56: Panghihinayang–2
“Sir, hindi ko first time iyon. Pero first time akong magkakagirlfriend kung sakali. Huwag kang judgemental.”
“Goodluck rin kung ganun, kilala ko ba ‘yan?”
“Hmm…” sagot nitong ngumiti lang saka ako nilampasan. “Baby Zen, may pasalubong si Tito pogi,” kausap nito sa batang abala sa paglalaro na kaagad namang ngumiti dito.
Pansin kong mas natutuwa si Zen sa presensya ni Javier. Hindi naman sa ayaw ko sa bata, siguro dahil anak ito ni Atasha. Pero anak ko rin si Zen kaya nahihiya ako ditong hindi ko makita ang sarili ko bilang ama niya. But I am trying. Tulad ngayon bumili rin ako ng pasalubong nito.
Napalapit ako sa mga ito.
“Zen, you want chocolate, baby?” tanong ko sa batang kaagad na ngumiti pagkasabi ko nang chocolate. Mahilig ito sa chocolate na hindi ko naman gusto noong bata pa ako at kahit ngayon. “Ikaw Javier gusto mo ring ng chocolate?”
“Sir, alam mong allergic ako sa matamis. No thanks.”
“Bahala ka, halika na pogi.” tawag ko kay Zen na kagad namang binitawan ng laruan at nagpakarga na sa akin. “Pasalamat ka na lang talaga cute ka.” Nasabi ko saka ko ito dinala sa kumerdor. “Javier sumabay ka na sa amin,” aluk ko dito na kaagad na rin namang sumunod.
But the moment he reach the table, nagsimula itong ayusin ang puwesto ng kubyertos sa pantay na pagkakahilira.
“Hindi ka ba napapagod sa OCD mo?” Naiiling kong puna dito.
“Ito lang talaga ang hindi ko naaalis sa katawan ko. Parang hindi ka pa nasasanay Sir.” sagot nito saka naupo na. Ipinuwesto ko naman si Zen sa high chair sa kanan ko.
“Siya nga pala sir, kumusta iyong lakad mo kanina? May pag–asa
ka pa
ba?”
“Concern ka ba o nang–iinis ka?” asar kong sita dito.
“Concern lang ako, inaalala ko lang kung tatangapin ni Ma’am Yuri si baby Zen? Diba nga hindi naging mabuti sa kanya ang pamilya ni Miss Atasha?”
“Hindi naman ganun kasama si Yuri. Yes, I was wrong judging her pero kung talagang masama siyang babae, sana hiniling na niya sa ama niyang ipakulong ang kinilala niyang
S6 Panghihinayang 2
Claim
pamilya diba. Puwede niyang gawin iyon,madali namang hanapin ang mga naging katulong ng mga Montefalco.”
“Kung sa bagay. Gusto rin sigurong magka–anak ni Ma’am Yuri.” anang ni Javier na kumakain
“Ano? Paano mo naman—”
“Kasi nakita ko noon si Ma’am Yuri sa OB clinic, tanda mo noong umuwi ako para ipabunot iyong wisdom tooth ko kasi sobrang sakit. Nakita ko siya noon sa kataning clinic.”
“Talaga? Nagpunta siya sa ganung lugar, bakit?”
“Ewan ko, hindi ko naman na naitanong saka hindi naman niya ako nakita. Mukha siyang malungkot paglabas niya sa clinic,” baliwalang kuwento nito. “Kaya naisip kong gusto rin niyang magkaanak. Masama kasi talaga ang side effects ng mga contraceptives. At kung nagkaanak sana kayo eh di sana mas may dahilan ka para habulin si Ma’m Yuri diba.”
“Puwede ba Javier tumahimik ka na nga, imbes na good mood ako. Sisirain mo pa eh.” Inis kong singhal dito. Dahil may bahagi sa pagkatao kong gustong sumang–ayon na tama ito.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)