65: Blame–1
65: Blame
Claim
PARANG ROLLER coaster ang pakiramdam ko ngayon. Wala nang malay si Zade ng makarating kami sa hospital. Mabilis naman itong inasikaso sa emergency ng St. Joseph Medical Hospital. At ngayon nga ay nasa operation room na ito.
Bakit ba kasi hindi ako naka–iwas? At bakit niya ako iniligtas? lyon ang paulit–ulit na tanong sa utak ko. Habang nag–aantay ako sa labas ng OR. Hindi ko na rin pinansin ang mga dugo sa damit ko.
“Yuri!” ang humahangos na tawag sa akin ni Mommy Azra. Bakas ang labis na pag–aalala sa mukha nito. At nahahabag na tinitigan ako. “Nasaktan ka ba?” dama kong nag–init ang sulok ng aking mata at ang muling pagbilis ng pintig ng puso ko.
“I’m sorry po, kasalanan ko?” mabigat ang dibdib ko sa sinabi kong iyon. “Kasalanan ko po, pasensya na.” napapayukong saad ko. At mula kung saan parang naririnig ko ang tinig ni Mama Natasha na sinasabing kasalanan ko ang lahat. Na ako ang malas at buwisit. Kaya maraming napapahamak dahil sa akin.
“Ano bang kasalanan mo anak? Wala kang kasalanan.” anitong naupo sa tabi ko. “I can’t believe na kayang gawin ni Atasha ang ganung bagay,” anitong hinaplos ang buhok ko.
“Kung alam ko lang na mangyayari ‘yon. Hindi na sana ako pumunta. Hindi sana—” dama kong pagtulo nang mainit na likido sa aking mata. Para akong bumabalik sa panahong paulit–ulit na sinasabi sa akin ni Mama Natasha na ako ang dahilan kaya madaming nawawalan ng trabaho sa mansion tulad na lang ni Manang Elisa.
“Yuri, don’t blame yourself. Hindi ka namin sinisi. Ang Daddy Zen mo nagpunta na sa presento. Alam naman namin hindi mo kasalanan. It’s alright magiging okay rin si Zade,” basag ang tinig na saad nito. “Huwag ka nang mag–alala pa,” pag–aassure nitong hinawakan pa ang palad ko.
Hindi naman nagtagal ay dumating si Clarence kasunod ni Dad Gaston. Si Clarence kasi ang tinawagan ko kanina habang papunta kami sa hospital.
“Nasaktan ka ba anak?” Ang nag–aalalang tanong ni Dad sa akin.
“Hindi po, pasensya na kasalanan ko kaya—”
“Ano bang hinihingi mo ng tawad, Yuri. Ikaw itong muntik nang masaktan dahil sa babaing ‘yon. Sabi ko na kasi sa’yo ipakulong mo na lang si Atasha pati na ang magulang niya.” Gigil na sermon sa akin ni Clarence.
65 Blame 1
Claum
“Huwag mo nang pagalitan ang kapatid mo, hijo. Zade will be fine. He will.” pag–aassure ni Mommy Azra pero bakas ang pag–aalala sa mata nito.
“Mabuti pa, umuwi na muna tayo,” ani ni Dad Gaston sa akin.
“Mamaya na ho, hintayin nating magising si Zade Dad,” paki–usap ko dito. Alam kong kasalanan ko kaya nangyari ito. At hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may iba na namang mapapahamak dahil sa akin.
NAGKATINGINAN naman sina Gaston at Azra dahil sa nakaka–awang kalagayan ni Yuri. Paano nito naiisip na kasalanan nito ang lahat gayong biktima rin ito.
“Mabuti pa padalhan n’yo na lang nang damit si Yuri, mas mabuti ring makita siya ni Zade paggising niya. Siguradong nag–aalala ‘yon,” ani Azra sa dalawang lalaking nakatingin kay
Yuri.
Napatango naman si Gaston at saka tinawagan si Thelma para utusang ipagdala ang ang anak nito ng damit.
“Naipaayos ko na ho ang private room para kay Sir Zade,” ani Javier na kadarating lang. Pero hindi nakaligtas dito ang masamang tingin ni Clarence.
Ilang araw na siyang nabubuwisit sa assistant ni Zade Larzon. And seeing him now. Make his jaw tighten.
“Paano ako magagawang ipagpalit ni Moira sa lalaking tulad nito? A mere assistant below my status hmmp.” matiim na saad ni Clarence sa isip nito.
Hindi nagtagal ay dumating rin si Moira. At basta na lang siyang nilampasan nito.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)