Γ
< 215. Surpose
215: Surprise-1
215: Surprise
FIVE MONTHS later…
KAPWA KAMI naghahabol nang paghinga matapos ang isa pang mainit na sandali namin ni Zade. Malalim na ang gabi pero gising pa rin kami. Bawi raw nito dahil limang araw itong diet sa pagcharge nito dahil sa dalaw ko. Kaya hindi talaga ako pinatawad ang luko.
Kapwa kami walang saplot sa ilalim nang kumot habang nakaunan ako sa braso ni Zade. Malamig dahil tag-ulan na naman pero sa loob nang silid namin na kahit laging malakas ang aircon. Pinagpapawisan pa rin kami pareho.
“Siya nga pala bakit hindi mo sinabi ang tungkol sa church wedding,” usisa nito.
“Saka na nating pag-usapan ‘yon, kapag naalala mo na?”
“Pero ilang buwan na puro pira-pirasong alaala lang ang nabubuo ko at hindi maalala ang lahat. Paano kong umabot nang mas matagal, baka mamissed mo na ang chance para maranasan ang isang totoong kasal, sabi ni Mommy pangarap raw ‘yon nang lahat nang babae,” anito pa saka napatitig sa malaking larawan namin.
“Civil wedding lang ang picture na ‘yan diba?”
“Oo, sila Dad ang nagpilit na dalhin ‘yan dito sa bahay mo kahit ayaw mo,” sagot ko.
“Pero alam mo bang ang ganda mo d’yan,” anitong ikinatitig ko kay Zade.
“Talaga, parang hindi naman ‘yan ang sinabi mo dati,” napapasimangot kong usig kay Zade. Nakatago lang ang wedding picture na ‘yon dahil ayaw ni Zade ilagay sa kuwarto nito kasi di raw maganda, pero nang bumalik ako sa bahay nito nandun na ‘yon sa kuwarto.
“Hindi na ngayon, siya nga pala may date tayo bukas okay,” paalala na naman nitong ngumiti nang matamis. Mula noong isang lingo lagi nang pinaalala ni Zade sa akin ang tungkol sa special date raw namin para sa wedding anniversary namin.
r
“Oo na nga,” sagot ko sabay hikab. Natawa naman ito saka ako kinabig at kusa naman akong yumapos dito. Ilang sandali pa unti-unti na akong nakatulog.
Kinabukasan bandang alas otso na ako nagising, hapon pa naman ang date namin ni Zade para sa wedding anniversary. Iyon ang ikalawang beses na magse-celabrate kami nang aming anniversary.
Kaya pagbangon ko dumiretso na ako sa banyo para maligo. But to my surprise may pa flower petals ang tub at nakahanda na rin ang bathrobe ko. “Nagkaoras pa siya para ihanda ‘to,” nakangiting saad ko saka ko nilaro nang kamay ko ang tubig na may rose petals.
Mabango ang aroma nang tubig kaya naenganyo na rin ako. Walang pag-aalinlangan kong hinubad ang tuwalyang itinapis ko lang sa katawan ko. At hinayaan kong malaglag iyon sa sahig.
215 Surpuse
Napangiti pa ako nang medyo warm pa ang tubig kaya tila ako na relax nang tuluyang mabasa nang katawan ko. Napakabango ang rose water na nakahalo doon.
Hinayaan kong mawala ang ligam-gam`nang tubig sa katawan ko šaka ko binuksan ang shower para naman mabasa ko ang buhok ko. At makapagshampoo na rin. Gamit ang paborito kong body scrub and soap ay pinagsawa ko ang sarili ko sa aroma nang aking morning bath.
Lately masyado nang nagiging perfect ang asawa kong eighteen years old na three months ago. At least hindi na siya minor. Mahina akong natawa sa intisip ko.
Nang magsawa ako sa paliligo ay maingat akong tumayo at kinuha ang bathrobe. Napangiti ako nang makita ko ang repleksyon ko sa salamin. Kahapon nagpa-body massage at facial detox kami nila Mama Charlene at Moira. Kaya parang naggo-glow tuloy ang mukha ko kahit walang make-up.
Bonding time raw namin. Tamang tama naman dahil may date nga kami ni Zade. Simpling white short
sleeve dress na may mahabang neckline ang pinili kong isuot. Hapon pa ang date namin pero gusto nito
maaga raw kami sa hotel kaya wala naman na akong reklamo.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)