64: Regrets–1
64: Regrets
WALA AKONG nagawa kundi ang umalis nang sabihin ni Yuri na gusto na nitong magpahinga. Nagleave pala ito sa trabaho para lang makipagkita sa parents ko.
Hindi ko alam kung bakit pero ang init ng dibdib ko habang pinagmamasdan ko ang playpen sa bahay ni Clarence. Mukhang tama si Javier gusto rin magkaanak ni Yuri. Kaya ngayon ako labis na nagsisisi na hindi kami nagkaroon nang anak. Kung sana may anak kami— alam
kong mas magiging madali ang lahat.
Mabigat ang pakiramdam kong naka–uwi sa bahay. Naabutan ko pa doon si Javier na nakahilata sa sofa. Habang tulog naman si baby Zen sa crib nito.
Ibang iba ang hitsura nang playpen sa bahay ni Clarence kaysa sa playpen ni baby Zen. “Bakit parang mas gusto ko ang nandoon sa bahay ni Clarence?”
“Ano Sir?” usisa ni Javier na napabangon pa. Akala ko tulog ito.
“Wala, wala ka bang planong pumasok?”
“Sabi mo wala tayong pasok ngayon diba, akala ko ba gusto mong ka bonding si baby Zen. Huwag mong idamay ang bata sa galit mo sa nanay niya.”
“Sira ka ba, kung gusto ko siyang idamay tatangapin ko ba ang bata. Baka hindi lang talaga ako ganun kabuting magulang.” Nasabi ko saka ako naglakad palapit sa batang mahimbing ang tulog.
“Ayaw ko nang nararamdaman kong parang naaawa lang ako sa bata. Kaya gusto ko siyang mahalin.”
“Ayos lang ‘yon. Sir. Hindi mo kailangan pilitin ang sarili mo. Hindi naman kasi naipipilit ang pagmamahal. Pero puweding matutunan,” makahulugang saad nito.
MEANWHILE
“ANO HO? PERO–” gusto kong magprotesta sa sinabi nang ama ko. Nakipagkasundo umano ito sa magulang ni Zade para maayos namin ang pagsasama namin.
“Ayaw ko mang hilingin sa’yo ito pero sa tingin ko may punto naman sila kung magkakasundo kayo ni Zade, anak.”
“Dad kasi-”
64 Regrets 1
Claim
“Huwag kang mag–alala. Magtatrabaho ka lang sa kompanya ng Delamers, hindi ko naman pinayagan ang gusto nilang magsama kayo sa iisang bahay. At itatago pa rin natin si Mia ayon sa gusto mo. Unless ikaw mismo ang magsabi kay Zade.” kita ko ang nakaka–unawang titig nito sa akin.
“Magiging masaya ako para kay Mia kung magkakasundo kayo ng ama ng bata. Pero kung talagang wala na kayong pag–asa. Sapat na ang tatlong buwan para malaman n’yo ang bagay na ‘yon.”
“Baka magalit sa akin si Clarence, nangako akong—”
“Ayos lang,” anang tinig sa likuran ko. Naroon ang madilim ang aura na si Clarence. Mukhang hindi naging effective ang paglilibang nito kasama si Zayu.
“Naisip kong tama rin naman diba. Para mas lalong magalit si Atasha. Bigyan mo nangpagkakataong iganti ang sarili mo sa pamilyang iyon. Kung makikita ni Atasha na nagkakasundo kayo ni Zade malamang lalong mabaliw ang babaing tulad niya. Those people deserve to be in jail, ikaw lang itong ayaw.”
“Puwede bang pag–isipan ko muna kasi—” ayaw ko na sana nang gulo hanggang maari. Kaya nga hinayaan ko na lang ang kinalakhang magulang ko. Matapos ang party naging tahimik na ang mga ito. Lalo’t laman ng balita ang Montefalco Royal dahil na rin sa malaking pagkaka–utang nang mga ito sa mga banko.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)