ni Dad,kalmadong baling sa akin ni Clarence kaya napatango na lang rin ako at nagpaalam na ako kay Moira.

ANONG PLANO mo ha?matalim ang tinging usig ni Clarence kay Moira. Sinabi ko sa’yong huwag mong sasabihin kay Yuri ang tungkol sa bagay na yon diba.

Pumait ang lasa ni Moira sa kanyang lalamunan. Napakabitter kasi talaga ni Clarence, iyon ang nakikita niya.

Pero hindi mo ba naisip na posibling magbago ang lahat kapag nalaman ni Yuri na

Isang patuyang tawa ang pinakawalan nito. Wala nang magbabago, Moira. May anak si Dela Merced sa ibang babae. At kahit nakipagkasundo ako sa kanya. Hindi ibig sabihin noon papayag na akong magkabalikan sila. Masasaktan lang si Yuri. At hindi na ako papayag na mangyari ulit yon. At bilang kaibigan niya dapat alam mo yan.mahabang sermon pa nito.

You really are impossible and selfish, Clarence. Kung ampalaya ka dapat huwag mong idamay si Yuri atay ano ba?singhal nito nang agawin ni Clarence ang phone sa kanya.

Binabalaan kita, Moira. Huwag na huwag mong ipapaalam kay Yuri ang tungkol dito. Kung ayaw mong pati ang investment ko sa Gallery ng nanay mo ipull out ko na,banta nitong mabilis nang binuksan ang phone ni Moira at hinanap ang file saka iyon binura.

Wala ka nga talagang puso Clarence, akin na nga yan.gigil nitong mando kay Clarence pero imbis na ibigay ay inangat nito ang kamay upang hindi maabot ni Moira yon. Buwisit ka talagang lalaki ka,” pikang singhal pa nito.

Pinahihirapan mo rin naman ako kayahindi na natapos ni Clarence ang sasabihin ng may kamay na humablot ng hawak niyang phone.

65 Blame2

Claim

Huwag mong kunin ang hindi sa’yo,walang emosyong sita ni Javier dito. Saka ibinalik kay Moira ang phone.

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)