58: Kompitensya
58: Kompitensya
“ANO ANG MGA ‘yan?” Takang tanong ko nang dumating ang panibagong set ng bulaklak at isang malaking box ng white chocolate cake.
“Grabe naman ‘yan sis, sino ba ang nagpadala? lyong suplado o iyong preskong hubby mo?” Kinikilig na usisa ni Emma. “Pero hula ko iyong hubby mo. Kakakilig ang titig niya sa’yo parang gusto kang kainin ng 24/7…” anitong tumawa pa nang malakas kaya’t nag–init ang
mukha ko.
“Wala namang pangalan ulit.” Hindi ko nga pala naitanong kay Zade kung dito galing ang mga bulaklak. Para kasing awkward naman kung itatanong ko. Paano kung mali naman pala ako? Baka isipin pa niya nag–aassume ako.
“Sus halata namang doon sa hubby mo ‘yan galing at may pa cake pa ngayon ah, efforts
much?”
“Baka hindi naman, kuripot ‘yon. Saka never akong bibigyan ng bulaklak ng lalaking ‘yon,” hindi ko maiwasang mapasimangot sa naisip ko. Never akong naregaluhan ni Zade ng kahit ano. Kahit nga wedding ring namin ang ama pa nito ang nagbigay sa akin. Pero hindi ko rin naman ginamit dahil ayaw ni Zade.
“Eh bakit parang masama ang loob mo?”
“Hindi ah,” depensa ko. “nagsasabi lang ako nang totoo. Hindi talaga si Zade ‘yon. Saka mabuti magtrabaho na tayo. Nakakahiya sa kanila. Super busy nila lagi eh.” mahinang dagdag ko pa.
“Napansin mo rin pala. Malapit na tayong maging sementeryo dito dahil sa katahimikan,” nakatawang saad pa nito. Saka kami nagfocus na rin sa trabaho.
Dahil payday naman kahapon kaya nagpasya kami ni Emma na sa labas na lang kumain ng lunch ngayon. Pero kalalabas lang namin sa entrance nang ng makita ko si Zade.
“Grabe ang charm ng asawa mo, nakakasilaw. Wala ba siyang kapatid o pinsan na kasing hot niya.” Mahinang bulong sa akin ni Emma.
“Solo siyang anak eh. May pinsan siya pero, hindi ko naman personal na nakaka–usap,” pag–amin ko dito. “Ano naman kayang kailangan niya?”
“Sus, pabebe ka rin no, tinatanong pa ba ‘yan. Nagpapapogi points ano pa ba? Sige iwan na kita sa cafeteria na lang ako kakain, baka hindi matuwa ang hubby mo na may third wheel
53 Kompitensya
kayo.”
“Teka, Emma…” mahinang tawag ko dito na mabilis na akong iniwan. At bago pa ako makasunod ay nasa harap ko na si Zade. His scent instantly reach my nose kaya napasinghot ako. Pareho pa rin ang gamit nitong pabango.
“Tamang tama, lunch time na. Sabay na tayo,” masiglang saad ni Zade.
Claim
“Walang restaurant dito sa building kaya bakit ka nandito? Out of the way ito sa office mo.”
“Kahit ilang milya pa ang layo nito sa office ko, dito pa rin ako pupunta para makasabay kang maglunch, halika na. Gutom na rin ako.” Yakag nitong akala ata may usapan kami sa araw na ‘yon.
“Wala akong sinasabi na gusto kitang kasabay sa lunch, saka may ka meeting ako,” palusot ko. Salbahe naman kasi si Emma bigla na lang nang–e–ewan sa ere. Sukat doon ay napalingon ako para lang makita itong sumenyas pa na sumama ako.
“Mukhang boto sa akin ang kaibigan mong ‘yon,” mahinang sambit ni Zade kaya napalingon ako dito. Nakita rin ata nito si Emma.
“Tara na pakakainin kita ng masarap,” yakag sa akin ni Zade sabay hawak sa pulsuhan ko pero ikinagulat ko nang biglang may isang kamay na humawak rin sa kabilang pulsuhan ko.
“Huwag mo nga hawakan si Yuri!” paangil na sabat ni Martin, dama kong paghigpit ng hawak nito sa pulsuhan ko.
“Ano naman sa’yo kung hawakan ko ang asawa ko,” malakas ang boses na singhal ni Zade dito na halos mamula na ang mukha nitong nakatitig kay Martin. At bakit inaaddress na naman ako ni Zade bilang asawa niya? Baliw na ba siya?
“Sandali ano ba kayo, nakakahiya. Bitawan n’yo nga ako. Saka—” humugot ako ng malalim na paghinga nang sabay kong hilahin ang kamay kong hawak ng mga ito. Kulang na lang maglaho ako dahil sa ginagawa ng mga nila. “May usapan kami ni Martin na sabay kaming maglu–lunch Zade kaya pasensya na. Siya ang sinabi kong kameeting ko,” pagsisimungaling
Hindi ko alam kung anong gustong mangyari ni Zade, pero isa lang ang malinaw sa akin. Hindi tamang hayaan ko ang sarili kong mapalapit dito. Hindi lang dahil sa anak nila ni Atasha. Kundi dahil alam kong hindi rin titigil si Atasha hanggang hindi nakukuha ang gusto nito.
At ayaw ko na nang komplikadong buhay. Ang tanging gusto ko na lang ngayon ay mamuhay ng tahimik at masaya. Malayo sa pamilyang kinalakhan ko. At malayo kay Zade.
compitensya
Clam
“Siguro naman nauunawaan mo na, Zade Larzon. Dati naman tayong magkaibigan diba, at isa pa. Hindi mo gusto si Yuri noon kaya bakit ka pa nangungulit sa kanya. Leave her alone, will you,” patuwang sermon ni Martin dito.
“Eh paano kung ayaw ko!”
“Zade,” nag–iinit ang mukhang saway ko dito. Halata kasing gustong asarin si Martin. “Tama si Martin. Saka alam mo bang tinawagan ako ni Atasha para sabihan ng kung anu–ano. Hindi ko alam kung paniniwalaan mo ‘yon pero, ayaw ko na nang gulo. Kaya kung anuman ang dahilan nang paglapit mo sa akin—”
“I want you back Yuri!” Deklara nitong ikinatigil ata nang paghinga ko. Maging si Martin ay nagulat rin dahil malakas ang pagkakasabi ni Zade nu’n.
Dama kong pagbilis ng pintig ng pulso ko pero mabilis kong hinamig ang sarili kong
katinuan.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)