36: I am Stupid–1
36: I am Stupid
+25 Points
MALAKAS ang kabog ng pulso ko habang nakatingin ako sa papel nadala ko. Damang dama ko ang katangahan ko dahil nagawa kong paniwalaan si Atasha five years ago. Pero ang painting na hawak ko ngayon ay sapat nang patunay para maunawaan ko ang lahat.
Niluko ako ni Atasha. Nagpangap itong ito ang batang tinulungan ko sa may simbahan.
“Sir, ayos ka lang ba?” tanong ni Javier na nilingon ako. Nagmadali akong magpunta sa opisina para sabay kaming makarating sa bahay ni Elisa Cortez.
“Hindi…” sagot ko saka ko muling tinitigan ang painting na hawak ko. Pencil drawing lang iyon. Pero malinaw kong nakikilala ang mukha kong nakatayo kaharap ng batang isang babaing naka–upo sa bench sa tapat ng simbahan.
Nag–iinit ang dibdib ko sa isiping maging tanga ako. Nagyabang pa ako kay Javier na hindi ako
bingi. Oo hindi ko nakilala ang mukha ni Yuri dahil na rin sa deperensya ng mata ko noon. But her
voice- “how can I not recognized her, Javier?” di ko napigilang tanong dito. Napatingin ito sa
hawak kong painting.
“Hindi mo kasalanan ‘yon Sir.”
“Kasalanan kong naging tanga ako at nabulag sa katotohanang, nasa harap ko na pala pero hindi ko na nakikita. Kaya siguro nagkaroon ako nang sakit sa mata noon. Dahil hindi lang malabo ang paningin ko- I am even blind of things I should see, kaya kailangan nating mahanap ang asawa ko. Wala pa ba tayong update sa kanya.”
“Ginagawa nang mga tauhan natin ang lahat. Kaunting panahon na lang, Sir. Pero kailangan pa ba nating makita iyong babae.”
“Oo,” seryosong saad ko.
“Alam ng asawa mo na ikaw ang taong tumulong sa kanya? Pero bakit hindi niya sinabi?”
“Hindi ko alam kung bakit? Kaya ipahanap mo kaagad siya. Kailagan kong malaman ang totoo.”
“Ang totoo lang ba? Sabi mo pakakasalan mo si Atasha noon dahil sa guilt na matagal ring umusig sa’yo. Kaso asawa mo na pala ang taong iyon. She might not believe you anymore.”
“Ewan ko, ang mahalaga maayos ko ang lahat ng gusot na ito.”
Mahigit tatlong oras rin ang biyahe namin bago kami nakarating sa Lian Batangas. At pagkalipas ng tatlumpong minuto ay huminto kami sa isang kanto. Saka maglakad papasok di kalakihang
1/3
00
15
OONN
O
* 36 1 am Stupid–1
daan dahil hindi maipapasok ang kotse.
Naroon ang isang ginang na nawalis sa munting bakod sa harap ng may kalumang bahay.
+25 Points
“Tao po,” agaw atensyon ni Javier sa ginang. May edad na ito pero hindi naman ganung nagbago ang hitsura nito maliban sa mga puting buhok nito. “Kayo ho ba si Elisa Cortez, ma’m?” tanong ni Javier sa ginang.
“Anong kailangan n’yo?” Napasimangot na tanong nito.
“Gusto lang namin kayong maka–usap saglit,” sabat ko. Mukha kasing hindi ito natuwa sa
pang–aabala namin. “Tungkol ho sana kay Yuri Ann Montefalco,” saad ko.
“Ano?” Kita kong natigilan ito. “Padala ba kayo ng hayop na mga Montefalco na ‘yon?” usig nitong itinaas pa ang hawak ng walis.
“Hindi ho, siya ang asawa ni Yuri Ann, ma’am. May gusto-”
“Makapag–asawa na siya,” biglang nagbago ang mukha nito at napatitig sa akin. Saka mabilis nang
lumapit para buksan ang bakod na bakal.
Ilang sandali pa ay naroon na kami sa salas. Maayos at mukhang masinop ang ginang. “Pasensya
na kayo, wala akong maiialuk na juice, kape baka gusto n’yo.”
“Hindi na ho, gusto ko lang nalaman kung bakit kayo pinaalis ng mga Montefalco?”
“Huh!” Sumama ang timpla nang mukha nito. “Ayaw ko nang naririnig ang mag–asawang ‘yon. Halos sampung taon akong nagtiis na manatili sa bahay nila noon. Iyong naunang katiwala ang nagpasok sa akin sa mga Montefalco. Pero bigla na lang nawala si Ate Gina matapos niyang makasagutan si Bruhang Natasha at asawa nito. Pero nagbilin siyang alagaan kong mabuti si Ma’am Yuri.” nagsimulang lumamlam ang mga mata nito.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)