Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 400

Vote

206 Can Le You-2

21

206: Can’t Lose You-2

“Magiging okay lang siya Mama diba? Ayaw ko kasing—”

“Ako man, ayaw kong mawala si Zade. Mahal na mahal namin siya nang Daddy niya saka naniniwala akong babantayan siya ng Daddy Larzon niya. Kaya magtiwala tayong makakabalik sa atin si Zade.”

Sa mga sinabi ni Mama napilitan akong magtungo sa private room para kay Zade. Nagpasya akong mahiga sa kamang nakalaan para sa aming mga magbabantay. Ayaw kong matulog dahil nag-aalala ako sa kalagayan ni Zade pero paglapat nang likod ko sa kama. Para akong nawalan nang lakas at kaagad na katulog.

Nagising akong mag-isa pa rin sa kuwarto. Pagcheck ko nang phone ko halos alas otso na nang umaga. Kaya napabalikwas ako nang bangon. At mabilis na lumabas para puntahan si Zade. Sabi ko maiidlip lang ako pero walong oras pala akong nakatulog.

Palapit ako sa ICU nang makita ko ang nagmamadaling mga nurse papasok. At sa gulat ko nang tinakpan nang nurse ang kurtina.

“Miss what’s going on?” pigil ko sa nurse.

“Ma’am please, we have an emergency. The patient is having a heart attack…” tila ako binuhusan nang

malamig na tubig sa narinig ko. Lalo’t may mga doctor na ring nagmadaling pumasok sa loob ng ICU.

“Diyos ko anong nangyayari?” tarantang kausap ko sa sarili ko. Lalo’t hindi mahagilap nang mata ko sina Mama Azra. “Kasalanan ko ‘to. Dapat hindi ako natulog, bakit ba ako— Zade.” tuluyan na akong napaiyak

dala nang labis na takot.

Dapat okay na raw si Zade pero paanong nagkaheart attack. Sa isiping ‘yon naninikip ang dibdib ko. Panay ang tangis ko nang may humawak sa balikat ko na labis kong ikinagulat.

Si Dad Gaston pala.. “Dad si Zade ho…” luhaang sumbong ko dito kaya hindi ko nakita ang amusement sa

mga mata nito.

“You must love him so much, anak.”

“Dad paano na kung—”

“Anak,” anitong kinabig ako at niyakap. “Zade is fine, nilipat na siya sa recovery room kanina lang.” Parang mabilis na break nang sasakyan na huminto ang pagluha ko saka ko tiningala si Dad. Matamis na ngiti ang sumilay sa labi nito. “Bukas raw kapag wala nang problema, dadalhin na siya sa silid niya. Kaya antayin na lang nating magising ang asawa mo,” nahabang paliwanag nito na muli ko pa ring ikina-iyak. “Akala ko… bakit di n’yo sinabi kaagad,” mahinang sermon ko kay Dad pero tinawanan lang ako nito.

“Pinuntahan nga kita sa kuwarto at baka nga ganito ang mangyari. Huwag ka nang mag-alala. Halika na.” yakag sa akin ni Dad.

Pagtalikod namin ay siya namang pagdating nang pamilya nang nasa ICU.

N

206 Can LLet You-2

Minsan hindi talaga maiiwasan na sa bawat kasiyahan nang iba. Kalungkutan naman ang dala sa iba.

Ganun kasi ang buhay. May lungkot at saya, paghihirap at ginhawa. Magkakabit ‘yon lagi. Pero ang higit na nakakapagpagaan nang lahat ay kung may pamilya kang karamay. Nagawa kong tingalain si Dad dahil sa isipin kong iyon.

Naabutan namin sa recovery room sina Papa Zen at Mama Azra. “Ikaw na muna ang bahala sa asawa mo, magpapahinga lang muna kaming lahat.

“Sige po, napakahaba nang tulog ko kanina,” nasabi ko.

“Mabuti ‘yon. Babalik kami mamaya,” paalam ni Mama Azra. Ilang sandali pa ay ako na lang ang bantay kay Zade. May benda pa rin ang ulo nito. May oxygen at may malaking apparatus na tumutunog na parang heartbeat ni Zade.

Mabagal pero kalmado naman. Pinagmasdan ko lang ang mahimbing na tulog kong asawa. Relax ang anyo nito kaya masaya ako. Ang sabi nang doktor, posibling hindi pa rin maayos ang face blindness ni Zade kaagad. Pero ayos na iyon sa akin. Ang mahalaga buhay ito at makakasama ko pa nang matagal. Kinuha ko ang librong nasa ibabaw nang maliit na tokador.

Mukhang binabasa ‘yon ni Mama Azra para hindi ito antukin habang nagbabantay kay Zade. Nabasa ko na

ang kuwento kaya napangiti akong sinimulang basahin nang malakas para marinig ni Zade.

Maganda ang kuwento, tungkol ‘yon sa isang nawalang tagapagmana na naging katulong sa sarili nitong mansyon. At pinag-initan nang kanyang among babae dahil kamukha ang bida nang dating Ginang nang

tahanan na namatay dahil sa paglubog nang yate na sinasakyan nito.

Dahil sadyang maganda ang kuwento hindi ko na namalayan ang oras. Kung hindi pa lumapit ang nurse para magpalit nang dextrose ni Zade. Maya maya dumating naman si Dok Park kasama ang dalawang

doktor na sina Dr. Smith at Dr. Mahandi.

“His recovering fast,” ani ni Dok Park na bagaman may edad na halatang matikas pa rin ito. Hindi ko na napansin iyon nang una ko itong makita. “Miracle indeed exist,” dagdag pa nito.

“Thank you Doctor, for saving my husband.” Nagawa kong sabihin sa mga ito.

“We did your job, but his survival will still be because of his faith.” ani Doktor Mahandi. “The test shows that his getting better. We might transfer him sooner to his room.”

“I hope he’ll wake up soon,” nasabi ko.

“Give him time, when his body is ready he would wake up on his own. He’ll be happy to see his wife by his side.” Nakangiting saad ni Doctor Park.

Muli ay naiwan ako sa tabi ni Zade. Hawak ang pag-asang magigising na ito anumang oras. Pero dumating na sina mama at nailipat na ito sa private room namin. Nanatiling tulog si Zade

Kaya kinabukasan ay kausap ulit namin si Dok Henry Park. Si Doktor Dytona na lang ang kasama nito.

“Bakit hindi pa rin siya nagigising Dok, ano ho bang problema?”

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)