66: Paid Off–1
66: Paid Off
NAGISING akong maliwanag na puting kisame ang nakita ko. Saglit na napaisip ako kung nasaan ako. Subalit pagkalipas ang ilang sandali ay bumalik sa isipan ko ang ginawa ni Atasha, dahilan para atakihin ako ng labis na pag–aalala.
Palabas kami ni Javier noon nang mapansin ko ang ingay sa lobby.
Napangiti pa ako nang makita ko si Yuri na papasok nang building.
Subalit ang ngiting iyon ay napalitan ng takot nang makita ko ang pagsugod ni Atasha kay Yuri. May hawak pa itong patalim.
Kaya hindi na ako nagdalawang isip na iligtas si Yuri.
Napangiwi ako nang maramdaman ko ang pagkirot ng balikat ko nang subukan kong bumangon.
“Anong ginagawa mo?” anang tinig na ikinabaling ko sa kaliwa ko. Para makita ko si Yuri na naka–upo sa tabi ng kama ko. Para akong umahon mula sa isang malalim na balon dahil sa presensya nito. And I was able to smile at her.
Muli sana akong babangon pero pinigilan ako nito. “Sabi nang doctor huwag puwersahin ang balikat mo,” paalala nitong inalalayan ako kaya napangiti na naman ako.
Mukhang nagbunga naman ng maganda ang nangyari. Dapat pa ata akong magpasalamat kay Atasha. Sa isip ko.
“Nga pala hindi ka ba nasaktan?” tanong ko dito na ikina–iling nito.
“Salamat sa’yo. Pero sa sana hindi mo na ginawa. Ikaw tuloy ang muntik nang mapahamak,” seryosong sagot nito.
“Ayos lang, kaysa naman ikaw ang masaktan. Dapat maghigpit na ang security personnel ko, para hindi na maulit ang nangyari,” nasabi ko. “Pumunta ka ba sa office para— para sa pagsimula mo sanang magtrabaho sa kompanya?”
“Hindi,” seryoso nitong sagot. “Pumunta ako para sabihin sa’yon hindi ako sang–ayon sa gusto n’yo, but this happened kaya wala akong choice kundi ang gawin ‘to,” walang mababakas na emosyon sa mata nito kaya bigla na lang umurong ang dila ko. Parang tinakasan ako nang sayang saglit kong nadama.
“Nandito ka pa rin ba para lang sabihin ‘yan?” nanlulumong tanong ko dito.
Pard Offi
Clam
“Tatlong buwan lang Zade. Sabi nang doctor in one or two months makakarecover ka na. Magtatrabaho ako bilang personal assistant mo at…” kita kong lumunok ito na nagpasikip na naman ang lalamunan ko. It pains me to see her, na nahihirapan si Yuri na tangapin ulit ako. Napangiwi ako ang wala sa sariling nakuyom ko ang kamao ko.
“Pumayag na akong manatili ulit sa bahay mo sa loob ng tatlong buwan. Pero hindi ako puweding laging nasa bahay mo, kailangan ko ring umuwi sa bahay ni Clarence for some reason.” maya–maya turan nito pero nag–iwas ng tingin. “Kasalanan ko ang nangyari kaya—”
“This was not your fault Yuri.” May diing saad ko dito. Dama ko ang kirot sa loob ko dahil sa nakikita kong sitwasyon. Kung hindi ako nasaktan dahil iniligtas ko si Yuri. Hindi siya papayag na bumalik sa bahay.
Gusto kong sumbatan si Yuri, pero alam kong wala akong karapatang gawin ‘yon. Ako ang dapat sisihin kaya ganito kami ngayon. Kaya nahihirapan ang kalooban ko ngayon.
“Three months will be fine,” napipilitang sagot ko dito. “Mukhang wala na naman na akong choice, kaysa tumangi pa ako,” di ko maiwasang makadama nang sama na loob. Hindi sapat ng tatlong buwan para bumawi dito, pero sisikapin kong magagawa ko.
I want her back. lyon lang muna sa ngayon.
“WALANG HIYANG Javier na ‘yon hinahamon pa ata ako,” lintaya ni Clarence habang kaharap
nito si Martin at nag–iinum sa bar.
“His a cunning guy.” ani Martin na ikinalingon ni Clarence dito. Para makitang seryoso ang mukha nang kaibigan.
“Bakit kuya may ginawa siya sa’yo?”
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)