63: As Planned–2
“Zade Larzon!” gigil kong sumbat nito. Hindi ko tuloy alam kong anong uunahin ko. Pero inuna kong buksan ang pinto ng kotse sa tabi ko but it was locked. “Ano bang problema
mo?”
“Ikaw!”
“Ano?” Gulat kong baling dito. Hindi ko na tuloy magawang kunin ang bag kong inipit nito sa pagitan ng hita nito.
“I find it unfair, Yuri. Missing you while you’re happily dating that damn guy!”
Kulang na lang malaglag ang panga ko sa sinabi nito. “Since when you start being too cheeky, Zade?”
“Hindi ko rin alam, hatid na kita?” tanong nitong binuhay na ang kotse.
“Akin na nga ang bag ko,”
“Eh di kunin mo, kita mong nagda–drive ang tao.” anitong nakangisi na naman. “Mag–ingat ka lang baka iba ang mahawakan mo.”
Inis na binalingan ko ito.
“Oo na, ito na nga.” anitong mukhang nakuha namang hindi na ako nakikipagbiruan dito. Mabilis kong kinuha ang bag ko. Kailangan masabihan ko sina Ate Rita na dalhin muna si Zayu sa kuwarto.
Mabuti nang nag–iingat.
Hindi naman nagtagal ay nagreply na ito. At nakahinga ako nang maluwang ng sabihin nitong wala ang mga ito sa bahay dahil gusto raw maglibang ni Clarence at isinama ang
bata.
“Gusto mong kumain muna tayo sa labas, hindi ka kumain kanina.” Maya maya basag nito sa pananahimik ko.
“Hindi na ihatid mo na lang ako.”
“Yes, Boss.” anitong sumaludo pa. Napapailing na ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa bintana. Isang oras ang lumipas ay huminto na ang sasakyan sa tapat ng main gate ng bahay ni Clarence. Nagtaka pa akong hindi na ito huminto sa checkpoint area. Pero hinayaan ko na lang. Baka naman nakilala na nang security ang plate number ng kotse ni Zade kaya hindi na ito hinarang.
63 As Planned 2
Claim
Salamat sa paghatid,” ani kong mabilis na akong bumaba sa kotse. Subalit hindi pa man ako nakakapasok sa gate ay nakasunod nasa akin si Zade. “Hindi mo kailagan pumasok.”
“Napagod akong magdrive, juice or kahit tubig lang okay na ako doon,” pangungulit nito. Kaysa makipagtalo pa ako kay Zade hinayan ko na lang na sumunod ito. Wala naman si Zayu kaya kampante ako.
“May bata kayo dito?” bakas ang pagtataka sa mukha nitong napatitig sa playpen na naroon. Mabilis ko itong nilampasan para itago ang kabang umataki sa akin.
“O–o anak ni Ate Rita,” sagot ko saka ako napakagat labi. Mas mabuti nang walang alam si Zade tungkol kay Zayu. Nagtungo ako sa kumedor para ikuha ito nang maiinum.
“Ma’am Yuri, siya ‘yong ano diba?” mahinang bulang sa akin ni Ate Thelma na mukhang nakita rin ata ni si Zade. “Parang nakita ko siya sa bahay ni Senador noong isang araw.”
“Talaga? Bakit daw?”
“Hindi ko alam eh, pero seryoso ang usapan nila sabi ni Ma’am Daisy. Ah sige na po ako nang matitimpla nang juice ni Sir.” Nakangising saad nito. “Pero imfairness ang pogi nang asawa mo Ma’am Yuri.”
“Ex–” pagtatama ko dito. Kaya natakpan nito ang bibig.
“Ah… Sunod ko na ang juice.” anito kaya lumabas na rin ako. Kita kong nakatayo si Zade sa may play pen, may kung anong kinukuha ito sa mga laruan ni Zayu. Kaya napalapit ako dito.
“Babae pala ang baby n’yo dito?” anitong kinuha ang paboritong teddy bear ni Zayu. “Mas maganda ito sa ginawang playpen ni Javier. Bakit wala iyong bata?”
“Ha? Umalis na sila. U—umuwi sa kanila. Maupo ka na nga lang kung anu–anong nakikita mo. Saka ibalik mo ang laruan ni za— Mia.”
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)