57: Date Me
“BAKIT BA ang grumpy mo ha, Clarence?” Usig ni Moira sa boyfriend niyang sala sa init at sala sa lamig ang utak. Hindi na nga niya alam kung may relasyon pa ba sila. Wala namang araw na hindi sila nagtatalo ni Clarence mula nang sabihin niya ang tungkol sa post ni Zade sa paghahanap nito kay Yuri.
She accidentally saw Zade’s post asking someone kung alam ang lugar sa painting. Sobrang na touch siya sa mensahe ni Zade.
Hindi niya inaasahang mabuting tao rin pala ito. At base sa mahabang kuwento nito sa post. She felt sorry for Zade kaya kahit inis siya sa asawa ng kanyang matalik na kaibigan.
Nagbago ang pananaw niyatungkol dito. Dahil dama niya ang sincerity sa bawat salitang nabasa niya du’n.
That’s when Clarence started to get angry at her. Nang tanungin niya ito kung puwede na lang nilang tulungan na magkabalikan sina Zade at Yuri. Noon niya naisip na buohin ang pangalan ni Baby Zayu.
Sa tingin kasi niya deserve rin ni Zade ang second chance dahil nag–eefforts rin talaga ito. Lalo na nang makausap pa niya ni Javier when she accidentally meet him at the grocery store. Namimili kasi ito nang supply para sa anak ni Zade at Atasha.
Nalaman niyang hindi naman pala itinuloy ang annulment ng mag–asawa. At wala na raw plano si Zade na pakasalan si Atasha dahil sa mga kasinungalingan na nalaman ni Zade.
“Next time huwag mo nang bangitin ang Zade Larzon na yan sa harap ko. I will never accept him as my brother–in law. Sa lahat ng katangahan niya hindi niya deserve si Yuri. Hindi bagay sa kanya ang second chance.”
“Ewan ko sa’yo masyado kang ampalaya alam mo. Sa tingin ko ikaw ang dapat walang second chance, hmp!”
“Moira, tumigil ka nga sa kalukuhan mo. At tandaan mo hindi kita mapapatawad kapag sinabi mo kay Yuri ang alam mo.” banta pa nito.
“Wala akong planong sabihin sa kanya, okay. Ang gusto ko lang tulungan natin silang magkabalikan at maging maayos ang lahat para sa anak niyl. You love Zayu Mia right? Kaya anong masama?”
“Ang masama may anak na rin si Zade Larzon sa bruhang Atasha na ‘yan. Alam mo ang
Date Me
Claim
naging buhay ni Yuri sa pamilyang ‘yon. Kapag nakisama siya sa asawa niya. Hindi ba maoobliga pa siyang maging ina sa anak ni Atasha. Don’t be stupid okay!” Singhal nitong ikina–init ng ulo niya. Kaya padabog na tumayo si Moira at hinarap si Clarence.
“Alam mo ang hirap mong kausap. Magbreak na nga tayo. Ayaw ko na sa’yo! Ako pang ginawa mong stupid ha! Tsss…” iritadong singhal niya dito.
“Hindi ba katangahan naman talagang mag–isip ka nang ganyan.” Umiling si Clarence na lalong ikinainit ng ulo ni Moira. Sanay na siya sa hamon ni Moira nang break–up. Pero sa huli nagkakasundo rin naman sila dahil ito ang kusang lumalapit sa kanya.
Moira’s in love with him kaya sanay na siya sa drama nito. Hinayaan niyang padabog itong umalis. At nang sa wakas ay tahimik na ang condo niya saka siya nagpasyang bumalik sa kanyang trabaho.
“Nag–iinarte ka naman eh.” naiiling niyang saad.
Sa kabilang banda. Kung puwede lang sakalin na niya si Clarence kanina ginawa na niya.
