“Dapat maipakulong na natin ang babaing ‘yon bago pa gumawa nang mas malalang kabaliwan,” naiiling na saad ni Zade. “Akala ko sina Natasha na ang pinakamasasama at sinungaling na tao sa mundo pero mukhang may higit pa pala sa kanila.”
“Ayos lang, ang mahalaga hindi sila magtatagumpay na gumawa nang masama,” nasabi ko. “Gusto ko pa sanang samahan si Moira kaso baka namimis na kami nang mga bata. Babalik ako mamayang hapon para samahan si Moira.”
“Ayos lang Yuri, darating din si Mommy Thesa at si Tita Gary mamaya. Kadarating lang rin niya galing US.” tukoy nito sa kapatid ni Dad Gaston. Mas madalas kasi ang kapatid ng ama nila sa US.
“Hello ho, vital Check lang po ni Baby at ng Mommy,” anang babaing nurse na pumasok. Kita kong natigilan ito at napatingin sa direksyon ni Zade. “Hi, sir Zade,” bati nito kay Zade pero nangunot lang ang noo ni Zade.
“Kilala ba kita,Miss?”
“Si Sir, sabi nila matandaan kayo sa mukha at pangalan nang tao, ako po si Nurse Dessa, iyong nagtraining po sa medical section nang Delamer’s group. Glad to see you again sir.”
“Ah.. oo, sorry matagal na kasi hindi ko na masyadong tanda,” paliwanag ni Zade sa babae na itinuloy na rin ang pag–check sa bp ni Moira.
“Hindi ko alam na makakalimutin ka na rin pala,” pang–aasar ni Clarence kay Zade.
“Ganun talaga kapag nagkaka–edad na, tatanda ka rin, luko ka.”
“Akala mo naman ganun ka na katanda, thirty two ka pa lang naman,” biro ko kay Zade.
“Kapag lampas na sa calendaryo, matanda na,” giit nitong tumitig sa mata ko.
“Buti na lang 5-6 years pa tayo bago magpaalam sa kalendaryo, Yuri.”
“Inaasar mo na naman ang asawa ko,” pagtatanggol ko kay Zade na nakangiti lang rin naman. Pero pansin kong napangiwi ito na tila asar sa kung ano. Alam kong hindi naman ito napipikon kay Clarence dahil gantihan lang ang asaran nang mga ito.
“Ang ingay n’yo,” anang inaantok na tinig ni Moira. Mukhang nagising ito sa pag–bp nang nurse.
“Pasensya na kung naabala ko ang tulog mo Misis.” Magalang na saad nang babae.
“Okay lang salamat,” ani Moira na nagtangkang kumilos. Kaya mabilis na lumapit si Clarence para alalayan
ang asawa nito.
“Dahan dahan lang,” anitong nakasuporta sa kilos ni Moira. Hindi romantically sweet si Clarence pero maalaga at protective ito sa mga taong mahal nito.
“Mukhang may natutunan ka na,” nakangiwing saad ni Zade na inakbayan ako. “Hindi ko nagawang
* 176 Kababwe
alagaan ka noong nagbuntis ka kay Baby Zayu.” mahinang sambit ni Zade na nakatitig na naman sa mukha ko
“Sus, ano ka ba, sobra na nga ang bawi mo kaya okay lang ‘yon.”
“Huwag nga kayong maglambingan sa harap namin,” nanghihina ang boses na saway ni Moira sa amin.
“Para may matutunan naman ang asawa mo, kailangan niya ‘yon.” sagot ni Zade na ikinataas ng gilid ng labi ni Clarence.
“Umuwi na nga kayo, kaya ko nang alagaan ang asawa ko. Alis na.” Taboy sa amin ni Clarence pero kay Zade nakatingin.
“Sige na, uuwi na rin muna kami. Nag–alala lang ako pero mukhang si Clarence ang dapat mag–alaga sa’yo,” sang–ayon ko sabay kapit sa braso ni Zade. “Miss ko na rin mga anak ko eh.” paalam ko kay Moira na napangiti naman.
“Huwag n’yong sabihing nag–date pa kayo kagabi.” ani Moira sa kabila nang nanghihina pa nitong boses.
“Sympre naman, kahit maraming problema, dapat ‘wag kalimutan nang asawa mong i–date ka, ituro mo ‘yan sa kanya.” seryosong turan ni Zade kay Moira na ikinatango naman nito. Paglabas namin sa kuwarto
nila Moira nakasalubong namin si Martin na may dalang bulaklak.
“Kayo pala, hi Yuri.” bati sa akin ni Martin saka binalingan si Zade na nakakunot ang noo. “Bad mood pa rin siya sa’akin,” mahinang sumbong nito.
“Huwag mong asarin ang asawa ko. Tagal mong nawala, kumusta ka na Martin?”
“Ayos lang naman, ito masaya kahit hindi ikaw ang natawa ito nang walang babalang kabigin ako ni
Zade.
“Humanap ka nang ibang babaing pupormahan ‘wag ang asawa ko,” asar na asik nito kay Martin.
“Hanggang ngayon seloso ka pa rin Dela Merced,” pangbubuksa ni Martin dito. “Saka na tayo magkuwentuhan ulit Yuri, dalawin ko iyong bagong baby. Kumusta mo ako kay baby Zayu ha,” bilin nito bago tuluyang tinalikuran kami.
“Bakit niya kukumustahin ang anak ko, sira ba ang ulo niya?”
“Ikaw talaga, halika na nga.” Halatang pikon pero hinawakan pa rin ni Zade ang kamay ko saka kami sumakay nang lift.
“Huwag kang makikipagkita sa lalaking ‘yon, magagalit ako,” may diing banta ni Zade na mukhang asar
nga.
“Huwag ka ngang seloso, Mr. Dela Merced. Baka lalo akong mainlove sa’yo n’yan.” tudyo ko kay Zade pero kita kong natigilan ito. “Oh bakit?”
“Wala… natutuwa lang akong marinig ‘yan. Uwi na tayo.” anitong inakbayan na ako at hinalikan ang ulo ko. “Mahal kita Yuri,”
176 Kababwar
“Mahal din kita Žade Larzon Pero puwede huwag kang masyadong maging sweet. Baka magkadiabetes na tayo ako nyan eh.”
“Huwag ka ngang magbiko nang ganyan. Hindi ka puweding magkasakit,” sermon nito.
“Ako lang ba, dapat ikaw rin. Bawal ka ring magkasakit, pero pansin ko masyado kang seryoso lately.” di makatiis na puna ko dito.
“Di ah, normal ko lang ‘to.” nakangiting sambit nito saka hinawakan na ang kamay ko sabay hila sa akin
palabas nang bumukas ng lift.
Kita ko na kaagad si Dan na nag–aantay sa amin na kaagad nang binuksan ang backseat.
Pagdating namin sa bahay ay naabutan na namin doon sina Dad pati ang parents ni Zade. At ang dalawang batang abala na sa paglalaro sa tabi ni Mama Charlene
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)