Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 112

62: Kasabwat2

Ano kayang hitsura nang anak n’yo kong may anak kayo ngayon,” muntik na akong masamid sa sinabi ni Mommy Azra na masayang nakatitig sa amin ni Zade.

Mom, kailangan mo bang sabihin yan.saway ni Zade dito. Kita kong pagngiti ni Daddy Zen. Pero hindi nakaligtas sa mata ko ang pagngiwi ni Zade. Malamang mas masaya siya sa anak nila ni Atasha. Kaya hindi ko talaga maintindihan kung bakit pa niya ako ginugulo.

Ang totoo ho, pumayag akong makipagkita dahil gusto ko ring hilingin na payagan n’yo ang annulment namin ni Zade. Hindi tamang

Yuri! Ano bang pinagsasabi mo?salubong ang kilay na sabat nitong baling sa akin.

Bakit? Dapat matagal na nga diba? Kaya bakit pa nanatiling kasal tayo,” usig ko dito. Wala naman sana akong planong ungkatin iyon. Pero dahil nandito na rin naman ito. Mas mabuti na yon.

Hindi maganda ang annulment, hija. Ang kasal ay isang sagradong ugnayan para sa magasawa. Kaya ang nais namin ay subukan ninyong ayusin ang problema,sukat doon ay napatitig ako kay Mommy Azra.

Kami ni Zade? Kaya ba nanatili kaming kasal dahil ayaw ng parents nito. Alam kong hindi tatangi o tututol si Zade sa mga magulang nito. Napatunayan ko na iyon dahil na rin sa nangyari noong pagpapakasal sa amin. Kaya alam kong hindi sinusuway ni Zade ang magulang nito.

Kaya bakit pa ba ako nagiisip ng kung anuano?

Pero hindi na ho kami nagsasama at

That’s the reason kaya gusto naming makausap ang parents mo. Para simulan nating ayusin ang lahat. Kung si baby Zen ang inaalala mo. You don’t have to worry, anak. Kami na ang bahala sa kanya nang mommy mo. At naniniwala naman akong magugustuhan mo rin si Baby Zen balang araw.Nakangiting paliwanag ni Daddy Zen sa akin.

Hindi iyon ang inaasahan kong usapan namin ngayon.

Oh nandito na pala ang Daddy mo,anunsyo ni Daddy Zen na napatingin pa sa entrance. Ganun na lang ang gulat ko nang makita ko ang ama ko kasama si Mister Oliver.

Natraffic kami.Paumanhin nito.

Have you decided na magkasundo na kayo ni Zade, anak?tanong nitong ikinagulat ko.

62 kasabwat2

Ho?Nalilitong nagpalipatlipat ang tingin ko sa mga ito.

TWO DAYS EARLIER

Claim

HINDI inaasahan ni Gaston na darating sa bahay niya si Zade Larzon. Napatingin pa siya sa wrist watch niya. Pass seven na nang gabi.

Mukhang desidido nga itong makipagbalikan sa kanyang anak, para sadyain pa siya nito.

Anong maipaglilingkod ko sa’yo, Dela Merced?seryosong tanong ni Gaston na ibinaba ang eyeglasses nito.

Alam ko hong, wala akong karapatang humingi nang tulong sa n’yo pero—” Natigilan siya nang bigla na lang itong lumuhod sa harapan niya.

Ano bangtumayo ka nga..

Hindi ho, kulang pa to para sa mga kasalanan ko kay Yuri. Kaya nakikiusap ako, Sir. Puwede n’yo ho ba akong tulungan. Ayaw kong maghintay ng matagal kong papayag si Clarence sa aluk ko kaya kinapalan ko na ang mukha ko. Payagan n’yo ho akong bawiin ko ang asawa ko. Bago pa ako makapatay ng tao dahil sa Martin na yon.walang prenong lintaya ni Zade na ikinatawa ni Gaston.

Umupo ka nang maayos at magusap tayo. Para kang sira. Hay pambihira!Naiiling na saad nito. Napilitang maupo naman si Zade sa sofa paharap kay Gaston.. Hindi na bata si Yuri, hindi natin siya mapipilit sa ayaw niya at isa pa, sinabi ko naman sa’yo hindi ko tututulan kong kusang sasama si Yuri sa’yo.

Pero hindi rin ho siya sasama dahil patuloy lang niya akong iiwasan. Baka lalo lang siyang mawala sa akin. Kahit anong gusto n’yo gagawin ko, Sir.nakayukong pakiusap niya dito.

Wala naman akong ibang kailangan sa’yo Zade. Ang gusto ko lang masigurong hindi na masasaktan ang anak ko. Higit kanino man alam mo ang pinagdaanan niya.

Alam ko ho. Kaya alam mo ring posibling hindi ko makumhinsi si Yuri sa paraan ko. Kaya sana tulungan n’yo ako,samo nito.

Gaston couldn’t hide his smile.

Hindi ko alam na may lalaking kayang magmakaawa para sa babaing mahal niya. I never did that, dahil hindi ko kayang ako ang unang sumuko, at lalong lumuhod para langtsk tsk kakaiba ka Dela Merced.aniyang mapait na ngumiti. Ano bang gusto mong gawin ko?tila nagliwanag ang mundo niya sa tanong nitong yon.

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)