195: Unveiling Secrets-1
195: Unveiling Secrets
“SABIHIN mo Dok, bakit nangyari ‘to sa anak ko? Magaling na siya kaya, bakit?” Bakas ang kaba sa mukha ni Mama Azra. Kaming tatlo lang nila Papa Zen ang nasa opisina nang doktor. “Totoo bang bumalik ang sakit nang anak ko?”
“Unfortunately, yes. Actually galing rin siya dito para sa CT-scan. He was fine, nagworry lang siya dahil sa vision niya.” anang Doctor na tinapunan ako nang tingin. “Alam n’yo kakaiba ang kaso ngayon ni Mr. Dela Merced. His propognosia has special case, where as, kaya niyang makita ang mukha nang kanyang asawa.”
“Ano hong ibig n’yong sabihin dok?” takang tanong ni Papa Zen.
“According kay Mr. Dela Merced, ang mukha na lang nang asawa niya ang kaya niyang makita. He said he felt relax whenever he see’s his wife.” Napatingin ako sa seryosong
mukha nang doktor.
Bigla ko tuloy na isip ang sinasabi ni Zade na ako na lang raw ang maganda sa paningin nito. lyon pala ang dahilan. Pero ang ikinaiinis ko ay kung bakit hindi nito sinabi sa akin ang tungkol doon.
“Hindi ko masyadong napansin itong irregularities sa kanyang cyst. Hindi siya benign pero ang kabilang bahagi ay tumutubo pa pailalim sa nerves niya kaya nagkakaroon siya nang severe headache and dizziness. Kaya sa tingin ko mas makakabuti kong maoperahan pa rin
ang cyst niya.”
“Tulad nang dati, maibabalik ba noon ang paningin niya?” Si Mama Azra na napakapit sa
braso ni Papa Zen.
“It’s a 50/50 percent chance.”
“Pero dok, anong tsansa na matulad ang kaso ni Zade sa kapatid ko. His father died dahil sa komplikasyon nang pag-alis ng cyst sa utak niya. They had the same case. Hindi ba puweding tunawin na lang ang cyst gamit ang mga gamot.”
“Actually tatlong buwan na siyang nagme-medication, pero napakabagal nang reponse sa gamot.”
“Tatlong buwan na niyang tinatago ang tungkol dito?” di ko maitago ang pait sa boses ko.
“I’m sorry hija, sa tingin ko ayaw lang ni Zade na mag-alala ka pa. Mabuti pa puntahan na muna natin siya.” ani Papa Zen saka muling binalingan ang doktor. “Anong possibilities kong
veling Secrets-1
hindi siya maooperahan?”
* Puweding pumutok ang ugat na natatamaan dahil sa paglaki nang cyst niya at posible niyang ikamatay ‘yon,” muntik na akong mapasinghap sa sinabi ng doktor.
Hindi ko na alam kung paano ako nakarating sa private room ni Zade. Naabutan ko itong naka-upo sa kama nito at mukhang seryoso ang pag-uusap nito at si Clarence.
“Sige iwan ko na muna kayo, ihahatid ko na rin sina Dad,” paalam ni Clarence. Pero wala na akong nasabi dito.
Katahimikan ang namayani saglit sa pagitan namin. Hindi ko alam ang sasabihin ko.
“Sorry…” anitong sa mahinang tinig. Kaya nakagat ko ang dila ko sa inis.
“Ilang buwan ka nang ganyan, tapos sorry lang? Bakit ba napakasinungaling mo Zade Larzon, ha!” Di ko maiwasang sumbat dito. Alam ko, may karapatan akong magalit dahil wala siyang tiwala sa akin.
“Hindi ko gustong ilihim sa’yo, pero kasi… huwag ka nang magalit. Ayaw ko lang mag-alala ka pa,” nakiki-usap nitong saad.
“Ano bang mahirap kung sasabihin mo sa akin na nahihirapan ka. Kung hihingi ka rin nang tulong kasi nahihirapan ka. Bakit ganun Zade? Sabi mo maging honest tayo sa isa’t isa. Pero lagi kang nagsisinungaling. Ang selfish mo, alam mo ba ‘yon.” Mapait ang lalamunang sumbat ko dito.
“Yuri, marami ka nang hirap na pinagdaanan, ayaw ko lang na maging pabigat pa—–”
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)