214 Guilt-2
214: Guilt-2
“Hindi ho sir, baka si boss Javier alam niya? Siya iyong inuutusan mo sa mga ganung bagay.” anito, kaya tinawagan ko si Javier pero hindi na ito sumagot. Pagdating namin sa flowershop hindi ko alam kung anong bibilhin ko.
“Yes sir, may napili na ba kayo?” anang florista na lumapit sa akin.
“Ang totoo, hindi ko alam, lahat sila magaganda pero gusto ko ‘yong magugustuhan nang asawa ko at—” natigil ang sasabihin ko nang mapatingin ako sa malaking painting na naroon sa shop.
Isang bahay na napapalibutan nang mga bulaklak sa parang ang nakikita ko.
Subalit mula kung saan may mga alaalang naglaro sa isipan ko. Isang painting pero may isang lugar akong nakita sa isipan ko. Lugar na may isang bahay sa gitna nang parang na may maraming puti at dilaw na
daisies.
“Daisy at lily,” wala sa sariling saad ko na ikinangiti nang florista na kaagad na ring kumilos. Habang ako
unti-unting lumilinaw ang alaala ko tungkol sa painting— ang painting si Yuri.
PANAY ANG tawag ko kay Zade pero hindi pa rin itong dumarating. Tatlong oras na mula nang umalis ito. Ang sabi nito may bibilhin lang saglit kaya maaga itong umalis.
4
Muli akong magdial sana ulit nang marinig ko ang pagbukas nang malaking gate kaya napalapit ako sa pinto, relieve na ibinulsa ko na lang ang phone ko.
At hindi nakaligtas sa mata ko ang dala nitong bouquet nang bulaklak na mabilis na itinago sa likod nito. Kaya nagkunwari na lang akong hindi ko nakita ang mga ‘yon.
“Ang sabi mo saglit ka lang, saglit ba ang mahigit tatlong oras ha?” nakasimangot na sermon ko dito. Pero sa halip na sumagot, ngumiti ito saka inilabas ang itinatagong bulaklak sa likod nito.
“Nagpunta ako sa office, tapos nakita ko iyong flower shop kaya naisip kong bumili para sa’yo,” anitong nagkamot pa nang batok. Para talagang bata si Zade kapag ganun ang akto nito.
“Salamat,” nasabi kong di ko mapigilang mapangiti na lang.
Γ’
“Ang bilis mo naman akong namiss,” hirit nitong namula ang mukha pero lumapit pa rin sa akin.
“Nag-alala lang ako, kasi hindi kita matawagan. Iyong anak mo pala sinundo rin nila Mama Azra,” imporma ko kay Zade.
“Okay lang ‘yan. Mahilig talaga si Mommy sa bata,” anitong inakbayan pa ako. Kaya pasimple kong inamoy ang bulaklak na ibinigay ni Zade. Saka ako nito inakay patungo sa silid namin.
“Kapag nakakakita ako nang daisy naalala ko iyong bahay bakasyunan sa Ildefonso,” nasabi ko kahit alam kong hindi naalala si Zade ang tungkol doon.
“Maganda ba doon?” usisa nito.
< 214 Guilt:
“90. tahimik. lyon ang lugar na dati ko nang ipininta kahit hindi ko pa napupuntahan,” nakangiting kuwento ko dito.
“Gusto ko ring puntahan ang lugar na gusto mo?”
“Sige, isama natin ang dalawang bata,” sang-ayon ko pero umiling si Zade
“Gusto ko iyong tayong dalawa lang muna, diba wala pa akong malinaw na memory tungkol sa atin. Kaya ang gusto ko gumawa tayo nang bagong memory para magkaroon rin ako ng mga alaala na kasama ka,” malambing nitong saad. “Habang hindi ko pa naalala gusto kong gawin natin ‘yon, puwede ba? Magsisikap akong mas maging mabuting asawa sa’yo.”
Nagawa kong ngumiti dito. Iyon ang honeymoon place na napag-usapan namin dati kapag nagpakasal na kami sa simbahan. Pero ayaw ko munang bangitin ang tungkol sa kasal na plinano namin. Mas gusto kong makasal kami ni Zade na naaalala nito ang lahat.
“Sige, schedule na lang natin ang bakasyon.”
“Schedule, bakit babalik ka na ba sa trabaho mo?” ungot nito. Nangako ako kay Mama na babalik ako sa trabaho kapag natapos na ang medication ni Zade. Kaya plano ko sanang bumalik na sa susunod na buwan. “Mayaman naman ako kaya bakit ka pa magtatrabaho, ibibigay ko na lang sa’yo lahat nang pera ko, basta samahan mo lang ako lagi. Gusto kong gumawa tayo nang maraming memories-masasayang
memories, wifey,” giit nito.
“Ikaw talaga, ayos lang sasabihin ko na lang kay mama na iyong asawa kong seventeen years old, ayaw akong paalisin sa bahay,” pabirong saad ko na ikinasira nang mukha nito, pero bigla itong ngumisi.
“Sige, sasabihin ko rin na gusto kong pag-aralang gumawa nang bata, mga isang dosenang anak para madami tayong maingay dito sa bahay.”
“Sira ka talaga,” natatawang saway ko dito.
“Seryoso ‘yon. Nagawa ko na kaya magagawa ko na ulit, mas gagalingan ko pa, kinikilig ako sa ungol no eh,” nakangising sagot nitong ikina-init nang mukha ko. At ganon na lang ang gulat ko nang kabigin ako ni Zade pahiga sa kama.
“Zade…” saway kong pinanlakihan ito nang mata.
Γ
“Sabi mo pwede ko ulit gawin ‘yon kapag gusto ko, diba? Saka nagiguilty rin kasi ako na marami akong hindi pa nauunawaan, kaya sige na…magcharge na ulit tayo, dahil kapag ganito may mga naaalala ako,” samo nitong nagsimula nang gumapang ang isang kamay pailalim sa damit ko. “Pagbubutihin ko pa lalo mula ngayon. Pambawi sa lahat nang kasalanan ko sa’yo noon.”
“Walang kailangan bawiin Zade, sapat na kahit hindi mo pa naaalala ang lahat ako pa rin ang pipiliin mo. Nag-aalala akong baka una mo pang maalala si Atasha,” pag-amin ko dito.
Kita kong kumunot ang noo nito.
“Sinabi na sa akin ni Javier ang lahat, pati na ang tungkol kay Atasha. Pero wala naman akong paki-alam
214 Guilt-2
doon. Dahil bago pa ako naoperahan, ipinangako ko na sa sarili ko na hahanapin kita ulit at kikilalanin ko ang dalagitang hindi ko makilala noon. Iyon lang ang gusto ko.”
“Para mo namang sinabing na love at first sight ka sa batang hindi mo nakita ang mukha no,” pang-aasar
ko dito.
“Siguro, hahanapin ba naman kita kong hindi. Kasi iyong boses mo napapanaginipan ko noon, ‘yong magandang binabasa mong story. Hindi man kita makilala o maalala nang buo. Kilala ka naman nito,” seryosong saad nitong tinapik ang sariling dibdib, “Noong una kitang makita, naramdaman ko kaagad na tumibok ang puso ko.”
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)