36: 1 am Stupid–2
+25 Points
“Pero hindi na ako nakabalik dahil pinagbintangan nila akong nagnakaw ng mga alahas at pera. At para iurong ang demanda sa akin. Kailangan kong manahimik at iwan ang bata. Tuluyan itong napahagulgol. Habang ako tahimik na kuyom ang kamao ko. “Puro latay ang katawan niya kapag nagsusumbong ang anak nilang bruha nang kung anu–ano. Kahit pagkain tipid na tipid ang para kay Ma’am Yuri. Hindi rin siya puweding sumasabay sa pamilya na kumain maliban kung may mga bisita. Sa basement lang siya at- pasensya na.” saad nitong pinahid ang luha sa mata. “Hanggang ngayon inuusig pa rin ako nang konsensya kapag naiisip kong kinailangan kong umalis at iwan siya sa pamilya niya.”
“Ganun sila kasama sa asawa ko?” Nagtatangis ang bagang tanong ko dito.
“Oo, sir. Sa basement lang madalas mamalagi si Ma’am Yuri kapag tapos na niya ang trabaho niya.
Nag–aaral siya sa madilim na kuwarto gamit lang ang flashlight ng lighter dahil pinapatay nila ang
ilaw sa basement kapag alas otso na. Ganun ka mesirable ang buhay niya noon–teka kumusta na
siya? Mula nang makasuhan ako hindi na ako nakahanap ng matinong trabaho kaya kahit gusto ko siyang balikan hindi ko na magawa. Maayos ho ba siya? Puwede ko ba siyang makita? Ang tagal ko ring laging naalala ang batang iyon pero wala akong kakayahan para tulungan siya.”
“Maayos ho si Yuri, pero hinahanap ko rin siya dahil nagkaroon kami nang hindi pagkaka–unawaan. Ipapaalam ko sa n’yo kapag nakita ko na siya. At maraming salamat ho sa oras,” dama ko ang nag–iinit kong mukha sa sandaling iyon. Kahit ikinukuwento lang ni Aling Elisa ang nangyari nakikinita ko na ang paghihirap ni Yuri. Dahil nakita ko na rin ang hitsura ng basement na tinitirihan
nito..
“Sandali, nasabi n’yong sinabi noong Ate Gina na ‘yon na hindi anak ng mga Montefalco si Yuri? Sinong magulang niya?”
“Pasensya na sir, pero kung may nakaka–alam si Ate Gina ‘yon. Siya kasi ang nag–aalaga noon kay Ma’am Yuri noong sanggol pa siya. Mga ilang buwan pa lang siya noong ipasok ako ni Ate Gina para maging tagaluto. Basta ang tanda ko noon, nagtalo sila ng bruha, ang narinig ko lang ‘hindi daw iyon ang nakasaad sa kasunduan dapat daw alagaan at protektahan ang totoong may–ari‘. Pero kinabukasan hindi ko na nakita si Ate Gina. Ang sabi ni Sir Gener, umuwi na raw ng probinsya. Kaya ako na ang naging tagapag–alaga ng bata sa at quarter ko rin pinapatulog noon si Ma’m Yuri.” Nakaalis na kami sa bahay ni Aling Elisa pero para pa rin akong sinasaksak sa katotohanang
nalaman ko.
“Javier, paano nila ako nagawang pa–ikutin. Bakit hindi ko nakita ang totoo? Bakit?” Nag–iinit ang sulok ng matang sambit ko dito. “Anong pinagkaiba ko sa mga taong nagpahirap sa kanya. Putang ina! Anung klase nang tao ang gagawa nang mga ganun sa isang batang walang muwang?
1/2
00
15
OON
36 Fam Stupid–2
+25 Pomté
“Dapat pala hindi ko na siya pina–uwi. Dapat pala sinamahan ko siya noon. Baka hindi siya nasaktan, baka hindi napaalis si Aling Elisa. Baka sakaling hindi naging ganun kahirap ang lahat para kay Yuri, dahil may kakampi siya kahit nasasaktan siya. Ang tanga ko. Kasalanan ko iyon.” Dama ko ang pagtulo nang luha sa mata ko.
“Sir, bata ka pa rin noon? Hindi mo kasalanan. Kasalanan ng pamilyang iyon dahil masasama sila.”
“Pagbabayaran nilang niluko nila ako. At sinaktan nila ang asawa ko. At magbabayad rin ako sa lahat ng ginawa ko sa asawa ko.” kuyom ang kamong sambit niya.
Nakikita ni Javier ang matinding galit sa mata ng amo. Ilang taon na siyang nagtatrabaho bilang assistant nito. Kaya alam niya kung ano ang higit na inaayawan ng isang Zade Larzon Dela Merced Ang magamit at maluko ng kahit na sino. At lahat iyon ginawa ng mga Montefalco.
“Hindi nila ko puweding gamitin ng ganun–ganun lang.” Nagtatangis ang bagang na saad nito.
Zindy Rivera
Naihabol. Salamat sa nag–aabang.
Nagising na sa katotohanan si Zade… at mukhang may may maniningil ng mahal.. Paano kaya makakabayad si Zade kay Yuri? Too late na ba o may pag–asa pa? Good night mga ka reader, pa #VOTE sa mga naka dreame app salamat ng sagad.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)