“Mukhang hindi nga tayo bagay, Clarence. Bahala ka sa buhay mo.” Pasakay na sana siya sa kotse nang matigilan siya. Regalo sa kanya ni Clarence ang kotse kapalit ng luma niyang sasakyan. “Love kita pero iyong amo mo, baliw at sira ang tuktok. Ampalaya sa lahat ng ampalaya.” Kausap niya sa kotse saka siya muling naglakad pabalik sa building. Ibinilin na lang niya sa security officer ang susi ng kotse pagkatapos picturan at i–send kay Clarence ang larawan.
“Ipapahatid ko na lang ang susi ng kotse mo, bye.” Pagkatapos noon ay saka siya umalis.
Naiinis siya sa sariling kailangan niyang maglakad patungo sa taxi area kahit nakatakong
siya.
At sa inis niya ay muntik pa siyang mapasigaw sa busina nang kotse sa likuran niya kaya malutong siyang nagmura. Handa na siyang ibato ang sandals niya sa kotse ng bumukas ang bintana sa tapat niya.
“Bakit naglalakad ka?” anang tinig na familiar sa kanya. “Sorry nagulat ba kita?”
“At nagtanong ka pa talaga? Huwag mo akong asarin ngayong bad mood ako okay,” asik niya kay Javier na nakangiti pa kahit banas na banas na siya. Feeling close na kasi ito mula nang tulungan niya ito sa grocery.
“Get in, malayo pa ang lalakarin mo.” aluk nito. Dahil totoo naman ‘yon sumakay na rin siya kaysa maglakad pa. “Nasaan ang kotse mo?”
“Wala, itinapon ko na. Walang kuwenta eh.”
Date Me
Clam
“Iyong kotse o iyong may–ari?” seryoso nitong tanong na parang alam na hindi sa kanya ang
kotse.
“Iyong may–aring baliw at walang utak. Sobrang ampalaya pa, sarap igisa sa sarili niyang itlog,” walang prenong lintaya niya dito. Pero tumawa lang si Javier na tila amuse sa inis na nararamdaman niya. “Anong nakakatawa?”
“Ilang beses na tayong nagkita lately, noong na grocery ka asar na din dahil sa ampalaya. lyong ampalaya kasi, binababad muna sa tubig na may asin para mawala ang pait.”
“Alam ko, pero iyong ampalayang kilala ko. Kahit habang buhay mo atang ibabad sa asin, hindi na gaganda ang lasa. Kaya mabuti pa itapon ko na at makipagdate ako sa iba. Teka single ka pa diba? Gusto mong magdate tayo?” Muntik na siyang masubsob nang bigla itong nagpreno at napatitig sa kanya na para siyang nakakatawang bagay sa tabi nito.
“Ayaw ko nang may sabit,”
“Single na ako as of 15 minutes ago.” sagot niya.
“Wow, ibang klase ka rin Miss. Ganun kadali kang magpapalit ng ka–date.”
“Oa naman.” Napapangusong saad niya dito. Ang totoo hindi niya pinangrap na siya ang mag–initiate sa lalaking gusto niya noon. Pero dahil saksakan ng katorpehan si Clarence kaya napilitan siyang ligawan ito kaysa mag–antay na lang siya. “Mas madaling magmove on kapag may kapalit kaagad,” palusot niya.
“Hindi ko alam kung anong trip mo, pero sige. Masyado akong free ngayon dahil abala sa panliligaw ang boss kong tanga.”
“Talaga, nililigawan na niya si Yuri? Wala pang ikinukuwento ang babaing iyon ah.”
“Hayaan mo na sila. Saka mabait naman talaga ang boss ko na ‘yon madali lang talagang mauto, dahil madali rin siyang maawa sa mga nagpapa–aawa.”
“Pero mukhang mahihirapan siya kay Yuri, kaya dapat tulungan mo ang boss mo,” utos niya dito. Kung puwede nga lang sabihin niyang para sa anak ng mga ito pero nagpigil siya. Kahit gusto niyang tulungang magkabalikan ang mag–asawa. Desidido si Yuri na huwag ipaalam kay Zade ang tungkol kay Baby Zayu. At ayaw naman niyang pangunahan ito.
“Then we could use your date offer para magkalapit sila nang hindi halata diba?” Biglang
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)