194: Hindi Makatarungan-2
“A talagang matalas ang tabas nang dila mo Daisy, ikaw itong panay ang dikit sa akin tapos ako ang pagbibintangan mong lumalapit sa’yo, asik ni Natasha sabay martsa palayo kay Daisy. Hindi na ininda ang sakit nang katawan nito.
Sa kabilang banda, nakita ng jail guard ang tila pagtatalo nila Daisy at Natasha kaya tinawagan nito ang boss nito,
“Sir mukhang umaayon ang lahat sa plano.” imporma nitong ngumisi pa.
“BAKIT ngayon ka lang?” Bakas ang pag-aalala sa mata ni Zade nang salubungin ako dito. “Kanina pa ako tumatawag, pero hindi ka sumasagot.” sermon nito.
“Ano ka ba naman? Bumalik kasi kami sa office pagkagaling namin sa mental hospital?” paliwanag ko dito. “Hindi ko na napansin ang phone ko naiwan ko pala sa office.”
“Pero sana man lang pinansin mo ang phone ko pagbalik mo nang opisina?”
“Sorry na, kasama naman namin si Javier kanína. At alam mo sa tingin namin hindi talaga baliw si Atasha. Kaya plano naming hulihin siya sa akto.” Di ko maiwasang makakasama nang excitement sa sinabi ko.
“Yuri, hayaan mo na lang silang gawin ‘yan. Huwag ka nang sumama pa,” ani Zade sa malumanay nang tinig.
“Zade, gusto ko lang magkaroon na tayo nang peace of mind. Para naman maging mas komportable na tayo. Ayaw kong isipin pero nag-aalala talaga ako sa isiping nagpapangap lang si Atasha.”
“I know, pero sana naman. Isipin mo pa rin ang kaligtasan mo. May mga anak tayo Yuri.” Nahahapong sermon nitong nasapo ang noo. Kita kong napangiwi si Zade. Kaya napalapit
ako dito.
“Zade bakit, okay ka lang ba?” Di ko maiwasang mag-alala. Lalo’t nagulat ito at kita ko amg panic sa mata nitong tumitig sa mukha ko.
“Yuri,” sambit na tawag nito na bakas ang takot sa mukha.
“Zade ano ka ba, halika nga rito,” inalalayan ko ito paupo sa kama namin. “Ano bang nangyayari sa’yo?” di ko maiwasang mag-alala sa nakikita ko kay Zade.
Dama kong malaking pagbabago ni Zade nitong nakaraan. Mas naging tahimik na rin ito pero malambing pa rin naman o mas tamang sabihing nagiging clingy ito. Pero ang higit na inaalala ko ay ang lungkot sa mga mata ni Zade.
Andi Makatarungan-Z
Claim
Mariin itong pumikit nang ilang sandali at huminga nang malalim. “Ayos lang ako, kasalanan mo kaya sumasakit ang ulo ko. Lagi mo na lang akong pinag-aalala eh.” anitong pilit ngumiti.
“Ikaw naman kasi, masyado kang nagpapanic, hindi naman ako mawawala e,” pabirong saad ko pa kahit nag-alala ako.
“Pasensya na, narerelax lang ako kapag nakikita kita. Masama na talaga ‘to. Masyado na kitang mahal,” hirit nitong ikinatawa ko. “Anong nakakatawa?” usig nitong sumimangot pa.
“Ang sweet mo lang kasi. Huwag ka nang magalit. Gusto mo hilutin ko na lang ang ulo mo para mawala ang sakit. O kaya bakit di natin pa-check sa doctor. Pansin ko nadadalas ‘yan,” puna ko dito.
“Akala ko ba, ako ang nagpapanic, ikaw ata eh. Wala ‘to. Stress lang kasi, ang tagal mo, tapos di pa kita makontact.” anitong umiling pa. “Magbihis ka na muna sabay na tayong magdinner.” anitong tumayo para ikuha pala ako nang bihisan. Kaya pinagmasdan ko na lang muna ito saglit. Hanggang makapasok ito sa walk in closet namin. Hindi na nito isinara ang pinto kaya nakita kong muli na naman itong napahawak sa noo nito. At tila lasing na gumiwang pa na napakapit sa pinto nang closet.
Mabilis akong pumasok sa walk in closet namin kaya malakas akong napasigaw nang bigla na lang tila kandilang naupos si Zade. At kung hindi ko naagapan ay baka nabagok ito pagbagsak.
“Zade!”
KAPWA napalingon sina Clarence at ang ama nito nang marinig ang malakas na sigaw ni Yuri. Biglang may kung anong takot na nadama si Clarence dahil sa panic na tinig ni Yuri. Mabilis niyang tinakbo ang hagdan at walang alin-langang pumasok sa kuwarto nang
mag-asawa.
“Anong nangyari?” Dinig niya ang boses nang kanyang ama na nasa likuran na pala niya.
“Tulong! Zade…ano…” dinig niya ang panic na bose ni Yuri mula sa walk in closet kaya mabilis siya pumasok para makakitang nakahandusay sa sahig si Zade.
“Anong nangyari sa kanya?” worried na napalapit rin si Dad. Pinagtulungan nilang mag-ama na alalayan si Zade para madala sa hospital.
“Dad anong nangyayari sa asawa ko?” panic na tanong ni Yuri na umiiyak pa rin.
“Anak, kumalma ka okay. Titingan na siya nang doctor?” Pag-aassure ni Dad kay Yuri. Hindi nagtagal ay naroon na ang kanyang Mommy Charlene at ang mag-asawang Dela Merced.
“Bakit napano si Zade?” si Tito Zen ang ama nito.
194 Hindi Makatarungan-2
Claim
“Alam n’yo ho ba ang tungkol sa sakit ni Zade, Tito?” walang prenong tanong ko dito na ikinatigil ni Yuri sa pag-iyak.
“Anong sinasabi mo, hijo? Magaling na si Zade namin. Wala na siyang sakit.” Kita kong pag-aalala sa mukha ni Tita Azra.
“Sandali, Clarence, anong sinasabi mo? May sakit ang asawa ko?” Nanlalaki ang mga matang tanong ni Yuri na hinawakan ang braso niya. “Ano?” Muntik na niyang matampal ang sariling noo.
Pero hindi ba tama lang na alam ni Yuri na may sakit ang asawa niya.
“Mama, Papa? Ano hong sakit ni Zade? Bakit hindi ko alam?” bakas ang pait sa tinig ni Yuri kaya nilapitan na ito nang kanilang ina.
“Magaling na siya noon pa anak,” anang ama ni Zade saka pinaliwanag kay Yuri ang lahat na na ikinagulat nito ng husto kaya natakan nito ang bibig. “Kaya nagkamali siya noon, napagkamalan niyang ikaw si Atasha. Dahil nang araw na una kayong magkita paalis na rin kami nang bansa noon para sa brain surgery niya.”
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)