211 Seeing The Light-2
211: Seeing The Light-2
“It’s fine Atasha, masaya ako ngayon dahil nakilala ko na ang totoong pamilya ko, nahanap rin ako ni Zade at may anak na kami. May pagsubok pero unti-unti malalampasan namin. Ang hiling ko lang sana para sa’yo at sa Mama mo, magsisi at magbago kayo para na rin sa kinabukasan n’yo.
“Hindi rin naman ganun kadaling magpatawad, pero sana balang araw, pwede tayong magkasalubong sa daan nang hindi na galit sa isa’t isa,” anitong ngumiti at tuluyan na ring tumalikod.
Sa kung anong dahilan, tila may batong unti-unting nawala sa dibdib niya at nang lingunin niya si Yuri, bakas ang excitement sa mga hakbang nito habang naglalakad. Hindi mabagal pero hindi rin nagmamadali. Relax lang kung baga, pero sa bawat hakbang nang mga paa nito palayo, ramdam ni Atasha na higit na maganda ang daang tinatahak ni Yuri.
“BAKIT ANG tagal mo?” reklamo sa akin ni Zade nang makabalik ako sa opisina ni Dr. Henry Park.
“Matapos na ba kaagad?” usisa ko saka ko inabot dito ang bottled water na binili ko sa canteen nang hospital. Ngayon ang next check up and CT scan ni Zade.
“Tapos na antayin na lang raw natin ang resulta,” sagot nito. Saka binuksan ang bottled water at uminum doon.
“Dalawang oras pa naman, ang result mabuti pa kumain muna tayo, nagutom na ako,” ungot ni Zade na sinang-ayunan ko naman. Almost lunch time na rin naman kasi.
Kaya nagpaalam na lang muna kami sa nurse na babalik na lang kami. Kaagad kong ikinawit ang kamay ko sa braso ni Zade. Isip bata pa rin ang asawa ko pero pansin kong hindi na ito masyadong naiilang kapag hinahawakan ko ito.
“Kumain muna tayo, saan mo gusto?” tanong ko kay Zade nang nasa kotse na kami.
“Gusto ko nang masarap na steak..” excited nitong saad. “Ah…” anitong hinanap ang phone nito. May kung anong tinipa iyon doon. Saka ito ngumiti. “Kuya Dan sa A-Hote tayo,” utos nito kay Dan na nasanay na ring tawagin ni Zade nang Kuya. Kahit mas matanda pa si Zadie dito.
“Hanggang kailan mo sila tatawaging kuya, ha?”
r
“Kapag naalala ko na.”
“Bahala ka nga,” nasabi ko na lang dito. Isang oras rin ang biyahe namin patungo sa A-hotel. Pero
pagdating namin doon nagulat akong nakapagpareserve ito nang hotel room.
“Paano ka nakapagbook agad, mahal kaya ang on the spot reservation dito, sayang nang pera.” Nasabi ko nang nasa lift na kami. “Saka pangit tingnan kung may minor na kasama no,” pang-iinis ko kay Zade.
“Hindi naman nila alam na minor ako eh. Thanks to my good looks,” mayabang na saad ni Zade
Hindi nagtagal ay bumukas nang ang lift sa 29th Floor. Isang VIP suit ang kinuha nito kaya binalingan ko
ito.
< 211 Seeing The Light-2
“What?”
“Sayang nang pera, para sa isang lunch date, Zade Larzon.” nagawa ko pang mamaywang sa harap nito para harangan ang pinto
“Ano ka ba, bawal ang cancelation dito– alangan sayangin natin diba, ikaw talaga. Sabi ni Kuya Javier kuripot daw ako, ikaw ata ang kuripot eh,” naka-ingos na reklamo nito sabay hila sa akin para maitap nito ang key card.
Pagpasok pa lang ay umagaw na sa mata ko ang karangyaan nang naturang suite. Sabi nila pugad nang mga bilyonaryo ang A-Hotel. Kaya naman hindi nanghihinayang ang mga mayayamang gumagasta sa hotel.
“Wow, ang ganda naman dito,” excited na saad ni Zade na parang batang naglibot sa suite. “This must be the room,” anitong pinihit ang door handle na kulay gold. Dinig kong sumipol pa ito. “24hrs ang bayad ko dito?”
“Ha? Bakit naman, Zade Larzon. Alam kong mayaman ka pero huwag mong kakalimutang hindi ka
nagtatrabaho ngayon, kaya hindi tayo pweding maging magastos no, grabe ang mahal dito eh. Dapat kasi sa restaurant na lang tayo.”
“Gusto ko dito eh,” nakangusong giit nito. “Mas malaki pa sa bed natin ang kama nila,” anitong tuluyang pumasok kaya napailing na lang ako at lumapit sa pinto.
2 ca
Gusto kong matawa nang bigla na lang itong tumalon kama.
“What the heck, ang lambot nang bed, gusto ko ganitong bed,” parang batang monologue nito. “Dito na
tayo ngayong gabi ha,” anitong binalingan ako.
“Paano si Zayu?”
“Diba kukunin siya ni Kuya Clarence, para di raw malungkot si Baby Zen. Okay lang ‘yon. Magchill muna tayo dito.”
“Bahala ka nga,” natigilan ako nang marinig ko ang buzz bell sa pinto.
“Iyong pagkain,” anitong tumayo na rin at mabilis ang hakbang na nilampasan ake para ito na ang
magbukas ng pinto.
“Hindi nagtagal ay nakalatag sa harap namin ang set nang mamahaling steak at red wine.”
“Bakit may wine?”
“To celebrate, last day kahapon nang mga gamot ko kaya dapat magdiwang ako diba. Sigurado naman akong maganda ang result nang CT-scan ko kaya—”
“Zade, baka—”
“Shhhhh!” saway nitong itinakip sa bibig ko ang dalawang daliri nito. “Stop! We had the right to celebrate after all this trouble.” anitong biglang sumeryoso. “Kumain na muna tayo,” dagdag pa nito. Saka
N
(211 Seeing-The Light 2
nagsimulang hiwain ang steak sa plato nito..
Clam
Pero nang matapos ay kinuha nito ang para sa akin at ipinalit ang nahiwa nitong steak. “Kain na,” aluk nito na hindi ko maiwasang mapatitig dahil sa seryosong titig ni Zade, wala doon ang inosenting tingin nito as if he was back to his old self. “What?”
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)