63: As Planned–1
63: As Planned
NAGPASYA AKONG kausapin si Zade. Kaya iniwan namin ang magulang namin sa
restaurant. Naroon kami sa kotse nito.
“Ano bang ginagawa mo ha, Zade?”
“Wala akong ginagawa, sinabihan ako ni Dad na magkikita kayo kaya nag–insist akong sumama. Alam mong—”
“Zade Larzon!” malakas kong baling dito. “Nagsikap akong layuan ka para maging malaya ka at makuha mo ang gusto mo. Para maging masaya na rin ako. Kaya bakit ganito? Bakit mo ginugulo ang sitwasyon?” Hindi ko maiwasang magtaas ng boses dito. Pero lalo lang akong napipikon dahil nakangiti pa si Zade na parang isang kakatwang bagay ang sinasabi ko.
“Bakit akong pinagbibintangan ko, Yuri? Wala akong alam diyan,” anito pero kita kong
nag–iwas ito nang tingin. “Alam mo namang conservative ang parents ko saka…”
.” bumuntong
hininga ito. “Pabor sa akin ‘to. Sinabi ko sa’yo I want you back Yuri. Kaya sundin na lang natin ang gusto nila. At huwag mong pilitin na gumawa pa ako nang hindi maganda para lang mapilitan ka ulit diba,” banta nitong ikina–init ng mukha ko.
“Zade! Are you—” pikang sikmat ko dito. “Pagod na akong sumunod sa mga gusto nang tao sa paligid ko kaya hindi mo akong mapipilit na sumunod sa gusto mo. Hindi na ako uuwi sa bahay mo at hinding hindi na ako babalik—ahhh…” nanlaki ang mga mata ko nang walang babalang kabigin ako ni Zade. He bend closer to my face at halos gahibla na lang ang pagitan namin. Kaya hindi ko alam kung paano iiwasan ang titig nito.
“Should I kiss you then, Yuri.” Makahulugang saad nito sabay lunok. Pero nanatiling magkahinang ang aming mga mata. “Sundin natin ang mga magulang natin. Magpakasal rin ulit tayo kong gusto mo.”
“Baliw ka ba?” Gigil kong usig dito sabay tulak dito bago pa ito maka–isip ng kabaliwan.
“Siguro, nakakabaliw ang maghanap sa taong magaling magtago. Kaya kung kinakailangan talian kita para hindi ka na makawala pa sa akin. Gagawin ko, Yuri. Kaya kung puwede huwag mo akong piliting gawin ko ang bagay na ‘yon.”
“How dare you Zade treathened me.” nag–iinit ang mukhang sumbat ko dito. “Noon halos isumpa mong ako ang pinakasalan mo. Ngayon para kang sira–ulong gusto akong balikan.
“Baliw na kung baliw, masama na kung masama, sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin. Pero gagawin natin ang plano. Sundin mo ang ama mo. And I’ll do the same,” bakas
63 As Planned–1
ang kombiksyon sa mukha nito.
“Bakit masyado kang makasarili Zade?”
“Am I? When you came to the guestroom and decided to sleep with me, hindi ba naging
selfish ka rin.”
Claim
“I…” mariin akong napapikit. Bakit ba hindi ito maniwalang wala akong kasalanan doon. Ni hindi ko nga alam kung paano ako nakarating sa guestroom nang gabing ‘yon. Pero kahit naman sabihin ko ‘yon never naman naniwala si Zade.
Matatag ang paniniwala niyang sinadya ko ‘yon. But I never did. Oo nanghihinayang akong hindi niya ako nakilala. Pero hindi ko gustong makipag–agawan kay Atasha para lang mapansin ni Zade.
“Hindi na ako papayag na makisama pa sa’yo. Kaya tigilan mo na ang kalukuhang ito.” Matiim kong saad saka walang paalam ko itong iniwan. Nagmadali na akong bumalik sa loob nang restaurant para kausapin sana ang magulang ni Zade at si Dad Gaston. Pero wala na ang mga ito doon.
“Umalis na sila, nag–aya raw ang Daddy mo na maggolf sila kaya, ihatid na raw kita.” ani Zade na nasa likuran ko na pala.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)